Chapter 6

16 3 0
                                    

Sa nagdaan ng maraming araw hindi ko pansin na masyadong ko na palang mahal si Andrew. Paano ba naman, sa kanya ko lang nararamdaman ang lahat. Sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal na never kong naramdaman kay Ryan, o maski pa sa pamilya ko. Andito ako ngayon sa sala at nakaupo. Habang nakikinig ng isang magandang awitin.

Kaya namang makayanan
Kahit pa na nahihirapan
Kahit lungkot dumaraan
Pag natuyo na ang luha

Parang nahipan,
Ang iyong kandila
Init ay wala...

--

Kaya ngang kayanin ang bawat problemang posibleng kaharapin ng bawat isa. At totoo namang walang perpektong relasyon. Na kahit pilitin n'yong maging perpekto ay sadyang walang relasyong hindi magkakaroon ng isang pagtatalo. Ngunit palaging pakatatandaan, na hindi rason ang away o anumang problema para matapos ang relasyon. Bagkus nararapat n'yong gawin ay mahalin, intindihin at lalong-lalo na... piliin ang bawat isa, Nang sa ganon, hindi man perpekto ang relasyon, ngunit napaka ganda naman nito.

Ang pagmamahal ay tila isang kandila na sinindihan. Mainit at nakakatunaw. Pag-ibig na nauubos. At kapag naubos, dalawa lang yan, itatapon o huhulma ng panibago. Huhulma at muling sisindihan. Gaya ng pag-ibig na maaaring maubos, pero nasa saiyo kung gusto mo pang ipagpatuloy na masilayan ang apoy na iyong ninanais o ang apoy ng pagmamahalan.

“Hays ano ba tong mga naiisip ko” agad kong sinampal-sampal ang aking sarili. Hindi ako to ah. Andami ko atang naiisip about love

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa Susunod Na Habangbuhay Where stories live. Discover now