Prologue
*Time check*
11:55 am
"Oy, 5 minutes na lang!"
Palihim na hiyaw ni Francine habang patagong binuksan ang cellphone sa loob ng klase.
"Tagal naman ni sir." Naiinis na bulong ni Farrah sabay kamot sa ulo habang nakapalumbaba sa lamisa. Humarap ito sa harapan at saka inirapan ang teacher na hindi pa rin tapos magsalita sa harap.
"Civil, alam niyo na naman kung anong mga report ninyo, nag eexpect ako na may gawa na kayong ppt para sa reporting niyo. Make sure na sa midterm eh ready na ha?"
Paulit ulit na paalala ng teacher sa kanyang mga estudyante. Nagsipagsang-ayon naman ang lahat saka kanya kanyang nagsipagtayo.
"Oh sinong cleaners natin ngayon?" Tanong ng teacher sa mga estudyanteng ang tinutukoy ay ang mga late sa klase.
Nagsingisihan ang ilan saka sabay sabay nagsipagsigaw ng iba't ibang pangalan.
"Si Escondo sir!"
"Sir si Renz!"
"Sila Bernabe!"
"Sir kami pa lang nong nakaraan eh!" Maktol ng isa ng marinig na naman niya ang pangalan.
Tumawa naman ang guro saka napailing na lang sa kakulitan ng klase. Kinuha niya ang mga index card na laging dala saka ito binalasa.
"Bunot na lang ng tatlong alay ngayon." Natutuwang wika nito saka isa isang bumunot at tinawag ang pangalan ng tatlo.
"Maulawin, Manalo, at Descallar." Tawag sa apelyido ng mga alay para sa tanghaling iyon.
Napabusangot si Farrah at nagdadabog na ibinaba ang bag sa mesa.
"Malas naman, lagi na lang natatawag sa cleaners eh. Dapat pala umuna na tayo kanina tang*na." Wika nito.
Maging si Deborah na isa din sa mga natawag ay nakasimangot na din.
"Go debs kaya niyo na yan, hintayin na lang namin kayo sa labas HAHAHA!" Nanunuyang asar ni Francine sa dalawa na tinawanan na lang din ni Renalyn.
"San tayo kakain?" Tanong ni Renalyn ng makalabas sa classroom ang dalawa.
"Ewan, sa Five Star na lang ulit." Sagot ni Francine na hawak na ang cellphone at naghahanap na naman ng bagong mababasa.
"Magkakapakpak na talaga ako nito, puro manok na lang ulam." Reklamo ni Renalyn na tinawanan na lang din ng isa.
YOU ARE READING
THE FAILURES
General Fiction"Hala, may gagawin na naman! Gagawa na ba tayo?" "Tanga ka ba? Malayo pa ang deadline, anong gagawin natin sa susunod na araw kung gagawin na natin yan ngayon?" Ps: This is NOT love story, about po ito sa college life ng mga tinaguriang "Mga Babags...