29

176 3 0
                                    

"Your Honor, we present witness testimony from individuals who have directly implicated Ms. Belova in drug trafficking activities,"

Hindi ko tinapunan ng tingin ang mga tao na naging costumer ko sa bentahan sa bar, totoo naman kasi ang lahat ng sinasabi nila.

"In addition, we have seized illegal substances from properties associated with the defendant."

Ang tinutukoy ng prosecution ay 'yong sa pentagon. May mga nagsabi kasi na ako raw ang nagpapatakbo ng drug system sa loob, pero wala naman siya dito ngayon.

"The prosecution's evidence is, at best, circumstantial, Your Honor.,"

Nag angat ako ng tingin kay Nicollo na ngayon ay seryosong nakatayo sa harap ng maraming tao, at ng judge.

Yes. I accepted his offer that he will stand as my legal counsel. Mag isa lang siya, habang dalawa ang abogado sa prosecution.

Sa pagkaka alala ko, hindi siya pumayag na may ibang humawak ng kaso. Kahit mga kaibigan niya pa, kaya naman humanga ako sa lakas ng loob na mayroon siya.

"We contend that there is no direct evidence connecting Ms. Belova,"

Tumingin siya sa akin at mabilis akong kinindatan, kaya naman pinigil kong huwag ngumiti dahil seryoso ang lahat.

Hanggang ngayon, umeepekto pa rin ang mga paandar at kalokohan niya sa akin.

"To the alleged drug trade."

Iyon ang huling usapan sa pagitan ng prosecution at defense counsel bago pag aralan ng mga judge ang kaso.

Tahimik lang ang mga abogado, maging ang mga nanonood ay masiyadong tensed. Habang ako, pinipilit na huwag ngumiti.

I have Nico's parents at my side. Nanonood sila ng final hearing, dahil sa kaso ko. I'm pretty sure that Mr. Forster is proud of his son.

Nicollo didn't looked so bothered at all, nagawa niya pang tumingin sa gawi ko at taasan ako ng dalawang kilay.

Parang kanina lang, mukhang mangangain siya sa defense pero ngayon parang walang nangyari.

"After thorough examination of the evidence and testimonies provided by both parties, the court finds that,"

Napatingin ako ngayon sa pwesto ng mga judge na magdedesisyon para sa kalayaan ko, habang naghihintay ng sagot.

Whatever the result is, okay lang sa akin. Pero may parte sa akin na gusto kong lumaya, na parang hindi.

"There is insufficient direct evidence to convict Ms. Belova as a drug lord,"

Napatingin ako sa gawi ni Nicollo na ngayon ay matagal na nakatingin sa akin. He looked at me like everything is going to be fine.

"Therefore, the verdict is not guilty."

Nagsitayuan ang mga tao sa loob ng korte, na para bang standing ovation ang naging desisyon ng korte.

Nakita ko si Nicollo na nakipagkamay sa prosecution, pagkatapos ay binigyan ng mahigpit na yakap ang ama.

Mapait akong napangiti, dahil naalala kong napag walang bisa na rin pala ang kasal naming dalawa.

Yes, mabilis lang na nai proseso ang pagsasawalang bisa ng kasal. Lahat ng gusto ko ay natupad, hindi ko kinuha ang alimony at ako ang nagbayad.

Naging magkaibigan pa rin naman kami ni Nicollo, lalo na sa mga panahong tinuturuan niya ako ng isasagot ko sa loob ng korte.

Nangako siya sa akin na ipapanalo niya ang kaso, at ginawa niya naman. Ayos na sa akin yon dahil makakalaya pa rin ako.

"Congratulations, Ms. Belova."

It was Petrov. Nanood siya ng hearing kanina, at ngayon ay siya ang unang lumapit sa akin para i congratulate ako.

"Thank you."

Iyon lang ang sinabi ko bago tuluyang umalis ng court room. Tapos naman na ako, malaya na ako.

Sa loob ng isang buwan, dalawang beses akong nakatanggap ng kalayaan. Ang una ay pagiging malaya sa pagkakatali kay Nicollo, at ang pangalawa naman ay paglaya sa kasong kinahaharap ko.

Siguro nga, hindi naman talaga kami ang nakatadhana. Mas ayos na sa akin 'yon, dahil minsan ko ring hiniling na maging parte ako ng buhay niya.. kahit saglit lang.

"Ano, saan ka ngayon pupunta?"

It was Libitina. Sinamahan niya ako sa hearing, hanggang sa pag book ng flight pauwi ng Russia.

Naisip ko kasi, dapat ay balikan ko 'yong mga bata. Kailangan nilang maalis sa impyernong lugar na 'yon, at para hindi sila maging kagaya ko.

Tahimik lang ako hanggang sa marinig ko ang pag ring ng cellphone ni Libitina.

"Ganoon ba?- Sige, sabihin ko na lang."

Pinatay nito ang tawag at saka humarap sa akin. Ako naman, taas ang isang kilay na tumingin sa kaniya.

"Matagal na raw nahuli 'yong mga sindikato, nakauwi na rin iyong mga bata."

Mas okay 'yon, dahil wala na ang magpapahirap sa kanila. Mas makakausad na sila, para sa hinaharap.

"Tutuloy ka pa ba sa Russia?"

Tumango ako bilang sagot. Kahit naman na okay lang, sa tingin ko kailangan ko pa rin bumalik sa lugar na pinagmulan ko.

Baka doon na rin ako magbagong buhay, at magtrabaho. Siguro naman makaka move on ako kapag nandoon na ako.

Hinatid ako ni Libitina papuntang airport, pero hindi rin natuloy dahil biglang sumakit ang ulo ko.

These past few days parang lagi akong lalagnatin. Siguro, dahil stress na ako sa sobrang dami ng nangyayari.

"Doon ka muna sa bahay ko, hindi naman ako umuuwi roon."

Natulog lang ako sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay ni Libitina. Sinabi ko sa kaniya na iwan na niya ako dahil okay lang naman ako.

"Sige na, lumandi ka nang pokpok ka."

Nakita ko ang pagtawa niya bago ako iniwan. Napabuntong hininga na lang ako, bago pumasok sa loob.

Maaga pa naman para magpa check up, 'di ba? lumabas ako ng bahay at nagpunta sa pinaka malapit na clinic. Walking distance lang naman, kaya nakarating ako.

The doctor told me na kailangan kong dumaan sa iba't ibang test para malaman ang dahilan ng madalas kong pagkahilo.

Until they handled me a pregnancy test.

Imposible sa akin, kasi alam ko naman na baog ako. Isa pa, hindi ko na maalala kung kailan huling nakipagtalik ako.

"Congratulations, you're four weeks pregnant."

Sa loob ng isang araw, dalawang beses ako nakatanggap ng salitang congratulations pero ito ang pinaka paborito ko.

Hindi naman ako madamot para hindi ipaalam kay Nicollo. Mahaba pa naman ang oras, kaya naisipan kong pumunta sa bahay niya.

"You're here, pasok ka."

Iginaya niya ako paupo sa sofa, pagkatapos ay ipinagkuha ng maiinom. Naupo siya gilid, pagkatapos ay hinintay ang sasabihin ko.

"I-I'm pregnant, Aviel."

Wicked WagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon