ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 40

6 1 0
                                    

"Bata palang kasi ako hinangaan ko na si Baek, saad ni Fengwu.

"Huh? Hinangaan? Bakit naman, saad ni Yeol.

"Kasi nga bata pa lang ako kinamuhian na ako ng lahat, demonyo ang tingin nila sakin kaya simula nun sinabi ko sa sarili ko na balang araw pakakasalan ko si Baek at ako ang susunod na reyna ng mga demonyo, patutunayan ko sa kanilang lahat na demonyong tinutukoy nila ay reyna na, tsaka si Baek kasi ang pinakamalakas na prinsipe sa kanilang kaharian kaya sobrang hinangaan ko siya, Kwento ni Fengwu.

"Teka nga bakit naman si Baek pa? Bakit hindi na lang ako, saad ni Yeol.

"Hindi pa kasi kita kilala noon tsaka isa pa sabi nila masama daw ang ugali mo pero ganun pa man ikaw naman daw ang pinakamalakas na prinsipe ng langit, hindi ko na pinangarap na maging asawa ka kasi alam ko naman na hindi mangyayari yun dahil demonyo nga ako, saad ni Fengwu.

"Hindi totoo yan hindi ka demonyo tsaka hindi mo man ako pinangarap na pakasalan, ako pa rin naman ang naging prinsipe mo, saad ni Yeol.

Napangiti naman si Fengwu.

"Sa totoo lang hindi ko talaga akalain na mahuhulog ang loob ko sa isang masungit na prinsipeng kagaya mo, pero mas lalo akong hindi makapaniwala na mamahalin mo ako, saad ni Fengwu.

Nginitian naman siya ni Yeol.

"Hindi ka na ba galit sakin, saad ni Yeol.

"Bakit naman ako magagalit sayo, saad ni Fengwu.

"Kasi nagsinungaling ako sayo sa nangyari sakin kagabi, saad ni Yeol.

Sabay hinalikan siya ni fengwu sa labi.

"Bakit naman ako magagalit sayo, nagalala lang ako na makita kong napakaputla mo ngayon, pero kapag nasinungaling kapa sakin magagalit na talaga ako sayo, saad ni Fengwu.

"Pangako hindi na ako maglilihim sayo, saad ni Yeol.

Napangiti naman si Fengwu.

"Tsaka nga pala bakit may gamit ka sa silid na ito, saad ni Yeol.

"Ito kasi ang dati kong silid, saad ni Fengwu.

"Hah?! Teka nga wag mong sabihin dito ka rin kinukulong noon, saad ni Yeol.

Tumango naman si Fengwu.

"Pero ayos lang kinalimutan ko naman na ang lahat ng madidilim kong nakaraan, saad ni Fengwu.

Hinawakan naman ni Yeol ang mga kamay niya.

"Di bale pangako hindi mo na kailan man mararanasan ang lahat ng nangyari sayo noon, gagawin ko ang lahat para protektahan ka, saad ni Yeol.

Napangiti naman si Fengwu.

Saka ininom na ni Yeol ang gamot na binigay sa kanya ni fengwu pagkatapos ay lumabas na sila upang maglibot libot sa buong kaharian.

Samantala sila Fengran at Baek ay namasyal din sa labas ng kaharian habang sila Yuemi at Kai ay nagtungo naman sa lugar kung saan lagi tumatambay sila Fengwu at Kai noon.

"Ang ganda naman dito, saad ni Yuemi.

"Dito kami lagi tumatambay nina Fengwu nung mga bata pa kami, saad ni Kai.

Napatango naman si Yuemi.

Hanggang sa tinititigan siya ni Kai.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin may dumi ba ako sa mukha, saad ni Yuemi.

"Wala naman may naalala lang kasi ako, saad ni Kai.

"Ano yun? Tanong ni Yuemi.

"May isa kasing prinsesa na umamin sakin ng nararamdaman niya, saad ni Kai.

"Huh? Nasambit na lamang ni Yuemi.

"Di ko lang alam kung tanda niya pa yung sinabi niya sakin nung naging maliit na ahas ako, saad ni Kai.

At nagulat naman si Yuemi dahil alam niyang siya ang tinutukoy ni Kai.

Flashback:

"Alam mo sa dami ng nanligaw sakin dito sa aming kaharian sa isang demonyong prinsipeng dragon lang pala ako mahuhulog, nung unang beses na niligtas niya ako at nagkita kami nahulog agad ang loob ko sa kanya, kaya lang natatakot ako na umamin sa kanya dahil baka tanggihan niya ang pag ibig ko hayy, saad ni Yuemi.

Habang hinihimas himas niya ang maliit na ahas na hawak niya.

End of Flashback.

Sabay tinitigan naman ulit ni Kai si Yuemi.

"Bakit ganyan ka makatingin sakin parang may sinasabi yang mga mata mo, saad ni Yuemi.

Napangiti naman si Kai.

"Sa tingin mo anong sinasabi ng mga mata ko, saad ni Kai.

"Hah? Ah-- eh-- ewan ko hindi ko alam, saad ni Yuemi.

"MAHAL KITA yan ang sinasabi ng mga mata at puso ko, saad ni Kai.

At nagulat naman si Yuemi sa sinambit nito.

Sabay hinawakan ni kai ang mga kamay niya.

"Yuemi payag ka ba na maging prinsesa ko, saad ni Kai.

"Hah? Anong ibig mong sabihin, saad ni Yuemi.

"Gusto kitang pakasalan, gusto kitang makasama habang buhay pumapayag ka ba, saad ni Kai.

"Seryoso ka ba dyan, saad ni Yuemi.

"Oo seryoso ako isumpa man ako ng langit, saad ni Kai.

Napangiti naman si Yuemi.

"Oo ba ang ibig sabihin nyan, saad ni Kai.

Ngumiti lang ulit si Yuemi saka binuhat siya ni Kai at pinaikot ikot sa ire.

"Kai ano ba ibaba mo ako, saad ni Yuemi.

Saka binaba na nga siya ni Kai.

"Mahal kita Yuemi, saad ni Kai.

"Mahal din kita Kai, saad ni Yuemi.

Saka hinalikan siya ni kai sa labi.

Samantala ay napadaan doon sila Yeol at Fengwu at nakita nila sila Kai at Yuemi kaya naman ginulo nila ito.

"Ehem! Sabay na sambit nina Yeol at Fengwu na tila nang aasar.

Napahinto naman sila Kai at Yuemi sa paghahalikan.

"Pasensya na wala kaming nakita ituloy niyo lang yan, sige ah paalam hehe, pang asar ni Yeol.

Saka hinawakan ni yeol ang kamay ni Fengwu at umalis sila habang natatawanan silang dalawa.

"Kayong dalawa... Hoy bumalik kayo dito! Saad ni Kai.

Sabay sinundan naman sila ni Kai at sumunod din si Yuemi sa kanila.

Samantala nagtago sila Yeol sa puno upang taguan sila Kai ngunit hindi nila alam ay nakita na sila nito.

"Boh!! Huli kayo, saad ni Kai.

Sabay nagtago naman si Fengwu sa likod ni Yeol.

"Pasensya na kuya kai napadaan lang naman kami doon e tsaka hindi naman namin alam na may ginagawa pala kayo doon hehe, pabirong sambit ni Fengwu.

"Kaya nga malay ba naman namin diba, pabirong sambit ni Yeol.

Sabay natawa naman silang dalawa ni Fengwu.

"Kayo talagang dalawa sarap niyong pagbuhulin, saad ni Yuemi.

"Yieee hehe, pang asar ni Fengwu.

Samantala si yeol ay natatawa na lang.

"Hay tama na nga yan mabuti pa tara na sabay sabay na tayo mamasyal, saad ni Kai.

"Mabuti pa nga, saad ni Yeol.

At ganun na nga ang ginawa nilang apat.

Destiny Of LoveWhere stories live. Discover now