Chapter 4

14 6 0
                                    

Chapter 4

Kaya nung dumaan ang hapon ay wala akong choice kundi puntahan ang condo na sinasabi ni Mom. Wala na rin naman ako kawala dahil si Kayden na mismo ang pumunta sa bahay para sabay na kami pumunta doon.

Irita na agad ako nang makita ko si Kayden na nagmamano kay Mommy. Tuwang tuwa naman si Mommy na makita si Kayden ,nagkwentuhan pa silang dalawa saglit kaya iritang irita ako na nakikinig sa pinag uusapan nila.

Nagawa pang makipag kwentuhan kay Mommy.

"Masyado napahaba ang kwentuhan natin hijo ,"she chuckled ,"May lakad pala kayo ng anak ko."

Ngumiti siya at tinapunan niya ako ng tingin. Seryoso niya ako tinignan habang ang mga kamay niya ay nakapamulsa. Nakasuot siya sleeve polo na mas lalo bumagay sa hubog niyang katawan.

Yun na ang huling habilin ni Mom bago niya ako itulak papunta kay Kayden. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya mas lalo akong nairita sa kanya. Umayos ako at nauna na ako maglakad palabas dahil bigla na lang ako nainis sa kanya.

Nakasakay na kaming dalawa sa sasakyan niya at ni isa wala gustong magsalita. Nababanas ako dahil hindi talaga ako kumportable kapag si Kayden ang kasama ko. Para siyang may gustong gawin sa akin ng masama dahil sa paraan ng tingin niya sa akin.

"Masyado kang ilap sa akin ,"pagsisimula ni Kayden habang ang kanyang mata ay nakapokus sa daan ,"Parang may nakakahawa akong sakit na hindi ako pwedeng lapitan."

Irita ko siyang tinignan. Yun talaga ang iniisip niya?

"Ayoko lang magsayang ng laway sayo ,"malamig na sabi ko ,"Hindi ka importante para pag aksayahin ka ng oras."

Nakita ko ang mariin niyang paglingon. Nagkasalubong ang kanyang kilay na parang hindi niya nagustuhan ang aking sinabi. Inangatan ko siya ng kilay kaya narinig ko na lang ang malalim niyang pagbuntong hininga.

"Ano bang nagawa kong mali sayo kung bakit galit na galit ka sa akin?"he asked curiousity while his eyes still looking at me ,"Wala akong naaalalang naging kaaway kita."

So curious na curious siya kung bakit ayaw ko sa kanya?

"Wala kang ginawa sa akin Kayden ,it's just I don't like your personality."

Since first day banas na banas na ako kay Kayden dahil sa pagiging playboy niya sa campus. S'ya ang laman ng usap usapan noon dahil sa pagiging playboy niya na mas lalong kinairita ko. Marami na siyang napaiyak na babae dahil sa pagiging paasa niya at wala man lang siya pakielam kung may nasasaktan siya. Bagkus ginagawa niyang katatawanan at pinapahiya niya pa sa harapan ng maraming tao.

Kaya simula noon hindi ko na siya nagustuhan at mas lalo ayoko na mapalapit sa kanya.

"Should I change my personality so you don't get mad at me?"tanong niya na dahilan ng pagkurap ng mata.

Pinagsasabi niya?

"Hindi mo kailangan baguhin ang nakasanayan mo dahil una sa lahat hindi naman tayo close.."sabi ko saka ko inirapan.

Umiwas na ako ng tingin para tigilan na niya kakadaldal sa akin. Bumuntong hininga siya saka niya tinuon ang atensyon niya sa daan.

Buong oras sa biyahe ay atensyon ko lang ay nasa labas na kung saan tinitingnan ang mga umaandar na mga sasakyan. Ayokong tumitingin sa banda ni Kayden dahil baka kausapin na naman niya ako.

Sumama lang ako dahil sa pabor ni Mommy.

Nakarating din naman agad kami ni Kayden sa condominium na pinuntahan namin. Pagkapark niya pa lang ng sasakyan ay nauna na ako lumabas sa sasakyan. Baka magfeeling gentleman siya kaya mas mabuti ako na ang mauna.

Wild RingWhere stories live. Discover now