Chapter 2

26 1 0
                                    




Finn's POV



8:00 am pa lang ay pumasok na sa siya sa cafe, bagaman sarado pa din naman sila. 9:00 nag bubukas ang cafe nila.


French cafe inspired ang vibe nang cafe nila. Sosyalin ang dating nang two story cafe nila ngunit pang masa naman ang presyo ng mga pagkain na inioffer nila. Naniniwala siya na hindi kailangang mahal ang isang bagay para ma enjoy mo ang mga bagay na gusto mo.



Nang pinag iisipan pa lang nila ni Evie ang theme nang cafe nila, naisip niya na bakit hindi nila gawing french cafe theme ang gawin nila? Pangarap niyang makarating sila nang France at ma experience ang mga tourist spot at maging ang mga pagkain doon. Ang totoo niyan ay nag iipon siya para matupad nila ang pangarap nilang iyon. Gusto niyang i surprise si Evie sa isang holiday trip sa Paris ngunit hindi niya alam kung kailan iyon matutupad. Sa sobrang busy nila pareho, para bang napaka layo pa nang pangarap na iyon.


Sinabi ni Rodney na mga 8:30 daw ang dating ni Arthur, ang pinsan nito. Ang totoo niyan ay na ku curious siya kung ano ba ang itsura nito. Kilala na niya si Rodney since college at wala pa siya ni isang kamag anak nito ang me meet niya. His parents were both business man. Ang alam niya ay nasa constructuon and real estate ang business ng mga magulang nito. Nag take ito nang business management noong una bago ito nag shift sa culinary. He is four years older than him but still they manage to get along. Kahit na mukha itong bully at bad influence na estudyante. Sa totoo lang, hindi niya akalain na magiging close friends sila nito. Hindi niya akalain na magiging malapit sila nito hanggang ngayon.



Kasalukuyan siyang nag aayos ng mga stock nila sa kusina nang may kumatok sa back door ng kusina. Si Arthur na siguro iyon. Kung isa sa mga empleyado nila iyon ay hindi na naman kakatok pa ang mga iyon.



Huminga muna siya nang  malalim bago binuksan ang pinto. Hindi niya maiwasan ang mapatunganga sa matangkad na lalaking nasa harapan niya ngayon.


Ito na nga kaya si Arthur?



The man smiled and cleared his throat.


"I guess, you are Mr. Finnegan Amoroso?" His deep voice was full of confidence. Nakaka intimidate ang malalim na boses nito taliwas sa ka ayaayang ngiti sa mga labi nito.



"A-Ah...yes. You are Mr. Rocaforth?" He shyly smiled at him. Hindi siya sanay na mag approach ng mga taong bago pa lang niyang nakikilala.


Mas lalong kuminang ang ngiti ng lalaki. His eyes glowed like a diamond. Sparkling and clear like the first dew in the morning.



"Please call me Arthur, Finnegan." Inilahad ng lalaking may killer smile ang kamay nito sa kaniya.


Napangiwi siya sa haba ng pangalan niya. Nahahabaan talaga siya sa pangalan niya.


"Just call me Finn, A-Arthur." Tinanggap niya ang kamay nito. Arthur grip his hand and shook it firmly. His hands warms compared to his cold and sweaty hands. Na conscious tuloy siya kaya agad niyang binawi ang kamay dito.


"I'm sorry. My hands a little sweaty." Pasimpleng ipinunas niya ang kamay sa pantalon niya.


"It's okay. I don't mind." Nakangiting sabi naman ni Arthur.


Bahagya pa silang nagkatitigan nito. Hindi naka ligtas sa kaniya ang bahagyang pag taas ng isang kilay nito habang naka tingin sa kaniya.



Arthur towered him with his over 6 ft height. Nasa 5'8 lang ang height niya kaya naman medyo naiingit siya sa height nito.


Maganda din ang physique ni Arthur. Malapad ang balikat nito at hindi nagawang itago ng puting polo shirt nito ang mga muscles sa braso nito.


I Met Him At Amateur de Cafe (On Hold)Where stories live. Discover now