Colorless || thatlittlemomo
Started: 03 | 30 | 13
Ended: xx | xx | xx
***
“Ang swerte – swerte nila! Nakakainis. Sana nakakabasa din ako ng emosyon, ‘nu?”
“We aren’t lucky. We’re blessed.” – Alexess.
“Ang feeling sikat din ng mga yan e. Kung maka-shades e. At kung paano maglakad, ah ewan. Ang arte – arte nila.”
“Gray. Envy.”
Red. Anger. Yellow. Joy. White. Annoyed. Orange. Excited / Surprised. Blue. Sad. Black. Scared. Green. Embarrassed. Bakit ang daming naiinggit? Naiinis kaya ako. Kadalasan, nakakahilo makakita ng sobrang daming kulay. Heh, at kami pa pala ang maarte. Sadyang mga magagandang amazon lang kami. Kaya ayon.
Pare-parehas kami nina Alexess at Mei na nakakabasa ng emosyon. Ang kaso nga lang, hindi nila nababasa yung akin. Colorless daw. Kasi nga--hindi ako naglalabas ng emosyon. Ramdam ko namang emotionless na ako.
Gusto kong ngumiti. Gusto ko silang inggitin lalo. Ah, hayaan mo na lang. Ayokong ipakita na masaya ako, na malungkot ako, na ewan. Hindi pwede. Baka magamit lang nila ako. Kadalasan, pag alam nilang masaya akong kasama sila, mas gagamitin nila ako. Pero kina Alexess-unnie at Mei-unnie lang ako nagtitiwala. Sila lang ang nagtyaga saakin for 3 years. Sila na rin ang nag – alaga saakin. Nakakatuwa.
Ayokong gagamit – gamitin lang ako. Sa ngayon, hindi ako pwedeng maging mahina. Kailangan kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama ko. Pag ginamit ako, mahihirapan ako. Masasaktan ako. Hindi magiging successful ang ginawa kong misyon para sa sarili ko.
“Sa tingin ko, ang taray nung babaeng yun.” Sabi nang isang babae na nakaturo saakin.
“She hates seeing emotions thru colors—“ –Meizelle – unnie.
“But I need to love it, Mei.
Because I need to accomplish this mess. I mean, mission.” Pahayag ko.