Chapter 7

4 3 0
                                    

Chapter 7

My birthday is over, but I still can't forget Kayden's presence that day. Di ko inaasahan na ihahatid ako pauwi ng lalaking yon.

At sa gabing yon sa lahat ng mga regalo na natanggap ko ay unang binuksan ko talaga ang regalong binigay sa akin ni Kayden. Masyado akong curious sa ibinigay niyang regalo sa akin kaya yun ang unang binuksan ko.

My mouth just dropped when I saw his gift to me. At first glance, I knew it was a very expensive necklace that he gave me. My name is engraved as if he customized it.

Itinabi ko na muna yon dahil di ko rin naman masusuot yon dahil may kwintas na ako na palagi kong suot which is bigay ni Jace. Hindi man gaano ito kamahal katulad na binigay ni Kayden -mas gusto ko pa rin itong suotin ,simple lang at para sa akin maganda na yon sa kahit anong klase pang kwintas.

Kinabukasan naging normal na ulit ang araw ko isinama ako ni Ynna para sa lakad niya. Na-bored lang ako sa pagsama niya dahil nagmukha akong thirdwheel sa naging ka date niya.

Napailing na lang talaga ako na napansin ko paraan ng tingin sa akin ng ka-date ni Ynna na mukhang naiilang. Kaya wala akong choice kundi umalis doon at naghanap ng bakanteng pwesto para hintayin sila para matapos ang date niya.

"Jace!"agad akong napayakap sa kanya nang makita ko siya. Mahigpit ang pagkakayakap ko sa kanya na parang sobrang tagal namin hindi nagkita!

"Grabeng yakap na yan! Miss na miss mo ba ako?"he asked then I nodded.

Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian ko siya ng tipid. Ngumiti din siya sa akin saka niya hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Umupo ka muna! Kasama ko si Ynna ,nasa counter lang para umorder ng makakain!"masiglang sabi ko habang nakahawak pa rin ako sa kamay niya.

"Alright."

Umupo na nga siya kung saan ako nakapwesto. Nilagay niya ang bag niya sa tabi niya saka niya ako nilingon na may ngiti sa aking labi.

"Kumusta ka?"bungad na tanong niya.

"Okay lang naman. Ikaw? mukhang busy ka masyado sa org na sinasalihan mo."I pouted my lips.

"Pasensya na kung ngayon lang ako nagkaooras sayo. "he sighed heavily ,"I'm sorry."

I smiled softly ,"Apology accepted. Masaya ako na nandito ka na! Sobrang miss na miss talaga kita!"and then I suddenly kiss his cheeks!

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya kaya mas lalo kong diniin ang labi ko sa pisngi niya. Di ko talaga mapigilan na halikan siya dahil nangungulila na ako sa kanya ng ilang linggo!

"Ehem!"

Natigil lang ang paghalik ko kay Jace na may narinig akong boses. Napatingin ako doon at nakita ko si Ynna na nasa harapan ko. Nakataas ang kilay at mukhang may panghuhusgang tingin.

Umayos ako ng upo saka ko siya nginitian.

"Nandiyan ka na pala..."I awkwardly smiled as I stared at her.

"Umalis lang ako saglit ,humahalik ka na sa pisngi ni Jace. Miss na miss mo ba?"

Hindi ako sumagot sa kanya bagkus nginitian ko lang siya. Inilapag na niya yung tray na naglalaman ng mga pagkain. Umupo na siya saka siya napatingin kay Jace.

Wild RingWhere stories live. Discover now