Prologue

255 56 311
                                    

Highschool Series #1: Rewriting The Memories (completed)

Highschool Series #2: You Rock My World (completed)

Highschool Series #3: Catch me under the stars (ongoing)

Highschool Series #4: After All (coming soon)

This story contains spoilers for Highschool Series #1, #2 and #4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This story contains spoilers for Highschool Series #1, #2 and #4.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

I would also like to add that any medical term and practices mentioned on this story are based on my research and used in a fictitious purposes only.

~~~

Agad kong pinang-payong ang kamay ko sa mga mata ko para protektahan ito sa araw. Ang hirap talaga pag graveyard shift, lalo kung uuwi ka ng tirik na 'yung araw.

Huminga ako ng malalim atsaka naglakad para humanap nang masasakyan. Pero bago 'yun, napadaan ako sa Jollibee kaya naisipan kong bumili na din muna ng makakain ko.

Nakakapagod ang buong mag damag ko, pero sobrang nag e-enjoy naman ako sa trabaho ko bilang nurse. Nakapila na ako nun sa counter nung mapansin ko yung lalaki sa harap ko na napapahawak sa dibdib niya.

Para itong hindi mapakali. May problema kaya ito?

Magtatanong palang sana ako nang bigla itong bumagsak sa harap ko. Mabilis itong napalibutan ng mga tao na naging dahilan para mapunta ako sa pinaka dulo ng kumpulan.

Napapatingkayad pa ako para silipin ito pero sa sobrang dami nang nagkumpulan, halos hindi na ako makasingit. Kaya hindi na ako nakatiis.

"Tabi! Nurse ako!"

Dun lang sila tumabi nung sumigaw ako. Binigyan nila ako ng daraanan kaya mabilis akong lumapit sa lalaking nakahiga ngayon sa sahig at walang malay.

"Tumawag kayo sa ambulansya!"

Sigaw ko, nakita ko naman na nagmamadali na yung karamihan sa kanila na dumukot ng cellphone nila para mag tipa ng numero.

Pero habang inaantay ko yung ambulansya, kailangan ko ding itsek ang kalagayan nito.

Lumuhod ako sa tabi niya at inayos siya sa pagkakahiga. Kailangang firm ang pagkakaayos niya at dapat flat na flat ito.

"Kuya, naririnig mo ba ako? Magsalita ka kung oo," tsinek ko kung responsive ba siya pero wala akong natanggap na response mula sa kanya.

Tsinek ko din if may bleeding ba siya sa pagkakabagsak or tumba niya pero salamat naman sa Diyos at wala. Inilapit ko ang daliri ko banda sa ilong niya para itsek din ang breathing niya.

He was only gasping at that time so I think I need to perform a CPR. I placed my two hands centered on his chest, my shoulders are placed directly on the hand and my elbows are locked.

The depths should be atleast 2 inches and the rate should go up to 100 to 120 per minute kaya itinuro ko yung isang lalaki na malapit sakin na ipakita niya yung relo niya sakin while I'm performing the CPR.

I did what I had to do until I saw this man regaining his breath in a normal composition.

The people who stood beside me applauded and I also feel relieved that I got this man back.

Eksakto din na dumating ang mga taga ambulansya para sunduin yung lalaki. Dahan dahan nila itong inilagay sa stretcher at isinakay sa sasakyan.

Palabas na din sana ako para umuwi na nang biglang may mag inang humarang sakin. Umiiyak ito, if I could guess it right, siguro related sila dun sa lalaki.

"Miss, maraming salamat po, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung sakaling may nangyaring masama sa asawa ko," sabi nito atsaka hinawakan ako sa kamay.

Tinawag na din sila ng isa sa mga ambulansya para may makasama sa sasakyan yung lalaki. Pero nang makaalis sila, nanatili akong nakatingin sa kamay ko na hinawakan ng babae kanina.

I just saved a life.

Then, I suddenly remembered the date today. It's December 24, disperas ng pasko at kaarawan niya.

How could I forget his birthday?

Agad akong pumunta sa pinaka malapit na flower shop para bumili ng bulaklak na puti. Atsaka ako dumiretso sa Heritage Park located at C5 Taguig.

Habang napapalapit ako sa pupuntahan ko, mas lalong bumibigat yung dibdib ko. Naalala ko ang naging pag-uusap namin noon..

"I'm prepared to be one of the stars."

I looked at him in disbelief.

"How could you say that? Mabubuhay ka! Hindi ka mawawala!"

He chuckled. "Bakit kaba nagagalit? Eh sa yun naman ang sabi ng doctor eh."

Agad kong hinawakan ang magkabilang braso niya para ipaharap sakin.

"If I have to catch you under the stars, I will do that!" I said.

Natigilan siya sa mga sinabi ko and I saw how his eyes turned glassy. Parang nagbabadya 'yun ng papatulo na luha.

"F-Faith.."

"Star.." agad na bumalik ako sa kasalukuyang panahon nang makarating ako sa harap ng isang puntod.

"I-I'm.. here."

Mabigat ang pakiramdam na pag aanunsiyo ko sa presensiya ko. I tried hard not to crack and cry but it seems like I got betrayed by my own tears.

Catch me under the stars (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon