"What was that for?" Inis na sambit ni Kiyo. Nanlilisik ang bughaw nyang mga mata at 'di ko na namalayang napapa atras na pala ako habang humahakbang naman siya papalapit.
"Tinatawag lang naman kita eh, k-kasalanan ko bang snob ka?" Nakaka nerbyos naman 'tong lalaking 'to! Parang papatayin na'ko eh.
Naramdaman kong tumama na ang likod ko sa pader at dun ko namalayan na na corner na'ko! Mapapadasal ako ng Hail Mary sa 'di oras nito eh.
"Is it my fault that you're being an annoying ass?" Rebat nito. Luh gago, pwet daw ako??
"Hoy excuse me, 'di ako pwe-"
Naistorbo naman ang pagsasagutan namin ni Kiyo ng biglang dumating si Kian. "Kiyo, Vincent!" tawag n'ya kaya naman sabay kami napalingon ni Kiyo. Sa wakas! Nakahinga ako ng maluwag dahil nabaling na kay Kian ang atensyon ni Kiyo. Thankyou talaga Kian my loves- este Kian lang pala. 'Di ko pa s'ya naaagaw kay Kiyo!
"Uy, Kian!" Bati ko dito. Sinamaan ako ng tingin ni Kiyo bago harapin si Kian.
"Why are you here?" Seryosong tanong nya habang hawak hawak ang pulso ni Kian. Mahigpit ang hawak nito na para bang ayaw nang pakawalan. Halata sa ekspresyon ni Kian na nasasaktan ito pero tinago nya ito gamit ang matamis nyang ngiti.
"I'm running an errand for our Professor. But since the both of you are here already, I'm going to tell you something, Kiyo." Mahinhin at matamis ang boses ni Kian. Sinong tao ang hindi mahuhulog sakanya?
tinaasan lang sya ni Kiyo ng kilay kaya nagpatuloy si Kian. "Vincent wants to join the volleyball team!" she excitedly said. Nahawa ako sa ngiti nya at tumango.
Kumunot ang noo ni Kiyo at sumama ulit ang tingin. "This loser will join us? No way in hell." Aba, grabe naman 'to. Don't worry, ayaw din kitang kasama 'no!
"U-uh anyways, I'll go na. Get along well, you guys!" Tinanggal ni Kian ang pagkakahawak ni Kiyo sa pulso n'ya bago tumakbo papaalis. Siguro ay gagawin nya na ang inutos nung Profesor n'ya.
Nang maka alis na s'ya ay inismidan ko si Kiyo. "Get along eh, tinawag akong pwet ng jowa mo," bulong ko sa sarili ko habang mahinang sinisipa ang pader. Narinig ko ang mahinang pag tawa.
"Tanga ka talaga 'no?" Pang aasar ni Kiyo na sinabayan ng pag ngisi. Alam kong tanga ako, pero I kenat aksep it kung galing sa'yo!
'Di ko na lamang s'ya pinansin at hinintay matapos ang mga klase bago kami dalhin ng teacher sa detention room.
"Miss.. I have a practice." Nag taas ng kamay si Kiyo bago sya tanguan at pinayagang lumabas. Tatayo na sana si KIyo mula sa upuan pero hinila ko ang manggas ng uniform n'ya at tumayo din.
"H-hoy! Ako din, kasali na din ako sa club diba..?" Mahina kong sambit at tumingin sakanya ng nakakaawa. Ayoko maiwan dito kasama ng mga rebelde sa school no!
"So..?" tinignan nya'ko ng blanko, hinihintay ang susunod kong sasabihin Luh, ano ka elementary?? 'Di nya ba gets yung gusto ko iparating?!
Humigpit ang hawak ko sa manggas nya, pinapahalatang natatakot ako. "S-sama.. sama ako sa'yo."
Kinumpas n'ya yung kamay nya para maalis yung pagkaka hawak ko. "Huy sige na oh-"
"Ma'am, he volunteers to clean while in detention." Tinuro ako ni Kiyo. Aba aba! Tarantado!
Huhuhu! Fakshet talaga!
Ngumiti naman yung teacher at binigyan ako ng walis at dustpan. Bwiset! Iniwan ako ni Kiyo sa detention room at kitang kita ko ang ngisi sa mga labi nya.
BINABASA MO ANG
The truth that should've remained a lie.
AdventureSi Vincent ay lumaki sa pangangalaga ng tita n'ya na si Aling Brenda na akalain mo'y dragon dahil sa palaging pagsigaw nito. Sa kabila noon ay maayos nya namang napalaki si Kiyo, 'di gaanong matalino pero full time manyak. Pinasok s'ya ng tita n'ya...