DALAWA

4.6K 123 2
                                        

ALEXSANDREA




(TWO YEARS AGO...)





Kakatapos lang ng last subject ko ngayong araw, nasa huling taon ako ng pag-aaral sa kursong Business Administration Major in Marketing at kasalukuyang naghahanda para sa ilang buwang internship.




Inaayos ko ang mga gamit ko ng bigla akong tawagin ng isa kong kaklase.



"Rei, tawag ka daw sa office ni Dean." tumango lang ako dito at simpleng ngumiti bilang tugon.



Bakit kaya?





Dali-daling ko naman pinuntahan ang opisina ng Dean. Sa totoo lang, kinakabahan ako ng husto at baka kasi mamaya tungkol sa grades ko at maantala ang internship ko, sayang din may napili pa naman na akong kumpanya kung sakali.





Kumatok ako ng pinto ng marating ko ang tapat ng opisina nito.
Narinig ko naman ang 'come in' mula rito kaya pumasok na ko sa loob at binati ito.




Bumungad sa akin ang isang lalaking moreno na nasa edad singkwenta mahigit na, puti na ang iba nitong buhok at may kalakihan ang katawan. Si Dean Enrico Tualla.




Iminuwestra nito ang kamay sa upuan sa harap mismo ng lamesa niya, agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin kaya umupo na ako.





"Miss David, I want to talk to you about your upcoming internship — "
pakiramdam ko ay butil-butil ang pawis ko habang hinihintay ang sunod niyang sasabihin.





"— and I would like to ask if you already decided on where you want to apply because if not, then I would recommend Al-Go Elite Company. I know someone who could help you if you like."
para naman akong nabunutan ng tinik sa narinig.






"Thank you po.....Sa totoo lang doon ko din po talaga balak mag-apply."
sagot ko.




"That's Good then, I'll call my friend. Maganda ang grades mo kaya naman umaasa ko na di mo 'ko ipapahiya sa kaibigan ko."
nakangiting pahayag niya sa akin.




Nang wala na itong sasabihin ay nagpaalam na ako at lumabas.





Sa totoo lang, sinuwerte ako at nakakuha ng full scholarship kaya naman talagang pinagbubutihan ko ang pag-aaral.
Kung wala kasi ang scholarship na iyon ay sa malamang na hindi ako makapag-kolehiyo.





Tumutuloy ako sa isang boarding house na di kalayuan sa eskwelahang pinapasukan ko at sa lugar kung saan ako nagpa-part time job.







Pinapadalhan naman ako ng pera ng nakatatanda kong kapatid kahit papano, pero ayoko namang i-asa lahat sa kanya ang gastos kaya hanggat maaari ay sinisikap kong gumawa ng paraan para makadiskarte.






Dalawa nalang kaming magkapatid at ako ang bunso. Ang mga magulang naman namin ay parehong nasawi sa aksidente nung kinse anyos ako at nasa bente anyos ang kapatid, kaya naman ito na ang nagsilbing magulang ko.






Ito ang nagtrabaho para saming dalawa simula noon, kaya napilitan itong huminto sa pag-aaral para suportahan ako.
Sa ngayon, nagtatrabaho ito bilang performer sa mga hotels o kaya sa barko.




Nung nabubuhay ang mga magulang namin ay hindi naman talaga kami ganoon kasalat sa buhay. May maliit na negosyo ang aming ama at doktor naman ang aming ina.
Masasabi kong nasa kategoryang middle class kami.






David and Goliath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon