Kabanata 5

5 0 0
                                    

HFO 228




"hinahanap ka ni sir, galit na galit sayo" bungad sa akin ni mang Ingko habang nakaupo ito sa mabatong hagdan nasa labas pa ito at hawak hawak ang kanyang buring sombrero at ginawang pamaypay iyon.

madilim na ng makauwi ako ng mansyon, nauna lang si anet dahil nasa kabahayan siya e yong akin medyo liblib na lugar at nagiisang mansyon lang ito doon at puro lahat ka niyogan ang makikita mo sa paligid at iilang puno ng nara.

"huh? bakit naman po?"

"hindi ko alam basta umuwi iyon at hinahanap ka kung nasaan kana daw ba, hindi ko nga lang din makausap ng maayos dahil pati sa akin galit din kahit na tinanong ko lang naman kong ano ang nangyayari. " nagaalalang sabi niya.

nanliit ang mata ko doon.

hindi na nga ako mapakali at agad na akong pumasok sa loob nasa bulwagan palang ako ay rinig ko ng may nababasag na mga babasagin hindi ko nga lang alam kong ano iyon pero yong dibdib ko ang lakas ng tahip niyon.

pagbaba ko ng tingin nagkalat nasa sahig ang mga porselana na may laman na bulaklak doon at pira-piraso na iyon doon.

"sir huminahon po kayo, darating din po si esting" pagaaulo ni manang melda mula sa kitchen.

"How now can i be calm, if that maid is still outside?" galit na galit niyang boses mula sa kitchen. maliwanag na ang mansyon sa dami ng ilaw at malaking chandelier na nasa pagitan ng bulwagan ay parang umaga parin sa loob.

nanlaki ang mata ko ng lumabas si abeng at mas lalo akong kinabahan dahil isinigaw niya ang pangalan ko, parang nag-echo ang boses niya sa sobrang galak na pagkakasabi niya, para akong binuhusan ng malamig na yelo dahil una hindi ko alam bakit hinahanap niya ako at pangalawa bakit nagwawala na hindi pa ako nakakauwi at pangatlo bakit galit na galit ito sa akin? Ano ba ang nagawa kong mali? late lang naman ako ng uwi ah.

naunang lumabas siya bago ang mga kasambahay, sunod si manang melda, ang mayorduma na galit ang tingin sa akin at si alona na nakangiti pa at si manang matilda na nagaalala kay sir dahil—

"gamutin na po mona natin iyan na sugat mo sir" dumapo ang mata ko sa kamay niyang duguan at panay lunok ng lunok ang tatlong matatanda.

"All of you leave us" penaltikong saad niya.

napayuko na ako.

"sir. Wala po sila senior at señyora dito kaya sana maging maayos ito bago sila dumating" utal ni mayorduma.

"just leave us" a husky voice.

dahang dahan silang lumabas ng mansyon at naiwan na kami doon sa loob. nasa bulwagan ako at nasa hamba siya ng pintuan papasok sa kitchen, malayo ang distansya namin sa isa't isa pero ramdam mo ang mabigat na tensyon.

"where have you been? bakit ang tagal mo?" madilim ang kanyang mukha at halatang nagpipigil ito.

umiwas ako ng tingin dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa nangyari. ano ba 'to? dapat bang sa susunod hindi na ako gabihin at huwag nang magalala itong si sir?

"sa school kaso natagalan lang paguwi—"

tumawa siya kaya naputol ko ang sinabi ko.

"school? really?" humakbang siya papalapit sa akin at yumuko ako.

"What time it is now?" tanong niya ng isang hakbang na lang ang aming pagitan sa isa't isa.

na natili akong nakayuko at humigpit ang hawak sa aking bag.

"h-hindi ko po alam sir, wala po akong relo"

"are you not working?" napaangat ako ng tingin sa kanya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 31, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Found You But We Can't Be '' (Self Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon