Kabanata 1

16 0 0
                                    

Patay




Kasalukuyan kong tinatali ang aking mahabang blonding buhok sa harap ng salamin at ginawang chignon iyon. Kinuha ko ang pulbos at nilagyan ko ang aking mukha at naglagay din ako ng lip balm sa aking labi.

Patapos ko ng inaayos ang aking sarili ng lumabas si manang melda sa banyo. tapos na din siyang magayos ng kanyang sarili.

Dahang dahan siyang lumapit sa akin, nakasuot na din siya ng damit pangkasambahay.

"Alam mo ba kung ano ang nangyayari ngayon sa dating bayan natin?" maingat na sambit niya sa akin habang nakaupo ito sa dulo ng kama.

Nasabi ko din sa kanya kong saan ako galing at lumaki kaya ganoon na lamang ang gaan ng aking loob na makausap ang isang nanay din katulad niya. Nagtatrabaho din siya para sa kanyang mga anak para matulongan nito ang gastusin sa pagaaral at huwag lamang matigil ito.

Pareho kami ng dahilan kaya kami nagtatrabaho sa pamilya vernacular para matulongan ang sarili at anak na makapagtapos ng pagaaral.

Doon kasi ako lumaki pero ngayong high school dito na ako ninirahan sa feblueso at kasama ang aking nanay. Ang aking nanay ay nagtitinda din ng isda sa palengke para sa aming pangangailang sa araw araw.

Kaya naman ang malamang may nangyayari sa dating bayan na kinagisnan ko ay nakakagulat. I used to be there, agad akong napalingon sa kanya ng halos lumabas ang aking puso sa dibdib.

"Ano po ang ibig yung sabihin manang?" napalunok ako.

huminga siya ng malalim tysaka umayos ito ng upo.

"Sa pagkakaalam ko. Talamak na daw ang mga kabataan na mga adik, basagulero, at magnanakaw. kaya naman ang Mayor ay nagpatupad ng batas para dito" mapait na ngiti ang nakita ko doon.

Syempre may mga anak siya doon na naiwan at hindi nagabayan sa paglaki ba'ka mapano ang anak nya doon bilang isang ina magaalala ka sayong anak.

"A-ano pong batas manang?" kinakabahan kong tanong.

"Magpapa drugs test, curfew at nagpaskil sila ng mukha ng mga magnanakaw at nilagyan iyon ng pabuya sa ulo kong sino man ang makakita nito"

"ibig sabihin ay malaki po ba ang pabuya doon?" Tumango si mamang.

"Hindi po ba kayo tumawag sa inyong  mga anak manang?" tanong ko.

"hindi pa pero makikiusap ako kay senior na kong pwede bang makitawag ulit" tumango ako doon.

Si senior hindi naman masama istrikto lang ito kahit na sa amin.

Matanda naman na si manang melda at hindi rin siya marunong gumamit ng cellular dahil sa kakulangan ng edukasyon noon dahil sa kahirapan hindi siya nakapagaral man lang sa kanyang kabataan ay maagang nagtrabaho siya para sa kanyang pamilya.

Siguro hindi na din ako nakakauwi doon mahigit isang taon na pero si manang melda ay ganoon na din hindi na nakakauwi sa kanilang bahay tanging pagpapadala na lamang ng pera ang nananatiling kumonikasyon sa kanyang mga anak na naiwan doon.

Hindi dapat ako maging kampanti dito kahit na walang na balitaang kaso sa lugar na ito. Gusto ko tuloy tawagan ang aking lola doon at alamin ang kanilang kalagayan pero wala akong cellular.

Kabataan pa naman ang hindi mo agad mapagkakatiwalaan ngayon kasalukuyang panahon dahil na rin sa mga bagay na kanilang nakikita at natututonan galing sa social media.

Hindi parin naman ako sigurado na ligtas kami dito sa lugar ng feblueso kahit na ang bayan nito ay sarsuela hindi dapat ako maging kampanti.

Naunang lumabas si manang para magtrabaho na tysaka lang ako lumabas ng maayos na din ang silid naming dalawa.

I Found You But We Can't Be '' (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon