Chapter X | A Wild Bloodshed

18 1 0
                                    

Kai's POV

Mabilis kong inikot ang mata ko sa paligid matapos makaramdam ng kakaiba. Habang nagmamasid, humupa din agad ang kakaibang pakiramdam ko.

False alarm lang siguro. Tuluyan ko na nilock ang pinto ng coaster at nag madaling pumunta sa restaurant na kakainan namin. Sakto nang makarating ako ay tumitingin pa lang sila sa menu ng pwede kainin.

"Ang tagal mo naman ata hanapin yang wallet mo? Sakto nahanap mo yan kasi manlilibre si Keith." Natatawang puna ni Aliyah

Napakamot naman ako sa batok ko dahil sa narinig. Buset sayang lang yung pagod ko. I then sat beside Keith and started to check the menu.

Mabilis lang naserve ang pagkain namin and medyo halatang gutom na kaming lahat dahil ang bibilis na namin kumain.

Habang nagsasalin ako ng iced tea, narinig ko ang mahinang reklamo ni Keith. "Ang hirap naman balatan ng hipon na to. Kung nandito lang si Ysa, kanina pa ko tapos."

"Here, have this. Akin na yan." Sabi ni Gabbie sa kanya habang inaabot ang platito na may mga hipon na nabalatan na.

"Okay lang. Kaya ko." Tanggi ni Keith kay Gab.

"No. I insist." Pilit ni Gab at inilapag ang mga hipon sa tapat ni Keith at kinuha ang mga nasa plato nito.

Napa-kibit balikat na lang ako sa ginawa nung dalawa at nagpatuloy na kumain.

--

After eating nag kanya-kanyang buhay muna kami saglit dahil nag bigay ng 30 minutes si Jake sa lahat para mag libot saglit. I had a hunch na hindi for leisure ang dahilan bat niya kami pina-ikot. I know Jake, and he's up to something.

Kaya rather than mag ikot para bumili ng kung ano-ano nag madali ako pumunta sa likod nung stop at nag transform bilang isang maya at nag masid sa himapapawid.

Ayoko man isipin pero alam kong may ibig-sabihin ang naramdaman kong kakaiba kanina.

Kagaya kanina wala naman akong nakita na kahina-hinalang nilalang dito sa stop. Nung sigurado na kong walang threat sa paligid bumalik na ko sa pagiging tao at dumiretso na pabalik sa sasakyan.

Di naman nag tagal ay nakumpleto na din kami at itinuloy ang byahe.

--

Habang binabaybay ang kahabaan ng expressway bigla kaming napahinto dahil sa isang napakalaking pag sabog. Lahat ng sasakyan sa harap namin ay biglang nag banggaan.

The explosion felt very eerie and weird kaya naman Jake immediately made the time stop.

Hinawi ni Aliyah ang mga sasakyan using her ability para makadaan kami. Josh continued driving straight and pag dating namin sa medyo unahan nasa 15 na sasakyan ang umaapoy at mukhang ito ang dahilan nung pag sabog. My eyes wandered sa mga sasakyan to see ilang tao ang nadamay.

"Uhmm guys... You might wanna look straight." Sabi ni Aliyah.

Nang mapatingin ako sa harapan I saw tons of creatures walking towards us. Madaming mga daemons, cyclops, and harpies ang dahan-dahang naglalakad papunta sa direksyon namin. They were led by a guy who was holding a sword as big as him. Behind the guy is a girl with long claws. The girl also has horns and legs of a goat, para siyang satyr.

"Just drive straight. If they attack, we counter." Jake instructed us.

Pinagmasdan ko mabuti ang galaw ng maaring kalaban namin. Malayo pa ang distansya namin sa kanila pero dahan-dahan din kaming umaandar para salubungin sila.

The Fall of AtlasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon