Xander's POV
"Kung pwede next time magdahan dahan naman.................Sorry miss" Xander naman! kaw na nga hindi tumitingin sa daan ikaw pa may ganang manigaw. Di bale nagsorry naman ako.
Kaibigan pala siya ni Yannie. Sigurado ako mapagkekwentuhan nila ang tungkol sa pagkakabanggaan namin ng kaibigan niya.
"Sabi na nga ba pag-uusapan rin nila ako eh. Yannie, Yannie bat ba gustong gusto mo ako? Sabagay hindi lang naman ikaw ang nagkakagusto sakin. I'm sure pati yang kaibigan mo. Pero mas may chance ka naman sa akin, magkasama tayo lagi eh. Sa school kahit paguwi, sa dorm."
"Kung malalaman nila na kasama ko si Yannie sa bahay, may maiilink sila samin" Ano ba Xander ! Would you please stop thinking of her"
Di ko namanlayan habang iniisip ko ang lahat ng ito, nakatitig na pala ako sa kanya at ............................................................ nakatitig din siya sakin?
*****
Yannie's POV
" ......... Class, we'll be having an acquaintance party next week dahil malapit na rin ang election sa mga clubs. For more information, tingnan nyo na lang ang posts sa bulletin board. Ok so, that's all for today. Goodbye class!"
"Bye teacher!"
"Nikki tara tingnan natin!" Excited na akong magacquaintance party. Gusto kong maging popular para makuha koa votes nila. Gusto ko kasi sana maging officer ng isang club.
"Yannie, dito ako sa Math club. Tatakbo ako jan promise" halatang excited din si Nikki.
"Bakit napagisipan mo Math club? Agad agad pati? Di na pinagisipang mabuti?"
Tumingin na lang sakin si Nikki at ung nguso niya tumuturo dun kina Xander.
"Ano dude? Math club na tayo! Diba dito ka magaling."sabi nung barkada niya.
"Ok? Susundan mo siya?" tanong kokay Nikki.
"Hindi lang naman yun dahilan ko. Math contestant kaya ako dati. At favorite ko talaga ang Math."
"Sige kaw bahala. Pero dito ako sa Artists Club. Sure na ko dito :)"
"Pero diba Math lover ka din?"
"Oo nga . Gusto ko din sana sa Math club kaso ..... (andun si Xander, hindi ako makakapag concentrate masyado) ..... nevermind:)"
Hanggat maaari, ayokong makasama si Xander. Sa tuwing lalapit siya sakin kinakabahan ako. Baka kasi kausapin niya ako at boom mabara ako at mapahiya. Kahit pa gano kadami ang alam ko sa academics nahihirapan akong masagot ang mga pambabara niya sakin. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o bully siya. Basta ayoko sa kanya kahit pa anong gwapo niya. Pero aminin ko bago ko pa siya makinig magsalita sa unang pagkakita ko sa kanya, nagkagusto ako sa kanya. Pero nung marinig ko na ang harsh words niya, wala na. Kung magbabago ugali niya, baka mahulog talaga ako sa kanya.
"Final decision ko natalaga 'to! Ipapalist ko na name ko sa Artists' Club." sure ko na to.
"Ok. Bahala ka. Basta sa Math Club na talaga ako. " sure na din talaga si Nikki sa Math Club.
"Is it because nandun din siya? Ayiieehh, aminin!!" niloloko ko pa si Nikki sabay nguso don kay Xander.
"Magtigil ka Yannie! Tara na ngang magpalista. Excited na akong manalo!"
*****
Yannie's POV
Start na ng pangangampanya. Of course, icheck ko din ung sino mga makakalaban ko. Humingi ako ng list of candidates from the SSG officers. Just then .........
"Oh my gosh!!!! Urghhh!!!!!!!! Sa Artist's Club siya tumakbo?!"
I actually don't know how I'm feeling this time. Pero for sure hindi kasama sa nararamdaman ko ang kasayahan -_- . Iniisip ko lang, what if we both win? So, mas madalas kong makakasama ang taong ayaw kong makasama? Iniisip ko din kung anong sasabihin ng iba samin. SIyempre, naiisip ko din to........... maluungkot talaga sa Nikki dito. Hahahahahah! Wala lang hahahah nakakatawa lang ispin.
BINABASA MO ANG
Ms. Perfect and Mr. Cassanova
Teen FictionThis is the first story I post here on Wattpad. I made this with the inspiration I get from "Teen Clash" especially from the loveteam of Yannie and Xander. . Kaya, mga Yannie-Xander lovers jan, I hope you'll enjoy reading ^_^ Si Yannie Seung, mabait...