After mawalan nang malay ni Star, agad siyang dinaluhan ng mga nurse sa hospital, inihiga siya sa kama at kinabitan ng oxygen.
Habang ako, nasa isang sulok ng kwarto at nagngangata ng mga kuko.
Alam kong hindi ko kaano ano si Star, pero parang nakaka guilty din kung basta ko na lang siyang iiwan.
Makalipas ang ilang minuto, nagkatinginan yung tatlong nurse na nag-asikaso sa kanya.
"K-Kailangan niyo po bang tumawag ng doctor?"
Biglang singit ko kaya naman napatingin silang lahat sakin. Nagulat pa silang lahat sa presensiya ko pero agad din namang nakabawi kaya nagbaba ng mask niya yung babaeng nurse at naglakad palapit sakin.
"Hindi na po, ma'am. Stable naman na ang lagay ng pasyente. Kailangan lang niya ngayon ng mahabang pahinga."
"Sino ba kasing naatasang magbantay kanina kay Sir Star? Hinayaan niyo nanaman bang tumakbo takbo 'to sa hallway ng hospital?" Narinig ko ang tono ng pagka-irita ng isang nurse na lalaki na parang tsine-tsek na maigi pati ang pulso nito.
"Sila Margaret at Jayson─"
Hindi pa man tapos sumagot yung babaeng nurse na nasa harap ko, bigla namang nag react yung isa pang nurse na nasa tabi nung nagtanong.
"Hoy, anong ako? Si Margaret yun! Sabi ko sa kanya na bantayan niya si Star dahil─"
"Ang ingay."
Hindi nito naituloy ang sasabihin at pare-pareho kaming natahimik nang makarinig ng isa pang boses.
Si Star.
Kahit na may nakakabit pa na oxygen dito, nagawa pa din nitong mag reklamo. Mahina at pagod nga lang ang boses niya.
"Sige na, pagpahingahin niyo na si Sir Star, kundi ay pare-pareho tayong malalagot kay Doc."
Sabay namang tumango ang dalawa pang nurse at nagsimula na itong lumakad palabas.
Habang ako, nakatingin ako kay Star na dahan-dahang bumababa ang talukap ng mata.
"Ma'am?"
Agad kong inilipat ang tingin ko sa nurse na babaeng tumawag sakin. Sinenyasan niya akong lumabas na ng kwarto dahil isasara na nila ito. Kaya naman tumango na ako at sumabay sa kanyang lumabas.
Bago nito tuluyang maisara yung pinto, nasilip ko pa ulit si Star sa huling pagkakataon.
Nang makauwi ako sa bahay namin, naghilamos lang ako ng mukha at nagpalit ng pantulog.
Pabagsak kong inilapat ang katawan ko sa malambot kong kutson at papikit na sana nang bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina kay Star.
Sa di ko malamang dahilan, agad akong bumangon upang kunin ang cellphone ko. Pumunta ako sa Google at nagsimulang mag-type sa search bar nito.
Madadaan ba sa gamot ang sakit sa puso na may taning na?
Pagka hit ko ng search, madaming results ang lumabas sa Google.
Gaya na lamang ng gamot sa sakit ng puso, bawal sa may sakit na puso, solusyon para sa mahina ang puso at madami pang iba.
Pero may isang bagay akong naalala kaya naman agad akong nagpunta sa search bar para mag type ulit dun.
Posible bang gumaling ang sakit sa puso na walang opera?
Matapos kong pindutin ang search symbol, madaming articles ang lumabas.
And those articles are labelled as miracle.
Pero totoo nga kaya ang himala?
Habang nasa kalaliman ako nang pag-iisip, bigla na lamang tumunog ang cellphone ko at lumabas ang chat head ng gc na ginawa ni Clarence para sa pa surprise nito kay Jessi.
BINABASA MO ANG
Catch me under the stars (Highschool Series #3)
Teen FictionFaith meets Star while visiting her grandmother in the hospital. Star suffers from a weak heart, and despite his fragile health, he maintains a positive outlook on life, even joking about becoming a star in the sky if he doesn't get a new heart. The...