Nakaharap ako sa aking salamin at nakangiting pinagmamasdan ang bulaklak na mula sa lalaking aking nagugustuhan. Bakit ganito ang aking nararamdaman?
“Ang bango naman ng mga ito” hindi pa rin mawala ang ngiti sa aking mga labi. kinikilig ako
“Sus may pa flowers ang kuya Andrew” pang-aasar sa akin nang aking kaibigan bago nito sinundot sundot ang aking tagiliran.
“Tumigil ka nga! nakakainis to!” bago padabog na naupo sa aking kama. “Nuba flowers lang naman yan e, bat parang ikaw pa ang kinikilig, Janna?” agad naman s'yang napataas ng kilay at tsaka tumawa ng malakas
“Kunwari kapa e namumula na nga ang mukha mo. Parang kamatis” pang-aasar pa n'ya. “Ikaw ha, bumibigay kana. Akala ko ba, hindi ka muna magmamahal ulit? Akala ko ba trauma ka pa sa ex mo hanggang ngayon?” pagtatanong n'ya sa akin. mukhang seryoso si gaga at hindi manlang tumatawa
“Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama s'ya. Ayun naman yung mahalaga ron diba?” pag tatanong ko sa kanya ng pabalik
“Oo, syempre naman. Ang kaso baka nabibigla ka lang? Baka hindi talaga yan ang gusto mo?” hinawakan n'ya ang akin kamay bago ngumiti ng tipid
“Tingin mo ba, ginagamit ko lang s'ya para makalimutan si Ryan?” tanong ko sa kanya. agad n'ya namang inalis ang kamay n'ya sa pagkakahawak sa akin bago tumango-tango
“Tingin ko naman, hindi ko s'ya ginagamit, Janna. 5 months na ang nagdaan, siguro naman hindi ko na talagang mahal si Ryan” agad naman s'yang tumango-tango at huminga ng malalim“That's not only the point, Elysse” sagot n'ya sa akin
“E ano pa?” pag tatanong ko sa kanya
“Oo, sa ngayon greenflag 'yang si Andrew. Ehh pano sa susunod pang mga buwan? Hindi natin alam kung anong meron sa kanya, Elysse. Although kasali siya sa circle of friends n'yo before. But it is not the only thing para lang masabi mo na kilala mo na s'ya. Sige, sabihin na nating mabuti talaga s'yang tao. At kung mabuti nga s'yang tao, hindi ba kawawa naman si Andrew dahil maaaring nagagamit mo lang s'ya to heal your wounds” pagpapaliwanag n'ya sa akin
“Tama ka naman, Janna. At naiintindihan kita. Pero diba alam mo naman sa sarili mo yung mga actions na gagawin mo? Janna, alam ko sa sarili kong mabuting tao naman si Andrew. At lalong hinding hindi ko s'ya magagamit to heal what should heal for. And nag h-heal pa nga ba ako?” hindi ko sa kanya lang tinatanong, pati na rin sa aking sarili
“Yes, of course. Nag h-heal ka pa, Elysse. Pinipilit mo lang sa sarili mo na hindi na, na ok kana. Okay okay, it's okay na ituloy mo yang kay Andrew. But please be sure about your true feelings and isipin mo rin yung feelings nung isa. Mahirap yan” agad naman akong tumango-tango at itinaas ang aking kamay bilang pangako
“Yes! Promise”
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habangbuhay
Short StoryLahat ng tao ay kayang piliin ang isa pang tao sa kahit gaano pa kalalang sitwasyon. Lahat ay may kakayahang piliin ang isa't-isa gaano man kahirap at ka-bigat ang sitwasyon. Kayang piliin, kung walang pag a-alinlangan. Posible nga bang dahilan kung...