Magandang araw, mga ka-FantasyPH! Isang buwan na naman ang nagdaan, at hindi mawawala ang aming features sa mga lumahok sa aming QOTW! Narito na ang mga katanungan at mga napiling sagot mula sa community ngayong buwan ng Nobyemre.
Ano-ano ang iyong mga paboritong kwentong Fantasy sa Wattpad?
Mula kay _DaVeignci:
1. Titan Academy ni april_avery
2. Emerald ni OnneeChan
3. Sinclaire Academy ni YouNique09Ano ang motivation mo sa pagsusulat ng Fantasy stories? Sa mga readers natin, ano ang pumupukaw sa iyong interes sa pagbabasa ng Fantasy stories?
Mula kay ItsgirlxFRIEND:
Base lamang sa aking karanasan, nagkakaroon po ako ng motibasyon sa pagsusulat ng kwentong Fantasy dahil sa aking sarili. Inilalagay ko po ang sarili ko roon sa story na iyon na kung saan nagiging malaya ako sa kung ano ang gusto kong ihayag o kaya ay iparating sa mambabasa. Marahil sa atin na mga manunulat ay mababaw iyon, ngunit sa pamamagitan ng mga salita, ating napaglalaruan iyon at naipapakita sa pagsulat. Mahirap magsulat ng Fantasy dahil kinakailangan na mas palawakin ang kaisipan ukol doon.
Napupukaw naman ang interes ng isang mambabasa batay sa kung ano ang kontento nito, at madalas kanilang nakikita ang sarili nila sa kanilang nababasa o kaya ay maaring makapulot ng magandang katuturan tungkol sa kanilang buhay. Ang pagbabasa po kasi ay isang escape ng isang tao at kapag nakuha ng mga mambabasa ang interes nila sa isang babasahin, nagkakaroon sila ng kalayaan sa pagbuo ng imagination and putting themselves in that situation. "Paano kung magkaroon ako ng pagkakataong ibalik ang oras?" Mga ganitong klaseng katanungan ay kumikintil sa kanilang mga isipan.
Meron ka bang current project? Ibahagi ang iyong ongoing Fantasy stories sa WattpadFantasyPH!
Mula kay AndreaMaxima:
Cairostana Series 1: The Moon of Fireska's SunMula kay SereinV:
Zarsothian Series 1: Curse of the Fallen Deity
A story of two people defying the sacred rule; a story where falling in love is a curse.Mula kay NoteKing:
The Knight of Prophecy
A story about the prophesied hero, and how he will face the war between Humans and Demons.Maraming salamat sa paglahok sa aming QOTW ngayong Nobyembre. Patuloy na sumagot sa aming mga QOTW para sa pagkakataong ma-feature sa susunod naming issue. Maglagay lang ng comment sa mga messages sa aming message board na may #QOTW. I-follow kami sa WattpadFantasyPH para sa iba pang news at opportunities.
Hanggang sa sususnod, mga ka-FantasyPH!
YOU ARE READING
FantasyPH Anthologies
Short StorySundan ang mga tinatanging maikling kwento mula sa mga Fantasy authors dito sa Wattpad. 2023 Quarter 1 Prompt: Twisted Fairy Tales 2024 Quarter 1 Prompt: Filipino Legends with a Twist Nais mo bang masali sa anthology? Basahin ang Guidelines para mat...