Kabanata 3

12 0 0
                                    

Good night




Araw ng lunes at marami ng mga estudyante ang dumating at kasama ang kani kanilang mga kaklasse habang nagtatawanan ang mga ito ng madaanan ako.

Tingin ako sa kaliwa at kanan habang may dumaraang tricycle sa harap ko at sa harap naman nito may kainan. Nakaupo ako sa waiting shed at inaantay si Antonella na dumating para makapasok na kami sa first period namin sa umaga.

Umuwi ako sa bahay kinabukasan pagkatapos ng parti sa mansyon dahil break ko naman kapag linggo at kapag Monday at sabado sa kanila ako pero pumapasok naman ako maging Sina Alona at Abeng sa school basta pagkatapos ng klase ay deritso agad sa mansyon.

"Historia? Ikaw nga? nakita kita sa parti di'ba?" ani ng isang babae pero hindi ko naman ito kilala ngayon ko lang ito nakilala.

lumingon ako sa babaing tinatanong ako sa kanan.

"Hi!" she waved at me then she give me a cute smile.

"Hello!" ngumiti ako.

Cute siya at senior ko siguro ito dahil magkaiba kami ng lace ng ID. Matangkad siya pero medyo balingkinitan ang hugis ng katawan.

"Nagtatrabaho ka di'ba sa mansyon ng vernacular?" ngayon nasa harap ko na sya habang nakangiti parin ito.

"Ah oo e, bakit?"

"So? You always seen Reiner there?"

tumango ako sa sinabi niya malamang palagi kong makikita yon dahil isang bubong lang naman ang tinitirhan namin, dahil doon naman ako nakatira tuwing may klase.

"So? He have girlfriend already?" aba malay ko sa taong iyon. Wala naman akong nababalitan doon.

Kumunot mona ang noo ko bago ako nagsalita.

"Hindi ko alam e bakit hindi mo tanongin sya ng malaman mo" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at natawa ako.

"You know what, I'm just asking you-" nalaglag ang panga niya ng pinutol ko ang sasabihin niya pa sana ba'ka saan pa ito aabot na mga sinasabi nito.

Ayukong ako ang mga tinatanong ng mga babaing ito at ng maging alagad ako ng mga ito para alamin ang mga gusto non sa babae ako pa ang gagawing alalay ng mga haliparot nato at itutulak ang mga sarili nila sa lalaking iyon na masungit.

"And you know what too, I'm just answering what you ask for me, just quits" sakto ng pagtayo ko may tumigil na tricycle sa tapat ko pareho namin iyon nilingon at iniluwa doon si Antonella nagbayad ito bago lumabas.

"Thank you, manong" kumaway ito habang nakangiti ng parang aso.

"Bitch!" saad ng babaing nasa tabi ko.

Tinalikuran na kami ng babaing iyon habang hinawi niya ang kanyang mahabang buhok habang papasok na ito ng school at may iilang estudyante ang napatingin samin.

"Anet" kumaway ako.

"Anong problema ng babaing iyon?" humaba ang nguso niya at inayos nya ang kanyang bag.

"Iwan ko doon may tinanong lang"

"Huh?" Sabay siyang nagulat doon.

"Wala tungkol lang kay sir Reiner"

"Na?" kumiling ang kanyang ulo at tiningnan ako ng mariin sabay tawa.

"Alam kona kong bakit, sinagot mo ng pabalang ano-"

"Hindi ko siya sinagot ng ganoon, dahil totoo naman talaga na wala akong alam sa buhay ng lalaking iyon, hindi ko nga alam kong may girlfriend na iyon tapos ako pa ang tinanong, edi kung gusto nila malaman ang totoo bakit hindi na lang nila e-direct sa taong iyon!"

I Found You But We Can't Be '' (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon