Colorless || Chapter 3: Boy on fire.
***
{ Berrizche Facinelli’s Point Of View }
Nang makauwi ako sa bahay, imbis na maipikit ko pa ang mga mata ko sa sobrang antok at pagod, naidilat ko pa ito ng sobra. Nagulat ako dahil magkasama si Jazz at si En sa bahay. Naintindihan ko naman na may gusto si Syenne kay Jazz, pero ba’t… ah whatever.
“Ateng! Nagcutting ka nanaman! Muntik ka nang mahuli! Omegash—“
“Kanina pa kita hinahanap.” Pagputol ni Jazz.
Ah.. Nung gusto ko kasi na Makita si Jazz kanina, sinabi nila na maagang umuwi si Jazz. At alam kong hindi umuuwi kaagad ‘yun. Kaya medyo nakakagulat.
Jazz: White. { Pfft. }
Syenne: Yellow.
“Uhh…. What do we need to talk about?”
“Private.” Kunwari'y kinamot nya ang ulo niya pero ang totoo ay tinuturo niya si Syenne.
“Maiwan ka na muna namin, Syenne.”
Pumunta kami ng gazebo. Naghihintay ako sa sasabihin ni Jazz pero nakangisi lang siya, “Ano bang sasabihin mo?” Tanong ko.
“May nalaman ako tungkol sa nanay mo.”
“Ah. Hindi ko na dapat malaman ‘yan. Wala na akong paki sa kanya.” Nag – cross – arms pa ako, “Mabuti pa kung tungkol kay Papa ‘yan.”
Ngumisi ulit siya, “Sigurado kang ayaw mong malaman?” Lumapit siya saakin, wala naman akong magawa pa kundi umatras.
“Jazz, stop.” Ngunit patuloy – tuloy pa rin siya. Mabuti na lang at malaki ‘tong gazebo na ‘to, “You may leave.”
“But baby, I can’t leave.” Hindi ko pa ba nasasabi? Baby ang tawag niya saakin. At, kadiri.
“Ugh.. Okay! Stop! Spill.” Sabi ko.
“May bagong pamilya ang Mama mo. Ang anak niya, ay isa sa students ng Abyss.”
“Kilala mo ba kung sino?”
“Hindi. Nakita ko lang sa papers ng school.” Nagbago ang kulay niya. Naging… orange. “Don’t use your powers, Berry baby.” Yung ‘powers’ na sinasabi niya ay yung pagbabasa ko ng emosyon.
Umupo ako at sinabing, “You can’t force me, Jazz. This is the only way.”
Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.. At, ugh. Nang – iinit na ako. “Emotions and feelings, there is something different between them.” Ngumiti siya pagkatapos, “I want you to know their BIG difference before you continue your mission.” Umalis na siya sa harapan ko at kumaway bago lumabas ng bahay.
Anong meron? Di ba kapag may emosyon ka, nararamdaman mo din ‘yun? And uhh.. emotion is a noun, while feeling is a verb. Aish! Parang may gusto talaga akong malaman sa sinabi ni Jazz ‘eh. Napaka – misteryoso talaga.
Bumalik na ako sa loob ng bahay at kumuha ng chips para kumain, lumapit naman saakin si En ng naka – pout.. Black? Bakit black? Natatakot siya?
“Ano yung sinabi ni Kuya Jazz sayo?” Tanong niya.