Colorless || Chapter 4: Cooking Project
***
{ Berrizche Facinelli’s Point Of View }
Nang imulat ko ang mga mata ko, bigla namang sumakit ang ulo ko. Dahilan kung bakit hindi ako makabangon. Pinilit ko namang bumangon dahil papasok pa ‘ko maya – maya. Mas sumakit ang ulo ko, mas nahilo ako. Hindi naman ako nagpuyat ah? Hindi rin naman ako uminom. Tsk.
Nang makababa ako, nakita ko naman si Syenne na hinahanda yung mga ingredients para sa Project mamaya. Dati, kanya – kanya lang kami pag ganyan. Pero.. hinanda niya yung akin?
Ah. Alam ko na.
“O, ayan ateng. Ihinanda ko na yung mga gagamitin mo mamaya. Alam ko namang papasok ka pa rin kahit may lagnat. Why so sipag?” Bungad niya saakin. May lagnat pala ‘ko.
“Good morning. Okay. Thanks.” Ako.
“Nelende ne eng lehet~”
“Nelende ne eng lehet~”
“Nelende ne eng lehet~”
Gahd! No! Why do I keep on remembering this kind of.. sht?
{ Abyss Highschool Campus, 6:48 AM }
Ang aga pala namin. Nagulat naman ako nung nakita ko sa bulletin na may girlfriend na si Xavion. Bago siyang student na rin siya ng Abyss. Luh. 15 months na siyang may gusto kay Alexess ah. Lahat kasi ng nagkakagusto kay Alexess, tumatagal. Nawala na ba ‘yun? Oh baka, sa company nanaman nila? Na – arranged marriage? Sa Wattpad na lang ata uso ‘yan ah.
“Ang ganda siguro nung new student!” – Syenne.
“Mas maganda pa rin si Alexess! Hahaha!” – Mei.
“Stop comparing myself to others.” – Alexess.
Pagpasok namin ng classroom, as expected, maingay at—
{ flashback }
“Oops. Uh.”
Nagulat na lang din ako ng bigla kong nasabi ‘yun. Masyado akong naging masaya nun. Kasi.. yung kanta ni Jazz. Mas lalo akong nagkakagusto sakanya e.
“Congrats, Jazz!” Sabi ni Tyrone. Nag - apir sila matapos.
“It was an accident.” Sabi ko.
“The big deal about it is you smiled.” - Tyrone.
“Because I’m too handsome.” Agad na sinabi ni Jazz. “Don’t worry, Berry. We won’t tell Alexess about what happened.” Whew.
“Gahd. Thanks!”
“Berry-smiled!” Sinabi niya ng may tono. “You’re cute, anyway.” Ginulo niya ang buhok ko matapos.
{ end of flashback }
Nakita kong nakangiti saakin ng sobrang laki yung dalawa. Inaasar nila ako. Gusto kong manabunot. Nakakainis naman ‘eh.
“Good morning, Berry!” Bati saakin ni Tyrone.
“Good—“ akmang sasabihin ni Jazz ng biglang nagsalita si En.
“Good morning, Jazz!”
“Morning.” – Ako.
Umupo ako at nagulat ako ng biglang nagsalita si Ace, “Aga mo ah.” Nakakapanibago. Green?