Faith meets Star while visiting her grandmother in the hospital. Star suffers from a weak heart, and despite his fragile health, he maintains a positive outlook on life, even joking about becoming a star in the sky if he doesn't get a new heart. The...
Muntik akong mapatalon sa gulat nang biglang bumungad sakin si Star pagkabukas ko ng pinto ng kwarto. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili kong mapasigaw dahil itinaas nito ang hintuturo para i-hush ako.
"May lahi kabang kabute?"
Natawa naman ito sa tanong ko.
"Nabo-bored kasi ako sa kwarto kaya babalik sana ako kay Lola para makipag kwentuhan."
Bumuntong hininga naman ako pagkarinig sa rason niya kung bakit nasa labas siya ng kwarto ng Lola ko.
"I tucked her in. Pagpahingahin mo muna si Lola, paniguradong pagod na din siya sa maghapong pakikipag daldalan sayo," masungit na sagot ko dito bago ko dahan dahang isinara yung pinto ng kwarto.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya hinayaan ko na lamang na dalhin ako ng mga paa ko sa kung saang lupalop. Naramdaman ko naman na naglakad din kasunod ko si Star.
Hindi ko na alam kung anong oras na ngayon. Honestly, I lost track of time and I left my phone inside. Wala pa naman din kasi akong balak na umuwi pa samin since wala pa si Mama para makapalitan ko.
"Anong type mo sa isang lalaki?"
Bigla akong natigilan sa paglalakad nang biglang magsalita ito sa likod ko pero hindi ako lumingon dito.
"A-Ano?"
Nang hindi ito agad sumagot, nagsimula akong maglakad ulit.
"Ako kasi ang type ko sa isang babae yung mabait at maalaga."
Nakagat ko bigla ang ibabang labi ko nang maalala ko bigla ang sinabi ni Lola na bagay daw kami ni Star.
Kaya sa pangalawang pagkakataon, tumigil ako sa paglalakad at humarap dito.
"A-Ano bang sinasabi mo─"
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ko siyang may hawak na pocket book pagharap ko.
Napatigil na din ito sa paglalakad habang nakatapat naman sa mukha niya ang binabasa.
"Ay, sorry, loud reader kasi ako. Na bother ba kita?"
He asked and looked at me innocently.
Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil nakaramdam ako nang pag-init sa magkabilang pisngi.
Nanlaki naman ang mga mata nito atsaka nito isinara ang binabasa para iipit sa kaliwang kilikili.
"Hala, namumula ka!"
Humakbang ito palapit sakin.
"Nilalagnat kaba─"
At nang aktong sasapuin niya ang noo ko, agad akong umatras palayo sa kanya at paulit ulit na umiling.
"W-Wala. H-Hindi ako nilalagnat."
Tumalikod ako at nagpatuloy sa paglalakad. This time, I was walking so fast para hindi na siya makasabay. Narinig ko pa siyang tinatawag ako pero hindi ko na siya nilingon.
But then, I came across a nursery that slowed my walking phase.
Hanggang sa tuluyan na akong tumigil sa isang harap ng malaking salamin at pinagmamasdan ang tila mga anghel na natutulog.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.