Habang tumatagal, mas padami rin ng padami ang mga kabataang nahihilig sa pagsusulat. I guess dahil na rin ito sa katotohanang dumadami na rin ngayon ang mga online writing sites. Katulad na lang dito sa wattpad. Milyon milyon ang writers dito - mapapinay man o foreigner, pero unti lang ang mga sumisikat. But the thing is, hindi rin naman lahat ng wattpad writers na sumisikat, eh talagang magaling.
Base from my observation as a reader, mangilan-ngilan lang naman ang talagang magagaling among those famous writers here. Mostly, yung ibang magagaling, hindi sila sikat. Yung iba may potential sana, kaso hindi naho-hone yung writing talent nila kasi walang masyadong sumusuporta sa kanila. Sa mga ganitong tipo ng writer, here's what I can advise you:
Hindi sukatan ng pagiging magaling na writer ang kasikatan. Just continue writing, because through this, doon mag-iimprove ang talent ninyo sa pagsusulat. It's not about the number of reads, votes, and comments. It's all about the quality of the reviews or feedbacks on your work/story.
I admit that before, hindi ganito yung pag-iisip ko. Madali akong madisappoint kapag walang nagvovote or comment sa story ko, pero lately, I don't know - it's like something had just reminded me of my reason for being here in wattpad, and that is to improve my writing skills. So anyway, here are just some tips for effective writing base from my observation as a reader and own experience as a writer. These tips apply both for beginners and for those 'already famous' writers.
1. Find out your genre. Hindi naman masamang i-explore ang lahat ng genre, pero dapat meron kang concentration. Kung komedyante ka, malamang sa Humor genre ka dapat mag-concentrate. Pero kung maraming nagsasabi sayong korni ka, then I would advise na wag ito ang gawin mong concentration. Eto yung reason kung bakit hindi ako nagsusulat ng Humor story. Lol. Korni daw kasi ako sabi ng mga kaibigan ko. (Sweet naman. Haha...) Anyway, ayun nga. Pero tinatry ko namang iexplore yung iba pang genre, like horror. Soon, baka gumawa rin ako ng fantasy, pero sa ngayon, Romance talaga yung concentration ko.
2. Have both an idea and plot. Base from my own experience, hindi enough ang idea para simulan mong isulat ang isang story. At least maski dapat sa isip mo, may plot ka. Kapag kasi wala kang plot, there's a big tendency na dumating yung time na hindi mo na matapos yung story mo kasi hindi mo na alam ang isusunod mo. This is one of the biggest mistakes that I've done in writing. Marami na akong na-delete na story ko dahil sa hindi ko na alam kung pa'no sila susundan. So there... For my opinion, importante talagang may plot ka bago mo simulan ang isang story.
3. Create a unique title. Ito ang pinaka-unang pinagbabasehan ng mga readers kung babasahin ba nila ang isang story o hindi, kaya kelangan nito ng matinding brain storming. Sa panahon ngayon, hindi na advisable na maglagay ng words na casanova, princess, nerd, and the likes sa title ng isang story. Kung mapapansin kasi ninyo, masyado na itong trending ngayon. Mas maganda at magiging catchy sa readers kung unique ang title ng story ninyo. Hindi ako magaling pagdating dito kaya ibibigay ko na lang na sample sina Kuya_Soju, multiplepsycho, at HYSTG. Medyo marami rin akong idol na writer dito sa wattpad, pero sila talaga yung masasabi kong may unique talent pagdating sa paggawa ng title. Gusto ko yung creativity nila pagdating sa component na ito ng pagsusulat. Kung gusto ninyong malaman kung anong tinutukoy ko, visit ninyo yung profile nila at tignan nyo yung titles ng lahat ng story nila.
4. Make your description catchy. Katulad nung sa title, kelangan catchy din yung description ninyo, kasi after tignan ng isang reader ang title ng isang story, eto ang susunod nilang babasahin, kaya dapat sa writing component na ito, makita na ng reader ang uniqueness ng story. Wag nyo rin naman sobrang habaan na yung tipong mabobore na yung reader na ipagpatuloy ang pagbabasa nito, and it would end up him/her looking for another story. Isa pa, though sinabi kong kelangang dito pa lang ay maipakita na ang uniqueness ng story, eh iispoil mo na rin yung kwento at pati yung twist eh icocompromise mo na. Maaari mo itong tapusin sa pamamagitan ng isang tanong. Kunwari ganito: Nasa gitna ng kakahuyan sina Nobita at Doraemon nang bigla silang mag-away. Nang dahil dito, nagpasya si Nobita na mag-walk-out. Nang medyo nakakalayo-layo na sya, natagpuan nya ang sarili nyang nawawala sa gitna ng kakahuyan. Isisigaw nya kaya ang pangalan ni Doraemon o patuloy na magmamatigas nang dahil sa pride nya? Yung mga tipong ganun ba.