Chapter 14
Inabala ko ang sarili ko para sa ibang bagay. Hindi ko na masyadong pinag iisip si Jace sa nagdaang araw kahit na meron pa ako naririnig patungkol sa kanya. Nilalabas ko na lang sa kabilang tenga ang patungkol kay Jace dahil gusto ko na siyang kalimutan pa.
Madalas ko na rin makasabay si Kayden lalo na't kapag breaktime. Hindi naman nagkakalayo yung breaktime ko kaya may oras talaga na sumasabay si Kayden sa akin. Hindi naman kaming dalawa ang parating nagsasabay dahil minsa'y nakikisabay din si Ynna sa'min.
Naging magkaclose na rin si Ynna at Kayden kaya takang taka pa ako kung bakit nagagawa na ni Ynna na hampasin sa braso si Kayden kapag siya ay tumatawa. Humingi pa ako ng pasensya kay Kayden nun sa paghampas sa kanya ni Ynna pero sinabi niyang ayos lang yon.
Napag alaman ko din kasi na mas naging close sila nung panahong nagmumukmok ako sa paghihiwalay namin ni Jace. Sa pagmumukmok ko ,hindi ko na namalayan na naging magkaibigan sila. Sabi pa ni Ynna ay si Kayden ang mismong nakakausap at kadaldalan niya nung nakaraang araw dahil ilang araw din ako hindi pumasok sa klase.
Hindi na ako magtataka kay Ynna dahil ugali niya talaga makipag kaibigan sa kung sino sino.
"What the heck? Sasali ka ng Ms. Intramurals?"paunang bungad sa akin ni Ynna nang makita niya ako. Umupo pa siya sa tapat ko at kuryoso siya na tumingin sa akin.
"Yes ,"I simply said.
Napasimangot siya ,"Bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?"
I crossed my arms before I spoke ,"Absent ka kahapon kaya hindi mo narinig."
Hindi ko naman talaga gusto na sumali sa Ms. Intramurals na 'to dahil una sa lahat ,wala akong experience sa ganito kaya hindi ko alam kung bakit ako pinagdiskitahan ni Sir. Ignacio na sumali sa Ms. Intramurals.
Hindi na rin ako nakaalma dahil yung mga kaklase ko na mismo ang nagpush sa akin para sumali sa Ms. Intramurals. Ako ang napili nilang representative para sa Business Ad department dahil walang naglalakas ng loob na sumali sa pageant na yon na gaganapin dito sa COA.
Kahit hindi ako confident pumayag na rin ako sa gusto nila. Nakikitaan din kasi ako ng potential ni Sir Ignacio kaya lumapit siya sa akin para humingi ng favor.
"I'm excited!"she giggled like a kid ,"Kahit wala pang intramurals nakakasiguro ako mananalo ka na agad!"
"Tse ,manahimik ka nga diyan?"I rolled my eyes ,"Hindi mo nga alam kung kakayanin ko yan eh!"
"Sus ,kaya mo yan! Ikaw pa ba?"pampalubag loob niya habang may ngisi sa kanyang labi ,"Itaas mo ang bandera ng department natin!"
Natawa na lang ako sa kanyang sinabi. Kahit labag sa loob ko ang pagsali ko ay tatanggapin ko na dahil nakakaasa akong may taong susuportahan ako para lumakas ang loob ko. Beside ,maganda na rin 'to dahil excempted na ako sa magiging quiz ni Sir Ignacio kaya hindi na rin masama.
"Eh sino naman yung kapartner mo diyan?"tanong pa ni Ynna.
"Taga kabilang section."
Kumunot ang noo ko ,"Huh? Hindi sumali si Kayden?"
Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. Bakit namang inaasahan niyang sasali si Kayden?
"I don't know ,"I replied ,shrugged my shoulder.
"Pero maganda siguro kung si Kayden na ang kapartner mo. Hindi ka na lugi sa kanya.."natatawang sambit niya kaya napangiwi na lang ako.
Well ,Kayden is a totally handsome—hindi na nakakagulat yon. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya hanggang ngayon kahit na minsa'y may pagkagago siya dahil sa pagpapaiyak niya sa ibang nakakalandian niya.
YOU ARE READING
Wild Ring
Romance[ONGOING] Sienna, comes from a rich family. Since she was born she has no freedom to make decisions for herself. Her parents decide what she can do. But for the first time, she disobeyed her parents to make a decision on her own out of love. But the...