ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 32: ᴀɴɢ ᴘᴀʀᴜsᴀ ᴋᴀʏ ғᴇɴɢʀᴀɴ.

10 2 0
                                    

"Isa ka pa traydor ka pinagtakpan mo ang kataksilan ng babaeng ito, galit na sambit ni Minmin.

"Mga kawal ilayo niyo si Ziwu dito, saad pa niya at ganun na nga ang ginawa ng kanilang mga kawal.

Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang pagpaparusa kay Fengran.

"Ama tama na! Saad ni Ziwu.

Ngunit hindi siya pinakinggan ng kanyang ama.

"Mu Yu ipagpatuloy mo ito wag mo siyang titigilan hangga't walang pahintulot ko, saad ni Minmin.

At ang kanang kamay na nga niya ang nagpatuloy ng parusa hindi nila tigilan ang paghampas kay fengran.

Samantala sa kabilang dako sa kaharian ng langit.

Habang nagyayakapan sila ay biglang nakaramdam ng panghihina at kaba si fengwu kaya napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib.

"Fengwu bakit anong nararamdaman mo, saad ni Yeol.

"Anak anong nangyari sayo, saad ni Suho.

Nag alala rin sina chen sa kanya.

"Si Fengran may nangyayaring masama sa kanya, saad ni Fengwu.

"Yeol iligtas natin ang kapatid ko, saad pa nito.

"Wag kang mag alala ililigtas ko siya mabuti pa halika na sasamahan mo na kita sa ating silid, saad ni Yeol.

Nang paalis na sila ay napansin ni fengwu na naglalabas ng kapangyarihan si Zhihe.

"Inang emperatris! Saad ni Fengwu.

Saka hinarang at nilabas niya rin ang kapangyarihan niya upang labanan si Zhihe.

"Zhihe traydor ka!, saad ni Fengwu.

"Ikaw ang traydor! Saad ni Zhihe.

Hindi na nakakayanan ni Fengwu sapagkat napalakas ng kapangyarihan ni Zhihe at ng mapansin ni yeol na tila nahihirapan na si fengwu ay tinulungan na niya ito, pinalsik niya si Zhihe sa isang iglap lang gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Walang hiya ka Zhihe paano mo ito nagawa sa amin, saad ni Yuemi.

"Zhihe bakit naglinang ka ng kakaibang kapangyarihan ano ba talaga iyong pakay, saad ni Fengwu.

"Wala kang pakialam, saad ni Zhihe.

"Zhihe napakarami mo ng kademonyohang ginawa, una pinagbintangan mo si fengwu, pangalawa pumatay ka ng mga inosenteng imortal hindi kapa nakuntento pati ang mga inosenteng bata dinamay mo, pangatlo ginamit mo si yifan upang pagtangkaan gahasahin si fengwu at panghuli naglinang ka ng kapangyarihan ng demonyo at pinagtangkaan mong saktan si Ina, hindi ko palalampasin ang lahat ng ginawa mo, saad ni Yeol.

"Zhihe totoo ba ang lahat ng sinabi ni Yeol, saad ni Chen.

"Hahaha(laugh like crazy) oo ginawa ko nga lahat ng iyon ano naman ngayon, at hindi ko kailanman pinagsisisihan ang mga ginawa ko Haha(laugh like crazy), saad ni Zhihe.

"Wala kang utang na loob pagkatapos ka namin kupkupin ito pa ang isusukli mo sa lahat ng pagaaruga namin sayo, binigo mo ako Zhihe, saad ni Chen.

"Mga kawal! Dakipin si Zhihe at dalhin siya sa bilanguan, bukas ng umaga ang kanyang magiging kaparusahan, saad pa nito.

At dinala na nga ng mga kawal si Zhihe sa kulungan.

Samantala ay bigla na lamang nawalan ng malay si Fengwu kaya dali dali siyang binuhat ni Yeol at dinala sa kanilang silid, pagkatapos ay nagpatawag sila ng manggagamot.

