Kasama ko ngayon si Andrew sa park. Ipinapasyal n'ya ako. Mahal ko s'ya, buong puso ko. Pero hindi ko pa 'yon napagtatapat sa kanya. Bawat sandaling kasama sya ay katumbas ng ilang libong tamis na tumatakbo sa bawat minuto.
"Andrew, sinasagot na kita" agad naman s'yang nagulat sa sinabi ko at humarap siyang bigla sa akin.
"Ha, teka? A-ano yun?" kitang kita ko ang luhang namumuo sa kanyang mga mata. Pero nakikita ko ang labis na kaligayahan sa kanyang mga labi, maging sa kanyang mga mata.
"Mahal na kita" sambit ko ng may ngiti sa labi.
"Totoo ba yang naririnig ko? Elysse, joke ba yan? Panaginip ba to? Kung panaginip to, ayaw ko ng magising" sabi n'ya at agad namang sinampal sampal ang sarili "Shitt, hindi to panaginip!" dugdong pa n'ya. Agad naman akong natawa sa ikinikilos n'ya ngayon
"Hindi to panaginip, Andrew" agad akong ngumiti sa kanya. Nagulat ako nang bigla n'ya akong niyakap.
"Tayo na ba talaga?" pagtatanong n'ya pang muli sa akin.
"Oo nga" agad naman akong natawa "Ayaw mo ba?" dugtong ko pa
"Huy hindi! Teka di kase ako makapaniwala" napahilamos naman s'ya sa mukha n'ya at nagtakip ng mukha. "Seryoso ba to, tang*na!" Agad naman akong tumango-tango sa kanya bilang sagot sa tanong n'ya.
"Shit shit! Yes! Wooo!" nagtatalon s'ya at tumakbo palayo at pabalik sa akin bago ako niyakap muli. "Ang saya ko, Elysse. Mahal kita, mamahalin kita ng sobra-sobra, hinding-hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo, pangako yan" napangiti ako sa mga sinabi n'ya. Sana nga...
YOU ARE READING
Sa Susunod Na Habangbuhay
Short StoryLahat ng tao ay kayang piliin ang isa pang tao sa kahit gaano pa kalalang sitwasyon. Lahat ay may kakayahang piliin ang isa't-isa gaano man kahirap at ka-bigat ang sitwasyon. Kayang piliin, kung walang pag a-alinlangan. Posible nga bang dahilan kung...