CHAPTER 12

139 3 2
                                    

FRAINCHIN GUAVARA P.O.V;

*****

isang linggo na mula ng lumayas ako Sa bulok na Mansion ni señorito

Kasalukuyan akong nasa kwarto habang hawak hawak ang maliit na picture frame nina mama at papa

“Hi mama,papa alam niyo po? Sobrang saya ko kase naiurong na yung kaso ni kuya,hindi konga alam Kung sinong guardian angel yung ipinadala ni lord para tulungan si kuya, at alam niyo po ba? Lumayas na'ko dun sa bulok na Mansion ni Señorito, eh kase naman balak niya siguro akong patàyin, diba ang sama niya?, pero hindi naman ako takot Kay kamatayan kase gusto kona kayong makasama, ang Kaso lang...si kuya Kase ayaw ko siyang maiwan

“Frainchin...?” pagtawag sa'kin ni kuya mula sa labas ng pinto ng kwarto ko

Ano ba naman ‘yan kinakausap kopa sina mama at paoa eh!

Inilapag ko ang maliit na picture frame nina mama at papa sa ibabaw ng maliit na Cabinet bago kopa man pagbuksan ng pinto si kuya

“hmm kuya?”

“may bibilhin lang si kuya...naubos na kase Yung stock natin sa ref”

“edi bumili ka! Kuya naman eh..ang ganda ganda ng moment namin habang magkausap istorbo ka Talaga!”

“nagwo-worried lang ako baka Kase mamaya hanapin mo'ko”

Alam kong OA si kuya pero sa mga inasta niya parang wala na din siyang pinagkaiba kay anzxiuz hayst!

Ngumisi nalang ako saka mahinang hinampas ang Braso nito

“Chin may kumakatok, tignan monga baka maniningil ko na naman ‘yun”

“kuya naman!”

“biro lang HAHA!”

dali dali akong tumungo sa pinto para buksan Ng biglang napalitan ng pagka-badtrip ang aura ng mukha ko

“speeking of... anzxiuz?”

“Hi chin..”bati nito sabay maluwag na ngumiti habang kumakaway sa Harapan ko

“ahh kuya ako nalang palan yung mag g-groceries may lista na po ba diyan ng mga Bilbilhin ko?”

“Bakit chin, sino ba'ya-” hindi Kona tinapos pa ang sasabihin kay kuya at agad na hinablot ang eco bag na hawak ni kuya bago ito lagpasan ng hakbang palabas

Inirapan kopa ito Bago lagpasan ng hakbang

“ayaw mobang samahan kita!?” pasigaw na tanong nito sa'kin

“Huwag na kung sisirain molang araw ko!” tugon ko dito, kita kopa ang kagat labing pagngisi nito habang nakahawak sa doorknob

Hindi ako sanay bumili sa kahit anong supre market, dito lang ako bumibili sa palengke para makamura, bukod duon ay mas sagana at mas madami kapang mapipili

Medyo mabaho lang ang malalansa at di kanais nais na amoy,lalo na sa mga kargador

Nasa kalagitnaan ako ng pamimili ng makakita ako ng tindang sariwang manok, bibili na din ako nito para magluto ng paborito namin ni kuya

I'm in love with Señorito Yazmael ZapanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon