PROLOGUE

9.8K 139 18
                                    

NOTE:

This Story Is Pure Fiction.

°°°



UNKNOWN POV



"Andito na po tayo Ma'am."



Napahinto ako sa pagmumuni-muni ng marinig ko ang sinabi ng driver ng taxi na sinasakyan ko kaya naman agad akong nagbayad at bumaba matapos magpasalamat dito.



Nandito ako ngayon sa entrada ng isang kilalang hotel sapagkat dito napiling idaos ang pinaka-importanteng araw sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.
Paulit-ulit muna akong huminga ng malalim para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.



Maayos naman ang gown ko,
nagpatahi pa nga ako ng damit para hindi nakakahiya umattend dito.



Makeup....Check


Shoes.....Check


Self....Hindi ko sure.



Nagtuloy-tuloy na akong pumasok sa loob, simpleng ngiti lang ang sinukli ko sa mga staff na bumabati sa akin at tinungo ang kanilang Events Place.
Nasa bungad palang ako pero di ko na mapigilan ang mamangha sa ayos ng lugar.



Napakaganda!


Kulang ang salitang maganda para ilarawan ang buong lugar, maihahalintulad ko ito ngayon sa isang sikat na hotel sa London, England at talaga namang halatang-halata na pinagkagastusan at pinaghandaan ito.
Magmula sa chandelier hanggang sa samu't-saring dekorasyon.




Every sleepless and tiring night is all worth it.



"Congratulations, you did a great job."
nilingon ko ang nagsalita at nagpasalamat dito.
Isa lamang ito sa mga bisitang inimbitahan ng may-ari ng kumpanya para dumalo ngayong gabi.
Kitang-kita na mamahalin ang kasuotan at suot nitong sapatos at alahas, walang pinag-iba sa karamihan ng mga nandito ngayon.




"The party was great."



"Wow, congratulations everything is perfect."


"Wonderful."



"Exquisite."




Ilan lamang iyon sa mga papuring natatanggap ko mula sa mga bisita, mabuti naman at nag-eenjoy sila pambawi manlang sa ilang araw na pagod at puyat magmula ng inutusan akong maging organizer nitong event na ito.


"Napakaganda naman ni bunso."
Nagulat pa ko ng may magsalita sa likod ko, nang lingunin ko ito ay napangiti din ako dahil katulad ko ay posturang-postura din ito sa suot na gown at sapatos, idagdag pa ang make-up nito na lalong nagpatingkad sa angkin nitong ganda.



"Siyempre naman mana sa'yo."
Nakangiting sagot ko sa kanya at sabay naming pinuntahan ang table na nakalaan para saming mga empleyado.
Binati ko din ang ilan pang kasamahan na naroon sa lamesa.


Nasaan kaya siya?


Palingon-lingon ako sa paligid habang nagbabaka-sakaling makita ng mata ko ang taong hinahanap.



Late lang siguro, ganun talaga pag-VIP




Sa kabila ng napakagandang tugtog ng iba't-ibang instrumento na tinutugtog ng banda ay maririnig mo parin ang ingay at tawanan ng paligid.
Hindi ko namalayan ng tuluyan nang nilipad ang isip ko kung saan mang lupalop ng kalawakan.


David and Goliath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon