Colorless || Chapter 5: He, who started.
***
{ Third Person’s Point Of View }
Nagtungo siya sa isang kwarto upang iabot ang gamot na kailangang inumin ng lalaki. Pakiramdam niya’y nakapasok muli siya sa kawalan. Ngunit hindi niya inaasahan na mag – iiba ang gawain ng lalaki sa pagkakataong ito. Dati rati naman ay parang tangang nakangiti lamang ang lalaki, ngunit ngayon ay iniyuyukom niya ang kamao niya na para bagang susuntukin niya na ang babae.
“Malapit na siya!” Padabog na sinabi ng lalaki. Nagsimula namang kabahan ang babae dahil sa ginagawa ng lalaki. “Hindi maari!” Kung tititigan mo ang lalaki, makikita mo na punong – puno siya ng galit… na may halong kaba.
“Uminom ka na ng gamot mo.” Malumanay ngunit pautos na sinabi ng babae. Nang maiabot ng babae ang gamot sa lalaki ay dali – dali niyang sinubukang umalis. Inapuhap niya ang hawakan ng pinto sa dilim. Nang mahawakan niya ‘to ay agad niya ‘tong binuksan at lumabas ng kwarto.
“He’s really a monster.. that catches another monster.” Napa – buntong – hininga siya pagkatapos, “But why did he stop catching?” Napatigil siya sa pag – iisip ng may isang lalaking naka – itim ang lumapit sa kanya.
“Ma’am. Confirmed. His PTSD got worse.”
“Leave.” Utos ng babae. Agad na lumabas ang mga luha ng babae matapos umalis ng lalaking naka – itim. Tumakbo siya at pumasok ng kanyang silid at doon nagsimulang humagulgol…
Ang tanging naramdaman ng babae ay inis. Iniisip niya na sana hindi na lang ‘to nangyari.
***
{ Berrizche’s Facinelli’s Point Of View }
In – assign kami ng teacher na mag – lead kaming Class A sa Class B ngayon. Saan nga ba kami magle- lead? Nakakainis nga ‘eh. Sabado pero.. nandito kami sa school. May date pala ‘ko mamayang gabi. Dahil ngayon lang naman ‘to, edi pagbibigyan ‘ko na ‘yung isa dyan.
Pumasok ang adviser namin sa room ng Class B. Natutuwa siya dahil kumpleto ang Top 15. Bakit kaya top 15 pa? Tss. Arte. Top 9 kasi ako. Top 10 si Meizelle. Si Alexess ang 11th. Si Syenne naman ‘yung pang-15. Hahahaha. Yung hindi naman top ten. Para sila naman ‘yung sa Class C. Mamaya pa naman daw sila. Makikinuod daw. Habol lang naman si Keon.
Kilala niyo ba si Keon? Yung iniidolo – kuno ni Meizelle? Oo. Gwapo naman si Keon pero… mas gwapo si Jazz. Hindi naman sa biased ako. Pero sinasabi ko lang ‘yung totoo. Pero kung sa ugali, si Tyrone.
Si Keon ‘yung pinakamalandi dito. Pinakamalandi sa buong highschool center. Isa na rin ako sa naakbayan niya at simulang landiin pero dumating naman si Tyrone nun kaya medyo nakaluwag ako nung mga oras na ‘yun.
“Lalim ng iniisip ah.” Napatingin ako sa lalaking nagsasalita, si Tyrone. Top 12 ‘yan.
Sino pa bang tutor? Hahahaha. Si Jazz, Top 18. Pano ba naman kasi, saakin nakatingin yung lalaking ‘yun at hindi sa book o notebook na dapat basahin. Hindi sa gusto ako nun pero, hilig niya ‘kong pagtripan. Buti nga, hindi niya alam na nahuhulog ako sakanya ‘eh.
“Sus. Good morning.” Bati ko sakanya. “Ano bang gagawin natin dito?”
“Magiging substitute teacher.”
“Seryoso? Tss.”
“Kaya tutulungan mo ‘ko.” Nakangiti niyang sinabi saakin. Buh. Matalino naman ‘yan e. Madali lang naman nyang magets ang turo ko sakanya.