ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 42: ᴍᴜʟɪɴɢ ᴅɪɢᴍᴀᴀɴ sᴀ ᴘᴀɢɪᴛᴀɴ ɴɢ ᴍɢᴀ ɪᴍᴍᴏʀᴛᴀʟ ᴀᴛ ᴅᴇᴍᴏɴʏᴏ

8 1 0
                                    

Napatango na lang si Fengwu.

"Ano bang nangyayare dito? Tanong ni Fengwu.

"Nagpupulong po sila prinsipe Yeol sa punong bulwagan dahil sa mga nangyayari dito, ang ilan po kasi sa mga imortal na nakatira dito ay tila nawawala sa kanilang mga sarili, saad ni Yifan.

Hanggang sa dumating si Yeol at yumuko naman sa kanya sila Yifan.

"Yeol tapos na ba kayo magpulong, saad ni Fengwu.

"Oo napagusapan namin na maglalagay na kami ng pananggalang sa buong kaharian ng sa ganun ay wala ng makapasok na kalaban dito, saad ni Yeol.

Napatango na lamang si Fengwu.

Samantala sa Kaharian ng Demonyo:

"Inuubos talaga ng mga imortal ang pasensya ko! Galit na sambit ni Minmin.

"Mu Yu! Ihanda mo ang ating hukbo panahon na ng madugong digmaan, saad ni Minmin.

"Masusunod po mahal na hari, saad ni Mu Yu

At yumuko muna siya pagkatapos ay sumunod na siya dito.

"Mahal ko nakikiusap ako sayo itigil mo na ito, saad ni Jiheng.

"Manahimik ka! Kung ayaw mong sumama sakin sa digmaan pwes maiwan ka dito, saad ni Minmin.

Saka naghanda na siya.

Samantala sa Kaharian ng Bulaklak:

Habang abala sina Baek sa kanilang pagsasanay ay bigla naman dumating si Dylan.

"Kamahalan! Kamahalan! Sigaw ni Dylan.

"Bakit may problema ba, saad ni Baek.

"Ang iyong ama kasama ang buong hukbo ng mga demonyo ay nasa labas ng kaharian, saad ni Dylan.

"Itinuloy talaga ni ama ang pagpapalaganap niya ng Digmaan, saad ni Baek.

"Kung ganun kailangan na natin maghanda, saad ni Fengran.

"Dylan tulungan mo si Yuze na ihanda ang ating hukbo, saad pa nito.

"Isama mo rin ang ibang kawal natin na hanggang ngayon ay tapat sa akin, saad ni Baek.

"Masusunod po mga kamahalan, saad ni Dylan.

Saka yumuko muna siya bago umalis.

Habang sila Baek at Fengran ay naghanda na rin.

Samantala sa Kaharian ng Langit:

"Kamahalan! Kamahalan! Sigaw ni Lay.

"Bakit? Tanong ni Yeol.

"Nasa labas po ng kaharian si Minmin kasama ang kanyang hukbo, saad ni Lay.

"Kung ganun ihanda niyo ni yifan ang ating hukbo lalaban tayo, saad ni Yeol.

"Masusunod po kamahalan, saad ni Lay.

Saka yumuko siya pagkatapos ay umalis na siya.

"Nakahanda na rin sila Kai, biglang saad ni Yuemi.

Napatango na lamang si Yeol.

'Mabuti pa maghanda na tayo, saad ni Fengwu.

At ganun na nga ang ginawa nila.

Hindi nagtagal ay nakarating na sila.

Unang dumating sila Kai at Yeol.

"Yeol mabuti naman at dumating ka na akala ko ay habang buhay na kayo magtatago sa iyong mga lungga, saad ni Minmin.

"Wala sa bokabolaryo ko ang magtago, saad ni Yeol.

"Sa bagay hindi na ako magtataka kung bakit ang lakas ng loob mo ngayon dahil nakuha mo ang tiwala ni prinsipeng dragon, saad ni Minmin.

Hanggang sa dumating na sila Baek.

"Ama hindi lang tiwala ni prinseng dragon ang ang nakuha niya, saad ni Baek.

"Isa kang suwail pagkatapos mo akong traydurin may lakas ka pa ng loob na tawagin akong ama , saad ni Minmin.

"Ama hindi pagtatraydor ang ginawa ni baek! Tama lang ang naging desisyon, sabat ni Sehun.

"Isa ka pa sehun pagkatapos kitang kupkupin at alagaan ito pa ang igagante mo sakin, nakalimutan mo na ba si Kai ang pumatay sa iyong ina, saad ni Minmin.

"Nagkakamali ka ama hindi si Kuya Kai ang pumatay sa aking ina, ibinaling ko lamang sa kanya ang galit ko ngunit nais ko lamang malaman mo na ang aking ina ay nagmula sa kaharian ng langit kaya ang mga imortal ay hindi ko kailanman magiging kaaway, saad ni Sehun.

"Isang kalapastanganan! Saad ni Minmin.

"Tignan mo nga naman ang dati mong kakampi maging ang sarili mong anak ay tinalikuran ka na, kaya kung ako sayo umatras ka na lang dahil wala lang laban, saad ni Yeol.

"Yan ang akala mo, saad ni Minmin.

"Mu Yu! Saad pa niya.

Saka pinakawalan ni Mu Yu ang mga halimaw na nakakulong sa kawalan(Abyss)

"Talagang napaghandaan ni ama ang paglusob dito, mababangis ang mga halimaw na iyan, saad ni Baek.

Sabay lumusob na sila yeol at nilabanan nila ang mga halimaw at ganun sila Kai at Sehun pati na rin sila baek.

Habang nakikipaglaban sila ay napapansin nila na tila hindi namamatay ang mga halimaw.

"Tila hindi sila tinatablan, saad ni Fengran.

"Hindi talaga sila tatablan dahil kontrolado sila ni Mu Yu, saad ni Baek.

"Kung ganun harapin niyo ang mga halimaw ako ng bahala kay Mu Yu, saad ni Fengwu.

Saka pinuntahan ni Fengwu si Mu Yu.

"Fengwu! Sigaw ni Yeol.

"Susundan ko si Fengwu, saad ni Yuemi.

At sinundan na niya nga ito saka hinarap nila si Mu Yu habang sila Yeol ay pinagpatuloy ang pakikipaglaban.

Samantala ng mapuntahan na nila si Mu Yu ay inalaban nila ito hindi nagtagal ay sa wakas natalo nila si Mu Yu kaya naman natigil na din ang pagsisilabasan ng mga halimaw, ngunit sa hindi inaasahan pagkakataon may isa pa palang patibong si minmin, gamit ang kanyang kapangyarihan ay kinulong niya si Fengwu at dahil magkalapit lamang silang dalawa ni Yuemi ay nasama rin siya sa pagkakakulong.

"Fengwu! Ate! Sigaw ni Yeol.

Samantala sa loob ng kalasag kung saan nakulong sila fengwu.

Sinubukan nila gamitin ang kapangyarihan nila.

"Tila hindi gumagana ang ating mga kapangyarihan dito, saad ni Fengwu.

"Oo nga, saad ni Yuemi.

Sabay nag isip naman ng paraan si Yuemi.

"Fengwu iligtas muna ang sarili mo, saad ni Yuemi.

"Anong ibig mong sabihin ate, saad ni Fengwu.

Ginamit ni Yuemi ang kapangyarihan niya upang pwersahin na palabasin si fengwu, hindi nagtagal ay sa wakas nailabas niya na si fengwu habang siya ay nakakulong pa rin.

"Ate Yuemi! Sigaw ni Fengwu.

"Umalis ka na fengwu takbo na! Saad ni Yuemi.

At wala ng nagawa pa si fengwu kundi ang sumunod kay yuemi kahit na ayaw niya ito iwan.

"Fengwu ayos ka lang, saad ni Yeol.

"Si ate yuemi iligtas natin siya, saad ni Fengwu.

"Ako ng bahala kay Yuemi, saad ni Kai.

Saka pinuntahan na niya si Yuemi.

"Kai sandali! Kapag pinilit mong wasakin yan maari kang mamatay, saad ni Baek.

Ngunit hindi siya pinakinggan ni Kai at ginawa niya pa rin ang balak niya upang iligtas ang babaeng mahal niya.

Destiny Of LoveWhere stories live. Discover now