Chapter 3

279 6 0
                                    

"Jaxtyn Martinez."


Napaangat ang tingin ko kay Lyn. Nandito kami ngayon sa isang ramen house sa UP Town Center. Nag-aya kasi siyang magshopping ngayon since wala na kaming klase sa hapon. Sakto nga eh kasi I want to buy some books since natapos ko na yung binabasa ko sa bahay. Kaso kelangan kong bumalik agad ng univ kasi may org meeting pa ako.


"Sino yun?" Tanong ko habang hinihigop yung soup ng ramen ko.


"The photo I sent you last night! His name is Jaxtyn Martinez!"


Nasamid ako bigla kaya napaubo ako sa sinabi sa akin ni Lyn. Kinuha agad niya flask ko sa bag and gave it to me. I slowly drank water hanggang sa maubos yun. Hindi pa nagp-process ng maayos utak ko. Napasapo ako ng noo nang maalala ko yun. I totally forgot that photo!


Naalala ko bigla ang mga kahihiyang nagawa ko. Fucking shit! Hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya kasi inalagaan niya pa ako, a total stranger or maawa ako sa sarili ko kasi ang daming kahihiyan ang nagawa ko in just one night. I unconsciously touched my forehead at napatakip ng mukha. Putangina!


"How did you find him?" Kunot noong tanong ko sa kanya nang tanggalin ko pagkakatakip sa mukha ko. Minsan talaga 'tong si Brooklyn aakalain mong private investigator sa dami ng natutuklasan at nalalaman eh.


"Common friend lang. Meghan is from Ateneo before, diba? I think their batch mates back then, I'm not sure." sagot niya kaya napatango ako.


"I gave him your name, by the way, and your social media accounts kasi he messaged me last night, asking for your name."


"Brooklyn!" galit na sigaw ko kaya napatingin sa amin yung ibang customers. "What the fuck!"


"Girl, chill." Natatawang sagot niya. I scowled and rolled my eyes. Nahihiya na nga ako sa mga nagawa ko nung gabing yun dadagdagan niya pa. "Did he messaged you?"


Bigla kong napaisip dun. Oh fuck! Kagabi kasi after ko makita yung picture na yun, my brother came home, knocking on my door. Inaya niya ako maglaro ng ps4 since wala daw siyang klase bukas and para makapagbonding kami. I left my phone on my study table. After namin maglaro, dumeretso agad ako ng tulog kasi maaga nga classes ko for this day. My notifications are always off, kaya calls and text messages lang narereceive ko.


Agad kong kinuha phone ko mula sa bag and opened my Messenger, Twitter, and Instagram. Napakunot yung noon ko kasi wala namang message sa akin. Naalala ko may Telegram nga pala ako kaya agad kong inopen yun.


From: Jax Martinez

You forgot your watch.


Nanlaki mata ko 'don. Ampucha, 10PM siya nagchat tapos ngayon ko lang sineen. I left him on sent for almost 12 hours! Baka 'di ko na makuha watch ko! Oh my god! Nakakahiya ka talaga Angel Quinn Cifer!


"Can I see?" Brooklyn went beside me, not waiting for my answer. Napakunot siya ng noo at tinignan ako. "What are you waiting for? Magreply ka na."

The Devil's Daughter: Daddy's Little AngelOnde histórias criam vida. Descubra agora