"Teka, I'm not his girl─"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang muling magsalita si Star kasabay nang paghawak at marahang pagpisil nito sa kamay ko.
"Salamat. Nag-abala pa kayo," nakangiting ani nito sa mga staff niya atsaka umalis ang mga ito ng tuluyan.
Nang mawala na sila sa pwesto namin, hindi makapaniwalang tinapunan ko nang tingin si Star.
Masaya siyang kumuha ng tinidor para tikman yung cake na bigay ng mga ito. Tiningnan naman niya ako habang parang batang nakasubo at sabit pa din ang tinidor sa bibig.
"Ano yun?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito.
"Alin?" Nagtataka namang tanong niya sakin pabalik atsaka binuhat yung junior size na cake para ipakita sakin. "Ito ba? Best seller namin 'to─"
"Bakit hindi mo itinanggi na girlfriend mo ko?"
"Bakit? Hindi ba kita girlfriend?"
"Hindi," madiing bulong ko. DUH.
He blinked his eyes repeatedly na parang isang inosenteng bata.
"Diba mag kaibigan tayo? Tapos babae ka? Kaya girlfriend kita?"
Bakas sa mukha nito ang confusion.
Well, what do I expect?
Para akong nakikipag usap sa 6 years old.
Napailing na lamang ako atsaka bumuntong hininga. Parang wala naman ng sense na makipag argue pa dito.
Atsaka isa pa, bakit ko pa ba po-problemahin yung iisipin sakin ng mga tao dito sa Cafe gayung hindi naman kami magkikita ulit ng mga staff ni Star after namin dito?
Imbes na makipag talo, nagpaalam na lamang ako na magba-banyo saglit. Pumayag naman siya at itinuro pa niya sakin kung saan banda yung banyo dito sa Cafe.
After kong umihi, naghugas ako ng kamay at naghilamos na din para ma preskuhan. Pero habang nagpapatuyo ng kamay gamit yung tissue, nakarinig ako ng boses na nanggagaling sa labas ng banyo.
"Maganda yung girlfriend ni Sir Star noh?"
Napataas ako ng kilay.
Ako ba yung pinag-uusapan nila?
Pero infairness sa kanila kasi hindi sila yung kagaya sa mga Kdrama na nang ba-bad mouth ng guest.
Binagalan ko yung pagtutuyo ng kamay at pinakinggan pa sila.
"Oo atsaka mukha siyang mabait."
Mabait talaga ako!
"Finally, there's someone who can look after our boss."
"True! Medyo harsh kasi yung Kuya niya sa kanya."
Pagkarinig ko nun, dahan dahan kong itinapon sa trashcan yung tissue na hawak ko at lumapit ako sa pinto.
Idinikit ko ang tenga ko dito.
"Yung kapatid ba niyang Doctor?"
Kapatid na Doctor?
Naalala ko bigla yung lalaking naka coat na puti nung sumilip ako sa kwarto ni Star.
"What's the use of this medicine if you're not gonna take this? At para saan pa yung paga-admit ko dito sayo sa pinagtatrabahuan ko kung hindi mo tutulungang gumaling yung sarili mo?"
Na sinundan naman ng isa pang alaala.
"Okay lang kung itatanong ko kung sino yung kasama mo sa─"
![](https://img.wattpad.com/cover/357828443-288-k682959.jpg)
BINABASA MO ANG
Catch me under the stars (Highschool Series #3)
Teen FictionFaith meets Star while visiting her grandmother in the hospital. Star suffers from a weak heart, and despite his fragile health, he maintains a positive outlook on life, even joking about becoming a star in the sky if he doesn't get a new heart. The...