Kabanata 2

13 0 0
                                    

Age Gap





Tama nga si manang lahat kami ay natirador lalo na ng pumatak ang ala sais. Kaming tatlo nila Abeng, Alona, taga serve ng inomin sa taas pero napadpad muli ako sa labas para maging serbidora.

ang mga kalalakihan na tauhan ay sila na ang nagluto dahil kinulang na ang pagkain. Ramdam ko na ang pawis sa aking buong katawan dahil sa pabalik balik na hatid sundo ng pagkain ng mga bisita sa labas.

Puro pagpapasalamat at papuri ang nadirinig ko mula sa mga bisita ng pamilya kesyo mababait daw ang mga ito hindi lang doon sino ba naman ang mahihirap na maanyayahan ng ganitong klasing ka-engrandeng parti sa feblueso na maliit lang naman itong lugar para na nga raw itong fiesta ng bayan kung tutuusin dahil sa dami ng tao at pagkain.

"Ang yaman talaga nila di' hamak na mayaman pa sa mga Avaselo at Rajah ng feblueso" mga sabi sabi ng mga nanay sa isang lamesa.

"Oo nga e pero hindi naman talaga natin alam sa Avaselo kasi di'ba hindi sila mahilig sa mga ganitong parti" Ani ng matabang babae na chinita kulot ang buhok niyon.

"Bakit ang Rajah naman din di'ba hindi mahilig sa ganito pero ang mansyon nila mas malaki pa sa Avaselo" saad naman ng nanay na payat at mahaba ang buhok.

Narinig ko din sa kanila na iyon daw ang dating mayaman dito noon sa feblueso pero ng may nangyaring trahedya sa kanilang pamilya ay biglang naghirap at umalis ang ilang kaanak nito at tinungo ang ibang bansa para doon manirahan ng mapayapa at magbagong buhay dahil sa trahedya na nagdulot ng kakila-kilabot ng pamilya at kanilang pagbagsak ng karangyaan sa buhay maging sa negosyo.

Hindi lang iyon ang narinig ko mula sa kanila. May parteng masarap pakinggan sa tainga pero may hindi.

Tulad na lamang sa mga tauhan ng magasawa hindi ko alam kong bakit ganito na lamang sila kung makapaglait sa amin. Para bang kilala na nila kami simula palang.

"Sabi ng anak ko yang batang yan ay nakita niya raw iyon sa kamagong may kahalikan" huh-? Hindi ba pwedeng nakipagkwentohan lang? Halikan agad? Grabe naman.

"Sino sa kanila?"

"Iyong anak ni Amalya di'ba si Alona"

"Sino iyon? Ah oo. Kamusta na pala iyong bata nila di'ba?" ngumuso ang mga labi nito sa katabi para maintindihan nito ang kanyang tinutukoy.

"Boyfriend daw iyon pero hindi na daw kasi may nangyari kaya pinaghiwalay tapos nabuntis pero nawala din" kumonot ang noo ko doon.

Ang tsismosa naman nila samin grabe kong makapagsalita wala man lang preno ang bibig.

"saan mo naman nakuha ang balitang iyan?"

"Sinabi nong kaibigan ng anak ko yon daw ang nangyari sa kanilang mag boyfriend"

Grabe walang pinili ang tsismis na lugar kaya naman mas lalo akong dumikit sa mesa nila habang nag serve ako ng inomin sa katabing table dahil kuryuso din ako sa buhay ng dalawang iyon.

"So? Wala ng bagong boyfriend iyong anak ni Amalya di'ba malandi iyon?" nagtawanan sila.

naginit ang ulo ko doon kaya naman natigil lang iyon ng may nadapa na bata kaya naman agad ko siyang tinayo at pinagpagan ang kanyang damit na narumihan.

"Ang damit ko" tumulo ang kanyang luha na agad ko namang pinalis at inalo.

Mabuti at mermuda ang lupa hindi masyadong masakit kapag nadapa ka. Nakaputi siyang bistida at may laso ito sa unahan at naka flat sandal.

"heto" binigyan ko siya ng panghimagas at hindi na siya umiyak

"Angela anak asan kana" agad akong tumayo ng may naghahanap na nanay at kumaway para makita niya kami.

I Found You But We Can't Be '' (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon