KABANATA 1 : MGA ANINO NG NAKARAAN

2 0 0
                                    

Ang hangin ay mabigat sa tensyon nang hakbangin papunta sa madilim na silid. Ang paminsang ilaw ng kandila ay nagtatanim ng mga anino, lumilikha ng kakaibang larawan na tugma sa kanyang pag-aalala. Hindi matanggal ni Akari ang pakiramdam na may nakamasid sa kanyang likuran, isang presensyang nakatago sa dilim.

Akari: "Ma,? Ma ikaw ba yan?" mahinang tawag niya sa isang silid kong saan nanggagaling ang kakaibang tunog.

Habang naglalakad sa silid, ang mga alaala ng nakaraan ay nagsisimulang lumitaw mula sa kanyang kamalayan. Mga taon na ang lumipas mula nang iniwan ng kanyang pamilya ang lugar na ito, umaasang makakatakas sa mga nakakatakot na lihim na tila nakaukit sa mismong mga pader ng lumang mansyon ngunit sa isang kadahilanan ay hindi niya tiyak na maalala kong ano ang mga ito. Madilim, nakakatakot ngunit patuloy ang kanyang paghakbang, hinihila ng isang puwersang hindi lubos maunawaan.

Akari: "May tao ba dyan? hello? may multo ba dito?" asan na ba kasi si mama kanina pako ikot ng ikot dito.

Habang papasok sa silid ay hindi niya maiwasang mapako ang titig sa antikong salamin na nakabitin sa kabilang pader. Ang kakaibang disenyo nito ay tila nagkukuwento ng mga henerasyon na nagdaan. Nang dumapo ang kanyang mga titig sa mismong salamin, sariling mukha lamang ang bumaling ngunit may kakaibang bagay sa paraang ang taong kaharap niya ay may kakaibang titig, ang mga mata nito'y puno ng takot.

Biglang dumapo ang malamig na simoy sa kanyang likuran at kasabay ng kanyang paglingon ang hindi sadyang natapakan ang isang anino. Oo, anino, hindi ito naayon sa kanyang galaw kaya't alam niyang hindi niya ito pag-aari. Ang silid ay napuno ng kadiliman, at ramdam ni Akari ang walang humpay na pagkabog ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag na bilis. Nagsalita ang anino, ang boses ay puno ng mga naglalakihang boses ng nakaraan.

"Hindi mo kayang takasan ang katotohanan, Akari."

Ang boses ng anino ay patuloy na naglalakbay sa hangin, nagdudulot ng pangamba sa bawat hakbang ni Akari sa madilim na silid. Ang kakaibang disenyo ng antikong salamin ay tila nagpapahayag ng mga lihim na nais itago ng nakaraan.

Akari: "Sino ka? Ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan!"

Ngunit ang anino ay nananatili sa kadiliman, nagbibigay lamang ng malamig na simoy at isang mapanudyo na tawa. Habang lumilipat si Akari patungo sa salamin, ang takot sa kanyang mga mata ay unti-unting napapalitan ng determinasyon.

Akari: "Hindi ako natatakot sa'yo. Ipaliwanag mo ang lahat o maglaho ka!"

Biglang nagsalita ang anino, isang boses mula sa kanyang nakaraan.

Anino: "Akari, ang iyong kapalaran ay nakatali sa mga lihim na matagal mo nang iniwasan. Dapat mong harapin ang iyong sariling katotohanan."

Habang nagaganap ang mga pangyayari sa dilim, biglang bumukas ang pinto ng silid at tila bumabalik si Akari sa kasalukuyan. Nariyan ang kanyang kapatid na si Nanami, nag-aalala at galit sa nangyari.

Nanami: "Akari! Akari gising!! Akari ano bang nangyari sayo!! Akari!"

Ang tila bangungot ni Akari ay biglang nawala, at bumalik siya sa kanyang kasalukuyang sitwasyon. Ngunit ang tanong sa kanyang isipan ay hindi pa rin nawawala: Ano ba talaga ang mga lihim na bumabalot sa nakaraan ng kanilang pamilya?

Akari: "Bakit parang may tumatawag sakin? Patay na ba ako? Nandyan na ba yung sundo ko?"

Nanami: "Akari!!" sigaw ni Nanami sa kanya. "Akari! Akari gising!! Akari ano bang nangyari sayo!! Akari!"

Ramdam ni Akari ang pag-alog ng kanyang katawan, pa ulit-ulit na pag-alog at boses ng pag-aalala. Hindi niya mawari kong kanino ito nanggagaling ngunit ramdam niyang nasa harap niya lamang ito.

Akari: Bakit parang may tumatawag sakin? patay na ba ako? Nandyan na ba yung sundo ko? "Akari!!" dinig kong tawag sakin ng kapatid ko.

Nanami: "Ayus ka lang ba!? Ano ba kasing pinunta mo dito sa taas, diba ang sabi sa baba muna maglilinis? Ba't ka ba nakahandusay dyan huhh?" sunod - sunod na tanong sakin ng kuya ko.

Akari: Ba't nga ba ako nakahiga dito? "Ayus lang ako, nadulas lang yata, madilim kasi tsaka di ko makita yung mga bagay sa sahig. Mauna kana sa baba, susunod ako."

Nanami: "Sumunod ka kaagad, kong ano-ano kasing katangahan ginagawa mo." pagbabanta pa nito habang palabas ng silid.

Ramdam ko ang pagsakit ng aking ulo, nang mag-isa, nilalabanan ko ang kakaibang mensahe. Ang mapanganib na anino ng nakaraan ay tila bumabalik, na tila'y walang paraan para makatakas sa misteryong naghihintay sakin sa bahay na ito. Sa pagtunog ng lumang orasan sa sulok ng silid, kasabay nito ang boses ng kapatid kong galit na galit.

Akari: "Ano ba Akari!? Tutulong ka ba dito sa baba o hindi? kanina ka pa dyang kupal ka bilisan mo sabi!" tawag sakin ni kuya mula sa baba. tskk napakasungit talaga, deserve mong hindi magkaron ng jowa. "O ito nga nga oh pababa na" pagmamaktol kong sagot.

Nangyari pala ang lahat sa kanyang isipan. Ngunit habang bumababa sila mula sa taas, hindi mawala sa isip ni Akari ang anino at ang mga boses mula sa kanyang nakaraan. Ano nga ba ang katotohanan na dapat niyang harapin?

Haharapin niya ang mga lihim na bumabalot sa kanya, anuman ang maging bunga nito? Abangan...

HER DANGEROUS SHADOWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon