Chapter 3

2.9K 57 1
                                    

Celestine

"Cally pwede makitira dito?" nag bibirong tanong nito sa akin

Malayo na kasi ang bahay ni Margot sa university namin, hindi kagaya dati na malapit lang

"You have your own house Margot" pag susungit ko..peru syempre biro lang yon

Nasa sala kasi kami ngayon at may inaayos na iilang papel para sa pag lipat namin ni Margot bukas...

Imbes na linggo ngayon na dapat ay nasa bar kami ni Margot peru dahil sa busy kami ngayon ay hindi na kami tumuloy.

Ou nag ba bar ako peru nasa private Room lang kami ni Margot kasama mga kalandian niya duhh... Sabi ko nga diba ayuko ng maingay.

"Oh c'mon we're cousins hindi naman kita rerapen e" tumawa ito ng malakas, kahit kailan talaga ang ingay nito

Kaya napa isip ako dahil mag isa lang naman ako dito sa bahay at wala akong kasama pag gabi dahil umuuwi si manang Vina yong kasambahay ko dito.

"In one condition" sabi ko sa kanya na naka ngisi

"Ang hilig mo talaga sa ganyan! Lahat nalang may kapalit, oh ano ba yon?" Nag dadabog na tanong nito sa akin

"Ikaw mag luluto ng haponan, palagi ha?" Diniinan ko ang salitang palagi at naka ngisi sa kanya, masarap kasi mag luto tong kumag na to e hehe

"Inasahan ko na yan" sagot nito na naka nguso

"Good" sabi ko nalang at nagpa tuloy na sa ginagawa namin

"Bukas ng gabi dito na ako matutulog ha?" Paalam nito sa akin ng naka ngiti

"Bahala ka" tipid ko'ng sagot

Tumayo ako para kukuha sana ng kape sa kusina, at habang nag titimpla ako ay na alala ko na naman yong babaeng inasar ko sa book store

Ang cute niyang asarin e kung nakita niyo lang talaga yong mukha niya napaka among tignan... Hayss ano ba yan self tama na yan

Sa El Fuentes University kaya siya nag aaral? Dahil malapit lang kasi doon ang book store kung saan ko siya nakita e.

At kung doon nga talaga siya nag aaral mas maganda yon dahil may aasarin na naman ako.... 'aasarin lang ba?' sabi ng utak ko..naaaaa ou naman duh

Hindi na kasi ako nagka jowa ulit simula nong pinag palit ako sa lalaki nong una ko'ng naging girlfriend 5 year's a go

Hindi ko alam kung bakit ang hirap nang mag tiwala sa babae ulit akala ko lalaki lang ang nag loloko..

Simula nong nag hiwalay kami non ay hindi ko na rin binalak mag jowa ulit, ka landian ou peru hindi ko sineseryoso...basta ayuko

"Baaaa!" Pang gugulat sa akin ni kumag hayss

"What the fuck Margot! Papatayin mo ba ako!?" Sigaw ko sa kanya at tumawa lang ito

Magulatin talaga kasi ako at alam yon ni Margot kaya lage niya ako'ng ginugulat pag naka tulala ako o naka talikod, ganyan siya kaloko

Peru nasanay narin ako sa kalokohan niya pati sa ingay niya dahil siya lang talaga kasi ang nakakasama ko mula bata pa lang

Tinignan ko si Margot ng masama at tawa parin ito ng tawa sana all hindi nauubusan ng tawa ano?

"Shut up at lutuan mo ako ng dinner" sabi ko nito at tumalikod sa kanya

"What the? E bukas panga ako matutulog dito" reklamo nito sa harap ko, kaya sinapak ko siya sa braso ng mahina

"Eh di sige wag na! at wag ka din titira dito" sabi ko ng naka ngisi

"Ayst Cally talaga! Ou na mag luluto na" sabi nito at tumalikod na paharap sa kusina

Tawang tawa naman ako sa ginawa ko, seryoso masarap nga kasi siya mag luto kumpara sa akin na kahit itlog lang ay masusunog pa

Kasalanan to nila Mommy at Daddy dahil hindi nila ako tinuruan magluto hayst

Kaya nga kumuha ako ng isang kasambahay para may mag luluto para sa akin dahil hindi ko talaga alam

Pag gabi naman ay nag luluto muna si manang bago aalis ng bahay at pasalamat ako dahil ang sarap din magluto ni manang...

Hindi rin kasi ako mahilig kumain sa labas or mag order ng pagkain lalo kung hindi ko naman kilala ang nag luto non...

Kaya nga sinasabihan ako'ng maarte,cold, masungit, lahat lahat na dahil hindi rin kasi ako ngumingiti o namamansin kahit kanino except sa family ko at kay Margot

Buti nga at andito pa din si Margot dahil kung wala baka wala talaga akong makaka usap na iba

Balak kasi talaga ng family ni Margot na sa ibang bansa ito mag trabaho peru mas pinili niya dito dahil wala daw ako'ng ibang kaibigan.

Ganto lang kami peru mahal namin ang isa't isa dahil hindi lang siya isang pinsan ko kundi bilang isang best friend narin....

Nang matapos na si Margot mag luto ay tinawag na ako nito para kumain na

"Cally" sabi nito ng maka upo na kami pareho

"What?" Tanong ko nan sa kanya

"Alam mo ba----"

"Hindi pa" pang aasar ko sa kanya at napasimangot naman ito

"Seryoso na kasi" sabi nito, kaya naman ay tumango ako sa kanya at tumahimik na dahil minsan lang ito mag seryoso

"Hmm?" Sabi ko habang sinusubo ang pagkain

"Nakita ko yong ex ko malapit sa School niyo" sabi nito at tumingin naman ako sa kanya

"Sinong ex? Dami mo kayang ex duh" sabi ko at natawa naman kami pareho

"Si Jane" sabi nito

"Yong niloko mo?" Pang aasar ko dito kaya napa kamot na lang siya sa batok niya

Ou nag loloko talaga to si Margot kala mo naman may bay*g e no? Tsk pareho kasi kami dati niloko din, kaya simula nong pinagpalit siya hindi na rin siya nag seryoso








*********




Tylr:>

YES PROFESSOR CC!  (GxG) [Unedited]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon