My New Friend, Nikki

186 7 1
                                    

Yannie's POV

On the way to school kasabay friends and dormates ko. Tulad lang ng dati, excited siyempre. "Soundtrip ulit Sab!" aya  kay Sab habang nakasakay sa jeep. Relate naman ako sa kanta don, hahaha. Di ko napansin ang sama na ng titig nila sakin.

"Yannie ayos! Kanina ka pa ngiting ngiti diyan ahh. Eiiiiiihhhhhhh! May naiisip na special someone no?" Makapagsalita lang ha Sab.

"Hindi ah. Naalala ko lang yung dati kong kaibigan dito sa kantang to. Miss ko lang talaga yung old times na pati ako kinikilig sa kanya.  I miss my friend in high school na talaga eh." Hay Yannie ano ba? Kanina lang abot tenga ang ngiti, bat ngayon maluluha na ako? Life life life!

"But hey friend wake up! Welcome to the new world with new friends :) Lahat naman tayo miss na old friends eh pero kailangan mag move on. Ang kailangan ngayon ay patatagin ang friendship na to ok." biglang singit naman ni Ayu.

"Malay mo din may bago kang kakikiligan ngayon hihihih" sabi naman ni Zoe. Ay naku! Hindi naman ako puro crush o lovelife ang nasa isip. Hate ko talaga yun. For me, studies muna. Malamang ibigsabihin lang niya siya yung kapalit nung dati kong friend na kinakikiligan.

"Out muna ako jan Zoe."

*****

"If that's already clear then you can now proceed to your groups. I'll be back after 20 minutes."

"Bye teacher!"

"Tapos! Ano na gagawin groupmates? 10 minutes pa free time."sigaw nung masipag kong groupmate. Siya ata ang leader ng group namin.

"Ano pa ba? Daldalan, get to know each other. Groupmates, let's try naman to do that in a quiet manner ha para kung bigla man dumating si teacher, mavery good tayo at maging model group tayo."

"Hi. I'm Nikki Young. I graduated from Kintner Christian School as a valedictorian. Dati tahimik lang ako lagi but this time I'll try to express the real me. Total naman wala ditong kaklase ko nung high school, hindi ako mahihiya. Kilala nga din pala ako sa pagiging mahinhin and that's me kahit san man ako naroon, even sa bahay.  Kung ok lang sayo na maging friends tayo? Ahm, sisikapin ko nga pala na dumami friends ko ngayon kasi magpapakatotoo na ako eh.                Sige ikaw naman magpakilala." Ang haba ng sinabi nya grabe. Pero I think magiging friends kami. I like her type.

"I don't have much to say but you know, I think we will be great friends. I really admire your characteristics :) By the way, I'm Yannie Seung. Graduate from a Science High School na walang place." Hiya talaga ako sa dami ng sinab niya yun lang ang reply ko. "Sabay tayong maglunch?"  Hhhhhhhmmmmmmm I guess may nakasundo na ko sa room at may iba na akong kakilala bukod kay Xander. Kahit naman magkakilala kami hindi ko siya kakausapin.

*****

Habang nakapila sa canteen pagbili ng lunch, magkausap lanng kami ni Nikki. Ang haba ng pila tapos nasa dulo pa kami! Malas nga naman oh! 

"Wait lang Yannie, may nakalimutan ako sa room. Balikan ko lang ha, balik agad ako." sabay karipas ng takbo si Nikki.

Malapit na ako sa unahan wala pa si Nikki. Yun na pala dali dali pa ng takbo. Ouch! Muntik na silang matumba dun. May pagtakbo pa kasi eh nagkabunggo tuloy sila ni                    ....Xander?

"Ano, ok ka lang? Bat ka pa kasi tumakbo. Yan tuloy nagkabunggo pa kayo." Itsura naman nito! Akala mo naman kung sinong namatay. Ang tagal na niyang tulala ha.

Nakain na kami pero hindi pa rin talaga nagsasalita si Nikki. Para pating namumula siya. Ano bang nagyayari sa kanya? "Huy Nikki! Akala  ko ba magbabago ka na. Hindi ka na magiging tahimik. Bat di ka naimik?              O baka naman may masakit na pala sayo di ka lang nagsasabi jan. Namumula ka pati eh."

"Yannie, please be quiet nga!"

"Bakit ba anong problema?" Ah ok. Isa ko pang napansin. Kanina pa siya tulala sa kabilang table                              .....ung table kung saan nakaupo si Xander. Uti uti na lang akong napatawa. Hindi ko na talaga mapigilan ang pagtawa pero mahina lang. Of course may concern naman ako kay Nikki."Hihihi"

"Ano? Bat ka natawa?" tanong sakin ni Nikki.

"I knew it Nikki. Yung pangyayari kanina, yung nagkabunggo kayo, hindi ka talaga makaget over no? Kaso naman, sa dinamirami ng lalaki sa university bakit siya pa?"

"He! Shut up nga! Ingay ingay mo nasa kabilang table lang siya."

"So totoo? Hayaan mo Nikki ok lang naman. Gusto mo nga ilakad kita jan eh."

"Hay naku! Ano bang pinagsasasabi mo jan? Di ko kaya siya crush. Pero I'm just curious sa sinabi mo, ilalakad mo ako sa kanya?"

"Just kidding! Ayoko nga sa kanya. Feeler siya at mayabang."

"Pano mo alam? Magkakilala kayo?"

"Oo magka dorm kami."  then, a few seconds of silence "Joke lang! Siyempre kilala ko siya. Kaklase kaya natin siya." That look on Nikki's face nung sabihin kong magkadorm kami ni Xander hahaha.

Buti na lang naniwala siyang joke lang yun na magkadorm kami. Ayokong ipaalam sa iba na ..... yun nga.... magkadorm kami ni Xander. Baka kasi lokohin kami ng mga classmates namin o ng iba pang tao pag nalaman nila yun. Pero you can never hide the truth. Kung malaman man nila, gusto ko masurprise sila :)

"Grabe ka naman Yannie! Akala ko nga magka dorm kayo ni Xander.    Omg, Yannie!   Wag kang titingin sa kanya. He's staring here. I think nakinig niya tayo!"

 

Wala akong pakialam sa kanya. Kung mapatingin man ako sa kanya, so what?  Pero        ..... oo nga no. Bat ba siya nakatingin samin? Kinakabahan tuloy ako. Baka nga nakinig niya usapan namin ni Nikki. Baka kausapin nanaman niya ako mamaya at mabara nanaman ako ,tulad kagabi. Di ko pa rin makalimutan yon!

Omg! Nakatitig talaga siya. Is it me or Nikki he's staring at? "Wag ka ngang feeler Yannie" nagparamdam konsensya ko. 

"Yannie, stop it! "

"Stop what?"

"Stop staring at him!"

"Ano?! Nakatitig ako sa kanya?! Omg!! Di ko sinasadya"

"May balak kang agawin crush ko no?"

"Ha?"

"Oo na nga.   Crush ko siya."

 

 

Ms. Perfect and Mr. CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon