Chapter 1 (Vacation)
7: 46 am
Cine's POV
Ako lang ba? Yong natutuwa sa online class kasi na nagagawa kong magbasa ng wattpad, manhwa at manga habang nasa klase?
HAHAHAHA!
Minsan nga eh pinagsasabay ko pa ang panonood ng anime habang nag eexam.
Oo na, ako na dakilang pabaya sa pag-aaral. So what? Ang importante naman eh pasado pa rin ako at di napapabayaan ang mga babasahin ko.
Kaya simula ata noong gumraduate ako ng senior high at naging 1st year student, wala pa rin ako natutunan.
Pero wala pa rin akong pake.
Bakit ba? Yong mga binabasa at mga susunod ko pang babasahin ang priority ko eh.
Pangarap kong bumuo ng sariling mundo kesa magtrabaho no hmmp!
Btw I'm Francine Periña, kilala sa mga pangalang ancine, ansay, pasingyaw, pransay at cine. Incoming 2nd year college dahil kahit papano eh pumasa, 19 years old.
So ano na? Nadedepress na ko dahil wala na kong mabasa. Bakasyon ngayon at nalalapit na ang pasukan kaya sinusulit ko na ang pagbabasa.
"Ano ancine? Wala ng balak bumangon dyan? Anong oras na? Galing na ko sa bayan at nakauwi't lahat eh hindi pa rin kayo nabangon ni kyla?"
Iritableng bungad sakin ni ate matapos buksan ang pinto ng kwarto.
Tinignan ko siya habang hawak ang cellphone saka walang salita na bumangon. Bahala siya sa sasabihin niya, tinatamad ako sumagot.
"Lagi na lang ganyan eh, kung hindi pa sasabihan eh hindi pa babangon. Tignan mo ang dumi dine sa bahay, akala mo eh may mga katulong eh. Mga señorita ga kayo at ang gusto eh lalamon na lang?"
Dagdag pa nito habang naglalakad papuntang kusina. Aayusin ata yong mga pinamili niya sa bayan.
Napabusangot naman ako habang nakikinig sa kanya. Umagang umaga eh tsk tsk.
Yon ang ate ko, Si Michele or Che na lang. Siya ang panganay saming pitong magkakapatid.
At meron naman siyang dalawang anak, si Kyle na mas kilala sa kyla at si Zoe na mas kilala sa owe or owits.
"Si mommy ang ingay!" Reklamo ni kyla saka nagtalukbong ng kumot.
"Ako kyla tigil-tigilan mo ha? Kung ayaw niyong bumangon niyan wag kayo lalamon!" Sagot ng ina mula sa kusina.
Napailing na lang ako saka walang imik na naglakad sa kusina. Kelangan ko na magsaing. Baka lalong lumala init ng ulo ni ate kapag di pa ko gumalaw.
Mamaya na lang siguro ako magbabasa ulit.
...
2:34 pm
Search for 'Anime Isekai Recommendation'
So ito ako ngayon, busy sa paghahanap ng bagong papanoorin kahit di ko pa tapos ang mga stories na dapat basahin huhuhu.
Nabobored ako sa pagbabasa kaya manonood muna ako. Nalalapit na ang pasukan kaya dapat sulitin na. Ilang days na lang.
"Tita, ilista mo na daw yong mga gamit na papabili mo gawa bukas daw eh mamimili na si mommy." Turan ni kyle habang na kaupo sa sofa.
"Kasama na ga yong black shoes?" Tanong ko saka naghanap ng papel at ballpen panlista.
"Mommy kung kasama daw yong black shoes?" Tanong nito sa ina.
"Hindi, isasama ko kayo next week para kayo mamili ng sapatos na gusto niyo." Rinig kong sagot ng ina.
So ano ga mga kailangan ko? Hmmm.
4 notebooks
2 ballpen (black)
2 pencil
2 pad yellow paper
2 pck bond paper (long & short)Okay na ga to? Kahit naman 2nd year college na ko eh hindi ko naman alam kung ano dapat mga dadalhin eh. Bahala na.
"Oh, yan na yong akin."
Inabot ko kay kyle yong listahan para maisabay na pati yong kanila.
"Ito na lahat? Baka may ipapasabay ka pa, isabay mo na."
"Wala na, okay na yan."
Bumalik na ulit ako sa paghahanap ng mapapanood dahil nabobored na talaga ako.
...
12:10 am
So ito ako ngayon, nagfefeeling author at nag-uupdate ng story hehe.
Wala lang, ngayon lang ako sinipag mag-update.
Anong story? Edi Just His Wife.
Naisipan ko lang to isulat gawa sa imagination ko na naman. Lagi na lang.
Nasa mood kasi ako magdrama kaya damay damay na. Sana lang may magbasa hehe.
Di naman masyadong kagandahan tong story, alangan di naman ako pro tsaka first time ko kaya yae na.
'Publish'
Matapos ko maupdate ang chapter 12 napangiti ako hehehe. Yieeeeee wala lang. Bakit ga, sa feeling author ako eh.
Ano na balak ko ngayon? Tutulog o magbabasa? Syempre magbabasa masyadong pang maaga. Di naman ako 'good girl' para matulog ng maaga mwahahaha.
At anong babasahin? Edi He's into Her. Pantatlong beses ko na tong ireread. Di kasi nakakasawa.
Feeling ko kapag nireread ko ulit siya ibang story na ulit kaya di ako nagsasawa. Di ko lang alam kung ganon din sa iba.
Trip na trip ko na din kasi yong name ni Max. Lakas makabrusko hahaha.
So ito na naman ako, nababaliw. Para sakin naman eh normal naman yon sa mga mahilig magbasa lalo na kapag masyado na kaming nadadala ng mga binabasa namin.
Oo, normal lang mabaliw kaya ipagpapatuloy ko lang to at pagbubutihin pa. Pffft HAHAHA!
Dahil sa kabaliwan, inaantok na tuloy ako. 'No ga yan.
...
LAST WEEK NA NG BAKASYON!!!!
Inang, ayoko pa magpasukan. Di pa ko ready.
"Tita pili ka na daw ng shoes na gusto mo, magsusukat na din ako." Ani ni kyle saka naghanap na din ng black shoes.
Nandito kami ngayon sa bayan, naghahanap ng black shoes para sa school. Ewan ko ba, samantalang wala pa nga ako uniform.
Pumasok din kami sa di ko alam na store, basta maraming sapatos na nakadisplay.
Nag-ikot ikot ako habang naghahanap ng magugustuhan.
Flat kasi hinahanap ko, tapos simple lang. Yong ganon ba, basta yon.
Tapos kapag may nahahanap ako na flat di ko naman magustuhan. Kapag may nagugustuhan naman ako na design, may takong naman. Huta, ang hirap maging babae.
"Tita tamo ang ganda."
Nakangiting sabi ni kyle habang bitbit ang sapatos papunta sakin.
"Kasya sayo? Sa laki ng paa mo?" Nang-aasar na sabi ko saka tinignan ang itsura ng sapatos.
'Ampanget'
Bleeeeh ansama, masyadong matulis yong dulo tas parang 1½ inch ang taas. Di ko bet.
"Maganda?"
"Hindi, palitan mo." Sagot ko saka lumapit kay ate dahil wala ako mapili.
"Asan ang sayo?" Tanong niya matapos makitang wala akong dala.
"Eh wala ako mapili eh sa iba na lang ako magtitingin."
"Bahala ka."
So ayon, hanggang sa makauwi kami wala akong napiling sapatos. Ansasama kasi, di ko talaga gusto.
Buti na lang pwedeng nakacivilian lang kami dahil magpapasukan pa lang naman.
YOU ARE READING
THE FAILURES
General Fiction"Hala, may gagawin na naman! Gagawa na ba tayo?" "Tanga ka ba? Malayo pa ang deadline, anong gagawin natin sa susunod na araw kung gagawin na natin yan ngayon?" Ps: This is NOT love story, about po ito sa college life ng mga tinaguriang "Mga Babags...