Chapter 5

2.3K 48 0
                                    

Celestine

Nang halos matapos na ang iba ay may napansin naman akong babae sa pinaka likod at naka hoodie ito na kulay black.

Inaantay ko siyang magpa kilala peru hindi parin ito tumatayo ni hindi nga ito naka tingin sa akin.

Naka yuko lang ito at siniko naman siya ng katabi nito para senyasan na siya na ang magpakilala.

Nang maka tayo ito ay naka yuko parin, at parang familiar yong suot niya ngayon parang nakita ko na to kanina peru hindi ako sigurado.

"Hello, Im Maria Santos 23 year's old" pagpapa kilala nito nang hindi parin tumitingin sa akin...tsk nakakainis ha!

"Is that how you should be known? Show me some respect Miss hoodie" sabi ko sa kanya at nag tawanan naman ang mga ka klase nito

"Uhm.... Sorry po" sabi nito at tumingin sa akin

Nagulat ako dahil ito yong babaeng nakita ko sa book store, at kanina lang na hinalikan ako...tsk naalala ko tuloy ang ginawa niya.

So Maria Santos pala ang buong pangalan nito and now I know, napa ngisi naman ako ng konte sa kanya dahil parang nahihiya itong tumingin sa akin

"Maria Santos ha?" Sabi ko at tumalikod na ng naka ngisi

Magiging estudyante ko pala tong babaeng nang nakaw ng halik kanina lang, I should talk to her later

Nag umpisa ako'ng mag discuss sa kanila since unang araw ko pa naman dito ay hindi na muna ako nagpa quiz dahil baka mabigla sila

At sisiguradohin ko'ng pahihirapan ko sila sa quizzes na ibibigay ko sa kanila, Charot lang! Cold lang ako peru hindi ako nagpapa hirap ng student ko no

Si Santos naman ay lageng naka yuko kapag humaharap ako sa kanila, peru napapansin ko namang napapa sulyap din siya sa akin

Napansin ko din na hindi ito pala salita, tahimik lang din ito, nakikinig din naman siya at lage siyang sinisiko ng katabi niya at kinakausap peru parang wala itong paki sa katabi.

Maldita nga talaga siya, hindi ko man lang nakikitang naka ngiti ito kagaya ng mga ka klase niya

Yan naman ang isa sa gusto ko'ng asal ng isang estudyante ko dahil sabi ko nga ayuko ng maingay at tama na rin yon para hindi ako mairita.

"Okay class that's all for today see you tomorrow" pag papa alam ko sa kanila at nag tayuan naman ang iba

"Goodbye Miss Celestine" paalam ng iba sa akin peru hindi ko ito pinapansin

"Ah Miss ako na po mag dadala ng gamit niyo po" may lumapit sa akin na lalaki at nag alok na tulongan ako sa mga gamit ko

"No I can handle this" I refuse at tumingin kay Santos na ngayon ay naka tayo na

Nang maka labas na ang lahat ay kaming dalawa nalang ang natira sa room at palabas narin ito ng tawagin ko siya.

"Santos" sabi ko habang inaayos ang gamit ko

"P---po?" Lumingon ito sa akin at naka ngisi sa kanya, siya naman ay napa iwas ng tingin....o ano ngayon hiya hiya ka nong kailan lang sinusungitan mo ako ha

"Carry my things, and follow me" utos ko sa kanya at palabas narin ng room peru nag salita ulit ito

"But---"

"Now" ma otoridad ko'ng utos sa kanya

"Y---yes Professor" pag sang ayon nito at kinuha ang mga gamit ko sa table at sumunod sa akin

Goods! Susunod din pala tapos dami pang arte...ngayon hindi ka pwedeng mag sungit sa akin knowing na ako ang professor mo

Peru bakit professor tawag niya e kakasabi ko lang kaninang Miss ang itawag sa akin...hindi siya nakikinig ha peru ayos lang maganda namang pakinggan

Pumasok na ako ng elevator at sumunod naman ito sa akin saka ko pinindot ang 6th floor kung saan ang office ko.

Habang nasa loob kami ay walang nag sasalita, ako ang nasa unahan at siya naman ay nasa likuran ko...gusto ko sana siyang tanongin kung bakit niya ako hinalika kanina peru wag nalang

Ng maka rating na kami sa office ko ay nauna na ako'ng pumasok habang siya ay nasa labas parin...kaya tinaasan ko naman siya ng kilay

"Come in" sabi ko sa kanya at tinuro ang table ko para ilapag niya ang mga gamit ko

Tumalikod na ito na parang nag mamadaling lumabas kaya tinawag ko ito bago pa man siya makalabas

"Santos" sabi ko sa kanya

"P----po?" Sagot nito. Wait kinakabahan ba ito? O baka naman naalala niya din yong ginawa niya sakin kanina?

Sobrang galang naman ng isang to nong kailan lang ang sungit sungit ah

"You can leave now" sabi ko at ngumisi sa kanya

"O--opo"sagot nito at tuluyan ng lumabas ng office ko

Parang gusto ko tuloy siyang asarin ulit..nakaka tuwa pag tripan yong isang yon e....

Ilang sandali pa ay lumabas ulit ako sa office ko dahil may klase pa ako sa baba...si Margot naman ay hindi nag paparamdam sa akin ngayon halatang busy din ito.

Hindi ko kasi siya nakita dito sa 6th floor e, ou nga pala yong floor na ito office lang ng mga professor kaya madalang lang talaga ang mga estudyanteng pumupunta dito kapag may kailangan lang sila.

At don naman ako natuwa dahil tahimik dito sa taas, walang estorbo pag may trabaho ako.










*********





Tylr:>

YES PROFESSOR CC!  (GxG) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon