Ikaapat

11 0 0
                                    

Napanganga ako nang bigyan ako ni Celeste at Kian ng bote ng tubig. "Okay ka lang? What happened to you?"

Nginitian ko nalang ng maliit si Kian. "Okay lang ako, ano ba kayo. 'Di lang ako sanay na mapagod ng ganito." Kinuha ko ang bote mula kay Kian at nagpasalamat bago inumin ito. Napansin ko namang tinago nalang ni Celeste yung tubig na inoffer nya din sakin, sa likod nya.

"Sure ka ah? May spare water pa'ko dito if mauhaw ka." Iyon na lamang ang sinabi ni Celeste bago tumakbo na pabalik sa mga kaibigan n'ya.

"Nga pala, I saw Kiyo walking out from here. Did he say anything to you?"

Naalala ko yung mga salitang iniwan ni Kiyo bago sya lumabas ng cr. "Yun nga. Don't ever try to take her away from me." It's still ringing in my ear, yung tono nyang mapagbanta. Hays..

Umiling ako at ngumiti. "No. Wala naman, 'wag ka mag alala." Ngumiti naman sya pabalik bago tumango.

"Hey, uhm.. Do you want to grab some dinner later?" Hindi s'ya makatingin sa mga mata ko habang sinasabi iyon, para bang nahihiya.

"Hapunan? Nako, wala na'kong pera eh, haha! Pamasahe ko lang 'to pauwi-"

"It's my treat! And don't worry about your ride, I can drive you off naman." Namula ang mga pisngi ko. Pinipilit nya talaga eh. Teka.. date na ba ito??! Lumalakas na ang kabog ng dibdib ko.

Date..? Thump! Magdadate talaga kami? Thump! Hindi! Dinner lang. Pero kung kaming dalawa lang.. Thump! It means.. Thump! Thump! "D..da..te.." Nahimatay ako sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

Huling narinig ko ay ang mala anghel na boses ni Kian na tinatawag ang pangalan ko. "Vincent!!"


***


Dinilat ko ang mga mata ko at nakita kong nakapaligid sa'kin ang mga tao sa gym habang ako'y nakahiga sa sahig. "Vincent, okay ka lang?" bumungad sakin ang malambing na boses ni Kian.

"Okay la-"

Nakita kong tumatakbo si Celeste papalapit samin at 'di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil binuhusan nya ako ng malamig na tubig galing sa timba. "Magigising s'ya nyan, promise." Proud na pagmamayabang ni Celeste habang naka pamewang pa

Bigla naman akong napabalikwas mula sa kinahihigaan ko. Putangina! Muntik na'ko kunin ni Lord! 

"C-celest! He was already awake before you even poured water on him." Sabi ni Kian at kumuha ng towel sa bag nya bago ito ibigay sa'kin. Waaah Kian, my saviour. ><

Mukhang napahiya si Celeste dahil doon at napayuko na lamang sya. I walked towards her before giving her a pat on the head. "Uy, Celeste! Thankyou ah, nagising diwa ko do'n, haha!" 

Ngumiti naman siya ng malumanay bago itaas ang tingin sa'kin. "Okay ka na ba?" tanong nya at kinuha yung towel sakin. Akmang pupunasan nya ang buhok ko, ay bigla itong inagaw ni Kian mula sakanya.

"He can dry his hair himself you know..? haha.." Sabi ni Kian bago ibigay yung towel sa'kin. Anong problema nito?

"A-ah.. oo." Ngumiti nalang ako at pinunasan yung mukha ko. "Bihis lang ako ha?" Paalam ko bago naglakad papunta sa cr. 

Pagpasok ka sa isa sa mga cubicles ay binuksan ko yung shower at sumandal sa pader. "Grabe naman 'to.. Ang daming ganap, lintek. First day palang 'to ha!" Napabuntong hininga nalang ako at mabilisang naligo bago mag bihis at lumabas na ng cr.

Naabutan ko namang naka abang si Kian sa labas. Oo nga pala. Yung dinner!

"Hinintay mo pa pala ako. Nga pala, nasaan na yung boyfriend mo?" tumingin ako sa paligid upang hanapin si Kiyo. "Baka mamaya, biglang sumulpot eh."

