Maria
Pagka rating namin sa El ay bumaba na agad kami ni Bea...pansin ko namang wala si Conard dito.
Lage niya kasi ako'ng inaabangan sa labas ng dorm ko minsan dito sa parking lot, ewan ko kung bakit baliw na ata yon.
Peru pasamalamt na rin ako dahil wala namang sumusunod sa amin ni Bea ngayon.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya dahil parang may hinahanap ito
"Himala walang naka sunod sayo ngayon" sabi nito
"Tara na" pag aya ko sa kanya baka mamaya bigla na namang sumulpot yong Conard na yon
Pumasok na kami sa elevator papaunta sa room namin ni Bea...
Makikita ko na naman si Ma'am Cally ngayon yong professor ko'ng ubod ng sungit at parang pinag lihi sa yelo. Charot wag niyo isumubong
Pag bukas ng elevator ay lumabas na agad kami ni Bea...papasok na sana kami sa room peru may tumawag sa akin
"Oh Maria!....hi" si Denise pala yong pinaka malakas mang bully dito sa El
"Denise----" inangat naman ni Denise ang kamay niya kaya tumahimik bigla si Bea
"Long time no see the weird one" ngumiti ito sa akin ng nakakaloka
"Tara na Bea" hinila ko naman si Bea papasok sa room namin
Peru hinila ni Denise ang kamay ko kaya napa harap ako sa kanya bigla
Malaki kasi ang galit sa akin nitong babaeng to dahil inagaw ko daw sa kanya si Conard....gosh kung alam lang niya na nag sisi ako kung bakit ko pa yon naging boyfriend.
Hindi niya kasi matanggap dati na ako ang pinili ni Conard at don nag umpisa ang galit niya sa akin.
"Ang bastos mo naman kinakausap pa kita ah!" Sigaw nito sa akin
"Pwede ba Denise tigilan mo na ako...sayong sayo na si Conard kung gusto mo!" Sigaw ko din sa kanya
Tatalikod na sana ako sa kanya peru hinawakan ulit ako sa braso at akmang sasampalin ako.
Peru pag tingin ko ay may naka hawak na sa kamay ni Denise kaya hindi dumampi sa pisnge ko yung palad niya.
Tinignan ko naman yon kung sino at si Maam Cally pala kaya nagulat ako dahil bakit naman niya ito pipigilan. Hayss nakakahiya
"M----Miss Celestine" utal na sabi ni Denise kay ma'am
Naka taas naman ang kilay ni maam at halatang galit na galit ito
"How dare you bullying my student?" Sabi nito at iniwakli ni maam ang kamay ni Denise
Wow ang hot naman ni Ma'am tignan lalo na kapag galit na galit ito, kagaya ngayon.
"S---orrry po" sabi ni Denise
"No! Sakanya ka mag sorry!" Sigaw ni maam
Tinignan lang ako ni Denise ng masama at parang ayaw pa mag sorry peru nagsalita si maam
"Now!" Sigaw ulit ni maam
"I'm.....sorry" sabi nito at naka yuko dahil sa kahihiyan
Ha! Si ma'am lang pala makakapag patahan sayo e! Peru may part parin na swerte don si Denise dahil nahawakan ni maam ang kamay niya..
At talagang yan pa ang pumasok sa isip ko? Ano bayan...peru buti na nga kay Denise yon..alam ko namang hindi parin ito titigil sa akin.
"Sa oras na malaman ko'ng ginawa mo ulit ito hindi lang sa kanya pati na rin sa lahat ng estudyante dito sa university ko! Sisiguradohin kung hindi kana makakapag aral kahit saan!" Mahabang sigaw ni maam
"At kayong lahat na naka tingin! Hindi niyo man lang ba inawat to" tinuro ni Ma'am si Denise
Walang nag sasalita sa amin dahil takot kay ma'am...ikaw ba naman papagalitan ka ng mismong may ari ng El hindi kapa matatakot non?
"Get inside" tumingin ako sa kanya at naka tingin na pala to sa akin
"Are you okay?" Tanong ni Ma'am sa akin
"Uhmm..." Hindi ako makapag salita dahil kinakabahan parin ako
"Never mind" pumasok na ito at nilagpasan ako na naka tulala parin shemss ang bango ni maam amoy lavander
"Hoy tara na" siko naman sa akin ni Bea kaya pumasok na rin ako sa loob
Nag discuss lang naman si Ma'am saglit at pagkatapos ay nagpa quiz lang ito.
Medyo hindi naman ganun kahirap mag bigay ng quizzes si ma'am cally e.
At palagi naman ako'ng nakaka kuha ng pinaka mataas na score tuwing nagpapa quiz si ma'am sa amin.
Pansin ko'ng sinisiko ako ni Bea habang nag di discuss sa amin si ma'am kaya lumingon ako dito sa katabi ko.
"Ano?" Tanong ko
"Kita mo yong reaksyon ni Miss kanina? Grabe para ka niyang girlfriend e hehe" bulong nito sa akin
"Kahit sino naman kasing professor gagawin yon" sabi ko sa kanya
"Sabi niya pa kanina 'how dare you bullying my student' arrhf ang hot ni Ma'am don grabe kahit galit na galit" sabi nito na parang kinikilig pa
"Hoy ikaw ha! May gusto ka ba kay maam?" Bulong ko ulit sa kanya
"Gago crush lang babe grabe ka ang ganda at ang sexy naman kasi niya e" sabi nito na pangiti ngiti
"Parehas lang yon!" Sabi ko
Kahit sino naman talaga magkaka crush kay ma'am e sa ganda niya ba naman at sa sobrang ka sexyhan diba. Pati straight nababaliko niya gaya nalang ng katabi ko hehe.
Peru may jowa kaya si ma'am? O di kaya jowa niya yong ex ko? Baka lokohin lang din to si ma'am gaya ng ginawa sakin nong babaeng yon dati hayss.
Peru ano naman kung may jowa si ma'am? Pakialam ko ba don?
**********
Tylr:>
BINABASA MO ANG
YES PROFESSOR CC! (GxG) [Unedited]
Romance"Miss Santos let's talk!" Sigaw ni Celestine kay Maria habang palayo ito sa kanya. "No Miss Ma'am, we have nothing to talk about" sigaw nito sa likuran niya. "You kiss me Santos! Shouldn't that be something to talk about ha!?"