It's the first day of school, at ang unang inatupag ko ay ang pag tingin sa aking naglalakihang muscles.
"Shit, sino pang aayaw sakin nyan?" Sabi ko at may pa flex flex pa sa harap ng salamin. I was smiling from ear to ear ng bigla nalang may bumato ng unan sa ulo ko.
"Ang hangin! Hoy, magbihis ka na nga!" Ani ni aling Brenda, ang tita ko na walang tigil ang bunganga. "Bumaba ka na nga at magluto ka ng umagahan mo!" Dagdag nya pa bago lumabas ng kwarto ko.
"Etong pandesal ko nalang kainin mo, tita!" Saad ko habang tumatawa at nakaturo sa abs ko.
Laging bad mood yang tiyahin ko na 'yan, onti nalang mapapalayas nako nyan– "Nako, Vincentimos! Lumayas ka na nga sa pamamahay ko!" Sigaw niya kaya't napahalakhak nalang ako.
Si Aling Brenda ang kumupkop sakin matapos akong iwanan ng mga magulang ko dahil baon na baon na sila sa utang. Sya na ang naging bago kong ina. Pano? Pinasok nya ulit ako sa puk- I mean, dahil sakanya na ako lumaki at sya na ang nag-alaga sakin. Pano ba naman, walang kwenta ang nanay ko; puro sugal ang inatupag imbis na paiumin ako ng gatas. Ang tatay ko naman, ayon, iniwan kami. Gago lang ano?
I was lost in my thoughts until pumasok nanaman si tita na galit.na galit. "Vincent! Namumuro ka na saking bata k-" hindi nya na natapos yung sasabihin nya nang mahulog nalamang bigla ang pustiso nya, at thankfully, nasalo ko naman.
"Onti nalang tita, gagamitan ko na ng shoe glue yang pustiso mo."
"Tanga," sambit nito at inagaw ang pustiso nya sakin. "Bumaba ka na, may pasok ka pa."
"Oo na. Eto naman, hindi makapag hintay." Sinabit ko yung tuwalya sa balikat ko bago bumaba mula sa kwarto ko.
Hindi na ako kakain, tinatamad ako..
Pumunta na lang ako sa cr at naligo na bago pako tuluyang mapalayas. Hindi man kami masyadong mayaman, pero tita managed to enroll me sa malaking university. Saan ulit yon? Crestwood: The Fallen Crow Academy? Aba, may afam ata 'tong jowa eh. Ang lakas maka Hollywoods ng pangalan
Pumasok na nga ako sa cr at habang naliligo ay hindi ko mapigilang mag-isip na what if may mga sexy na babae dun sa school? Nako, tiba tiba nanaman ang manyak side ko.
"Ay puta!" Mura ko nung bigla nalamang may sabon na napunta sa mata ko. Habang tinatanggal ko naman yon eh may shampoo na tumulo sa bunganga ko.
"Pwe! Ang pangit ng lasa!" Saad ko na diring diri.
"Sinasabi ko na sayong bata ka! Wag mong iniinom ang tamod mo!" Rinig kong sabi ni tita sa labas.
"Hoy tita! Ang bastos ng bunganga neto, oh! Supalpal ko tong sabon sa bunganga mo eh!" Inis kong sabi at nagpatuloy nalang sa pag ligo.
After ko maligo ay nagbihis na ako at agad agad na umalis ng bahay. Teka, saan pala papunta doon sa school ko?
Tatawagan ko sana si tita dahil nandito na 'ko sa sakayan at hindi nako makakabalik sa bahay.
Binuksan ko yung cellphone ko pero nakita kong wala akong load kaya naman dali dali akong pumunta sa malapit na tindahan.
"Ate, pa-load nga po," sabi ko habang sumisilip sa loob.
"Magkano ba, ijo?" Tanong nung nagtitinda.
"Fb-10 lang po."
"Sige, trese ang bayad, anak."
Tinignan ko yung wallet ko at saktong pang sakay ko lang yung pinadala sakin ni tita. "Ay ate, pwedeng utang muna? Bayaran ko bukas, promise."
Tumango nalamang si ate at hiningi ang number ko.
BINABASA MO ANG
The truth that should've remained a lie.
AdventureSi Vincent ay lumaki sa pangangalaga ng tita n'ya na si Aling Brenda na akalain mo'y dragon dahil sa palaging pagsigaw nito. Sa kabila noon ay maayos nya namang napalaki si Kiyo, 'di gaanong matalino pero full time manyak. Pinasok s'ya ng tita n'ya...