Tumawa ng mahina si Kian bago nagsalita, "He went home, don't worry. He's tired after teaching a bunch of newbies" Nagsimula na syang maglakad palabas ng gym, kaya wala naman akong nagawa kundi sundan nalamang sya

"Holy shit! Kotse mo 'to???" Tanong ko habang ang mga mata ko ay nanlalaki sa gulat. Puta, naka Rolls-Royce ang ate mo!

"Huh? Yeah, my father bought it for me nung birthday ko last year." Ngumiti sya at binuksan yung pinto sa passenger's seat. "Get inside na, I already made a reservation dun sa resto na I always go to with Kiyo."

Sumakay na'ko sa loob at hinintay s'yang makapasok bago magsalita. "Doon tayo..? Hindi ba magagalit nyan si Kiyo? Dadalhin mo'ko kung saan kayo nag d-date?"

Sinimulan nya na ang makina at nagsimula na mag drive. Ngumiti sya at umiling. "Mag didinner lang naman tayo, there's nothing wrong with that, yes?" Tumango na lamang ako at ngumiti pabalik.

"Nga pala, tuwing kailan yung training?" 

"Inaadjust pa to fit everyone's schedule. 'Di lang naman senior high yung members, may college students din na sumasali." Ang cool nya pakinggan habang nagddrive, hinahangin yung buhok nya gawa ng hangin mula sa bukas na bintana ng kotse.

'Di ko na namalayang napatulala na pala ako sa kagandahan nya. The moonlight was elluminating her soft features. From her large doe eyes, her pointed nose and plump lips. "Ang ganda mo.." mahina kong sambit, nakatulala parin.

"Huh?"

"N-nung moon! A-ang ganda nung moon!" Mabilisang bawi ko sa sinabi ko. Tumango nalang sya kahit mukhang naguguluhan parin. Muntik na!

Nanahimik nalang ako habang nagddrive sya at baka kung ano nanaman ang masabi ko, mahirap na.

Wala pang sampung minuto ay huminto na kami sa tapat ng isang restaurant. "Ang gara, shet," bulong ko pero mukhang narinig ito ni Kian dahil napatawa ito. Hindi ganoon kalakihan yung restaurant pero ang elegante kung tignan ng paligid. Pang date nga ang resto na 'to!

Buti nalang ay nakasuot ako ng polo shirt, para naman kahit papaano ay nagmukha akong disente. Nauna nang maglakad papasok si Kian sa loob ng restaurant kaya sinundan ko na sya. Pagpasok nya ay kinausap nya yung nasa reception table.

"Reservation for Ms. Voulinicia, please."

Ngumiti yung babae na kausap ni Kian. Voulincia pala ang apilyedo nya, halatang pang mayaman, habang yung saakin ay ewan ko ba, pang chinese ata. Bantot! 

"Ms. Voulinicia, welcome back! How are things with KIyo? You guys still togeth-" Naputol yung sinasabi ng babae matapos itong mapatingin sakin. "O-oh! You must be her new boyfriend, I'm sorry, sir!"

Umiling naman kaming dalawa ni Kian. "Haha, no, no. He's my new friend. I;m just taking him here for dinner."

Tumango na yung babae at dinala na kami sa table namin. "Ang ganda dito, Kian. Madalas ba kayong pumunta dito ni Kiyo?" Tanong ko matapos namin pumili ng kakainin.

Umiling sya at napasalumbaba. "Hmm, not as often... Nabubusy sya sa volleyball eh. Sometimes I think he's just dating me to occupy his remaining free time."

Kung ako 'yan di kita gaganyanin... Kung ako 'yan, I can treat you better!!

"Pa'no mo naman nasabi 'yan?" Tanong ko at lumapit ng kaonti.

"Well, we don't spend that much time with me. I understand that he doesn't have that many time to spare considering his busy schedule, but still..." Napabuntong hininga sya bago nagpatuloy. "He doesn't need to make me feel like I'm just a bother to him."

Nalungkot naman ako nang makita ko ang malungkot na ekspresyon sa mukha nya. Sakto naman ay dumating na yung mga inorder namin kanina.

"Oh, wag ka nang malungkot, papanget lasa ng pagkain nyan!" Biro ko. Tumawa naman ito at umiling bago dinampot ang kutsara.

"Let's dig in then."

Eto na! Lalapang na!


The truth that should've remained a lie.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon