Celestine
Ilang araw ang naka lipas simula nong hinalikan ko si Maria, at halos hindi ako maka tulog dahil don.
Ang lambot ng labi niya parang gusto ko ulit itong halikan peru parang wala ako'ng mukhang maihaharap sa kanya dahil sa kahihiyan.
Ilang araw ko na din siyang hindi pinapansin at hindi ko na rin siya inuutosan na dalhin ang mga gamit ko papunta sa office ko.
At kapag nag papa recite naman ako ay hindi ko ito tinatawag...lage lang din siyang naka yuko at minsan pa ay nahuhuli ko itong naka tingin sa akin.
"Hoy!" Natauhan ako dahil sa lalim ng iniisip ko
"Ha?" Ang tanging nasabi ko lang
"Ang lalim na naman ng iniisip mo Sis no ba yan ha?" Tanong nito sakin
"Ah... Nothing...just work" pag sisinungaling ko
"Napaka workaholic mo naman.... Anyways ready kana ba bukas?"
Bukas? Ano ba bukas anong meron? Bakit parang excited siya, ano ganap?
"Tomorrow?" Tanong ko sa kanya
"Nakalimutan mo agad?" Sabi niya
"Alin ba" napa kamot ako sa ulo, bakit hindi niya nalang kasi derstohin hays
"Field trip remember?" Sabi nito at tinapik ng mahina yong braso ko
"Ahh yeah" sabi ko
"Bukas ko rin siya ipakilala sayo" sabi nito at naka ngiti na parang kinikilig
"Okay" tipid na sabi ko
"Hayss tara na nga sa cafeteria libre nalang kita ng favorite mo" sabi nito at inakbayan ako papuntang cafeteria
Hindi na ako nag react at nagpa tangay nalang din ako kay Margot dahil gutom narin ako kakaisip don sa halik na yon. Kidding
Peru ang ipinag tataka ko lang ay bakit hindi niya man lang ako tinulak nong hinalikan ko siya?
Ibig sabihin ba non gusto niya rin yong halik ko? Gusto niya kaya? Hayss ano bayan!
Pumasok na kami sa cafeteria at umupo sa bakanteng table, si Margot naman ay namimili ng pagkain.
"Oh hi Celestine" napa lingon ako dahil sa babaeng nag sasalita sa likod ko
At si Niña na naman....ano na naman ba kailangan niya, hindi ba siya nakaka halata na ayuko sa kanya tsk.
Hindi ako sumagot napansin ko naring naka upo na ito sa tabi ko.
Pag angat ko ng tingin ay nakita ko naman si Ramirez kasama si Santos na may dalang trey ng pagkain.
"Hi po ma'am pwede maki table? Puno na kasi e" naka ngiti ito sa akin peru ako ay naka tingin lang kay Santos
"Sure! have a sit" napa lingon naman ako kung sino yon at si Margot pala
"Thank you po ma'am" ngumiti ito kay Margot habang si Santos ay naka tingin lang sakin
"Maria? Hi" bati ni Margot at naka ngiti pa ito
Peru hindi nag salita si Maria, nakatitig lang ito sakin.
"Hoy!" Bulong ni Ramirez kay Maria
"Ha?" Tanong nito sa kasama
"May sinasabi si Ma'am Margot sayo" sabi ni Ramirez
"Ahh" tumango lang ito kay Margot peru yong tingin niya nasakin parin
Ano ba yan! nahihiya parin talaga ako sa ginawa ko nong isang araw.... Galit ba siya sakin? Kasalan ko naman kasi e hindi ko napigilan.
Umupo na si Margot, ganun din si Ramirez at Santos... Ako naman ay kinakabahan sa kaharap ko ngayon.
First time ko'ng kabahan sa isang babae at estudyante ko pa...tsk kaya natin to self.
Habang kumakain kami ay bigla namang nag salita si Margot.
"So... Are you guys going for tomorrow?" Tanong ni Margot sa dalawang kaharap ko
Napa tingin naman ako kay Maria at naka tingin na pala ito sakin kaya napa iwas ako ng tingin.
"Opo Ma'am naka ready nanga po damit namin ni Maria e" ngumiti ito sa kausap
"Oh really? Magkatabi lang ba ang bahay niyo? Pansin ko kasing lage kayong magkasama" tanong ni Margot
"Ay hindi po Ma'am peru don po ako natutulog sa dorm niya" sabi no Ramirez
"Hmm....why?" Tanong ulit ni Margot
"Sinasamahan ko po si Maria-----" pansin ko namang siniko ni Maria si Ramirez kaya tumahimik ito
"Bakit may multo ba don" tanong ni Margot bigla naman itong tumawa pati si Ramirez at Niña tumawa rin
Maya maya pa ay tumahimik kamimg lahat busy kami sa kanya kanya naming pagkain.
"Are you going too Celestine?" Rinig ko'ng sabi ng katabi ko'ng si Niña
"Yeah" tipid ko'ng sagot
"Great! Mas masaya yon" sabi nito at naka kunot naman ang noo ko
"Bakit naman Niña?" Tanong ni Margot na parang nang aasar
"Kasi andon si Celestine, right babe?" Na ubo naman ako sa sinabi niya
Ano daw tawag niya sakin? Babe? Mukha niya babe tadyakan ko pa siya diyan e.
"What did you just call me?" Tanong ko sa kanya
"Why?" Tanong naman nito pabalik
"Tsk"
Hindi ko na siya pinansin dahil naka tingin ako ngayon kay Maria na naka yuko lang at parang tinutusok tusok pa ng tinidor yong pagkain niya.
Bakit hindi siya kumakain? Sinasayang niya lang pagkain niya kawawa naman yong chicken niya charot.
Hindi na rin nag salita si Margot dahil kumakain ito pati si Niña na grabe maka dikit sakin parang linta.
Pagkatapos ko'ng kumain ay uminom narin ako ng tubig at tumayo na para umalis, tatambay muna ako sa office ko total mamaya pa naman ang klase ko.
"Are you done?" Tanong ni Niña sakin
"Isn't obvious?" Pag tataray ko sa kanya habang naka taas ang kilay ko
Kanina pa ako naiinis dito, kung bakit kasi lage itong kasama ni Margot...nawawalan tuloy ako ng mood pag nakikita siya.
"See you later"sabi ni Margot at nag beso pa ito sakin
Tumingin muna ako kay Santos bago ako tumalikod, kita ko namang naka titig lang ito sakin, ano problema niya?
Ah basta ayuko munang pansinin siya saka nalang pag naka move on na ako don sa halik na ginawa ko hihi.
***********
Tylr:>
BINABASA MO ANG
YES PROFESSOR CC! (GxG) [Unedited]
Romantik"Miss Santos let's talk!" Sigaw ni Celestine kay Maria habang palayo ito sa kanya. "No Miss Ma'am, we have nothing to talk about" sigaw nito sa likuran niya. "You kiss me Santos! Shouldn't that be something to talk about ha!?"