"Yeol mabuti pa puntahan mo na si Fengran kami na muna ang bahala kay Fengwu, saad ni Yuemi.

"Sasamahan na kita Yeol kailangan ako ng aking anak, saad ni Suho.

"Sige po, saad ni Yeol.

"Mahal ko ikaw na muna ang bahala sa ating anak na si Fengwu, saad ni Suho.

"Sige mahal ko mag iingat ka iligtas mo ating anak, saad ni Songjin.

Hindi nagtagal ay umalis na sila.

Samantala sa Kaharian ng Demonyo ay patuloy pa rin pinaparusahan si Fengran sobrang nanghihina na siya sa dami ng latay niya halos puro dugo na lamang ang makikita mo sa kanyang katawan.

Samantala ay nakarating kay baek ang balita kaya naman pinuntahan niya agad si Fengran, hindi nagtagal ay sa wakas ay nakarating na si Baek at pinatalsik niya si Mu Yu sa isang iglap gamit ang kanyang kapangyarihan.

"Sino ang nagbigay ng karapatan sa inyo na saktan ang aking tagapagmanang prinsesa! Galit na sambit ni Baek.

"Ako bakit anong gagawin mo kalalabanin mo ako, saad ni Minmin

"Napakalupit mo ama! Handa ko kalimutan na ama kita dahil sa ginawa mo, Saad ni Baek.

"Isang kalapastanganan nagagawa mong magtaksil para lang sa babaeng iyan! Saad ni Minmin.

"Anak hindi siya ang tagapagmanan...., saad ni Jiheng.

Tatapusin niya pa sana ang sasabihin niya ng biglang nagsalita si Baek.

"Wala akong pakialam kung si Fengran o Si Fengwu yan kahit anong mangyari siya pa rin ang mahal ko, saad ni Baek.

"Isang kahibangan hindi kailanman maaaring maging tagapagmanang prinsesa ng kaharian ng demonyo ang babaeng iyan, sabat ni Suihe.

"Manahimik ka Suihe pumasok ka sa aking silid ng walang pahintulot, pinagtakaan mong patayin ang babaeng mahal ko kaya ikaw dapat ang pinaparusahan at hindi si Fengran! Galit na sambit ni Baek.

"Tumigil ka sa ayaw at sa gusto mo hindi mo maaaring maging tagapagmanang Prinsesa ang babaeng iyan, saad ni Minmin.

Hindi niy pinakinggan ang kanyang ama at inalalayan niya si fengran nang paalis na sila ay bigla silang ginamitan ng kapangyarihan ni Minmin kaya nanghina si Baek.

"Baek! Sigaw ni Fengran.

"Walang aalis isa pang pagsuway mo sakin mapipilitan akong ikulong ka, saad ni Minmin.

"Halika ka na fengran umalis na tayo dito  saad ni Baek.

Paalis na sana sila ng bigla silang gamitan ulit ni Minmin ng kanyang kapangyarihan at sa kasamaang palad ay hinarang ito ni fengran kaya nawalan siya ng malay hanggang sa uulitin sana ng hari ang ginawa niya ng biglang dumating sina yeol at pinigilan nila ito.

"Sino ang nangialam! Galit na sambit ni Minmin.

"Fengran anak! Saad ni Suho saka nilapitan niya ang kanyang anak.

"Walang hiya ka Minmin anong ginawa mo sa aking anak! Galit na sambit ni Suho.

"Dapat lang yan sapagkat trinaydor mo ako hindi ka tumupad sa usapan, saad ni Minmin.

"Tumupad ako sa usapan Minmin kung ano man ang nangyaring palitan ay wala akong kinalaman doon, ngunit wala ka pa rin karapatan saktan ang aking anak, saad ni Suho.

"Wala akong pakialam, dahil pumasok kayo sa aking kaharian ng walang pahintulot ay sisiguraduhin ko na hindi kayo makakalabas ng buhay dito, saad ni Minmin.

Saka naglaban silang dalawa ni Suho hanggang sa natalo si Minmin.

Destiny Of LoveWhere stories live. Discover now