04

71 13 142
                                    

"Nasaan si Clarence?"

Tanong ni Jessi kay Sachi habang magkakasama kaming nakaupo sa isang table.

Lunch break namin ng mga oras na yun pero inaantay pa namin yung iba naming mga kaibigan bago kumain.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Jessi matapos kong tingnan yung kaklase naming si Julia, napansin ko kasi kanina na tinitingnan 'to ni Jessi kaya nagtataka ako kung naging malapit na ba sila matapos ng conflict na nangyari sa pagitan nila nang dahil sa boyfriend niyang si Clarence.

"Pabalik na din, medyo mahaba yung pila kaya matatagalan ng konti," sagot naman ni Sachi.

After nun, tiningnan ako ni Sachi na parang may naalala.

"Nga pala, kamusta naman si Lola sa hospital?" Tanong niya kaya nalipat ang tingin ko dito.

Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na napatingin din sakin si Jessi.

"Ayos naman, malapit na din siyang ma discharge."

"Buti hindi naiinip si Lola sa hospital noh?"

Hindi ko alam kung papanong nangyari pero bigla kong naalala si Star pagkatapos itanong ni Jessi yun.

Napangiti ako.

"Hindi naman. May naglilibang kasi sa kanya."

"Sino?" Tanong naman ni Sachi.

"Si Star."

"Star?"

"Nasa katabi lang namin siyang kwarto. He looked so nice at napaka positive ng pananaw sa buhay. Pero sa tuwing nagke-kwento siya sakin habang nakangiti, I always feel na deep down, ang lungkot lungkot niya," dagdag ko pa na sinundan ko ng buntong hininga.

Naalala ko bigla yung naikwento niyang pahapyaw tungkol sa parents niya.

Kung paano itong nanatili na nakangiti sa kabila ng pagsasabi na nawala ang mga ito noong araw na isilang siya.

Na-picture ko din sa isipan ko ang itsura niya habang tinitingnan niya yung mga sanggol sa nursey.

Then, I suddenly realized...

That eyes don't lie.

Natigilan lamang ako sa pag-iisip nang biglang maramdaman ko ang mahinang pag siko sakin ni Sachi.

"Ganyan talaga kapag type mo yung isang tao!"

"Hoy! Hindi ah!"

Nanlalaki ang matang depensa ko naman sa sinabi nito.

Nagtawanan sina Sachi at Jessi at sabay na nag high-five pa kaya naman umiwas na lang ako ng tingin.

Mabuti na lamang at bumalik na sina Clarence, Shan at Laurence sa table namin kaya nawala na din ang atensiyon ng dalawa sakin.

Nagsimula kaming kumain.

But then a part of me just can't help thinking about the fact that maybe... just maybe.. there is an untold story behind his smile.

After class namin, dumiretso ako ulit sa hospital.

Papasok na ko dapat sa kwarto ni Lola nang mapansin ko na nakabukas ng bahagya yung kwarto ni Star.

I don't know why..

Pero parang may nag udyok sakin na silipin at kamustahin ito kaya naman lumapit ako sa pinto ng kwarto niya at hahawakan ko na sana ang seradura nito nang makarinig ako ng hindi pamilyar na boses.

"What's the use of this medicine if you're not gonna take this? At para saan pa yung paga-admit ko dito sayo sa pinagtatrabahuan ko kung hindi mo tutulungang gumaling yung sarili mo?"

Catch me under the stars (Highschool Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon