CHAPTER 13

59 4 1
                                    

Frainchin Guavara P.O.V:

*****

Kasalukuyan kaming nasa sakayan pauwi, wala kaming naging imik kundi pag masdan nalang ang daan habang umaandar ang jeep

“Chin?” pagtawag sa'kin ni anzxiuz pero hindi kona ito inabalang linungan pa ng tingin

“Hayst...Ang ganda ng view”

Isinandal ko ang baba ko mula sa kanan kong palad na nakatukod sa kanan kong binti

Inirapan kopa ito habang hindi nililingunan ng tingin dahil ramdam ko ang bawat pagtitig nito sa'kin

Napatili ako ng bigla akong nakaramdam ng kiliti mula sa gilid ng tainga ko na para bang hinuhuli nito ang mga takas na buhok na humaharang sa kalahati ng paningin ko, saka niya ito inipit sa kabilang gilid ng aking tainga

“iyan mas lalo pang gumanda ang view” pamumusit nito sa'kin

Kaagad ko naman itong nilingunan ng naa-asar na tingin na siya naman ikinangiti nito ng maluwag

Hindi ko Alam kung namumusit ba talaga ang lalaking ‘to at nagawa kopa talaga siyang lingunan ng tingin kahit pa ayaw kong makita ang nang-aasar nitong hitsyura!

“tsk!”

“bakit? Totoo naman ah? Maganda ka naman talaga chin”

Nanlambot ang mga tuhod ko na para bang ewan

Alam niya ba kung ano ang sinasabi niya?

“ay este yung view palan, hehehe..” pagbawi nito sa sinabi niya

Hindi ko nalang muli itong inimikan at kaagad itinuon nalang ang tingin sa daan

“ganda sana kaso ang sungit..” dinig kong pabulong pa nitong ani

Nilingun ko naman ito ng tingin na para bang may ginawa itong malaking kasalanan

“tsk! Bahala kana nga diyan” kaagad akong pumara sa jeep at binabaan ito sa sobrang badtrip ko sa katabi ko

Ramdam kong nagmamadali din itong bumaba at sumunod sa akin

“t–teka lang chin”

Tsk! Bahala ka diyan!

Lalakadin ko na lang,tutal malapit naman na eh!

“f–frainchin!”

Ilang kilometro ang layo papunta sa tawidan papasok sa street ng tinitirahan namin

Wala pa ako sa malapit ay tanaw kona ang mga nagkukumpulang mga tao mula sa labas ng bahay.

Balewala naman ito sa'kin dahil sanay na'ko sa mga ganitong eksena

Yung tipong maglalakad ka lang ng mag isa o kahit may kasama ka ay pagtitinginan at ikaw talaga ang punto ng usapan

Palibhasa mga walang magawa sa buhay! Hayst...

Pagkarating ko sa pintuan ay kaagad bumungad sa akin ang mga nagkalat na display na nakalagay sa ibabaw ng lamesa, basag basag na din ang mga picture frame nina mama at papa, dinig ko din ang mistulang mahinang daing ni kuya mula sa kwarto dahilan para mabitiwan ko ang mga pinamili ng biglang umakyat ang kaba sa aking dibdib

“ARGGHHHHH!”

“k–kuya!”

Dali dali akong pumunta sa pinto ng kwarto pero laking pagtataka ko kung bakit ayaw bumukas pagkapihit ko ng doorknob

“k–kuya?...A–ayus kalang po ba diyan?” sandaling natahimik ang loob ng silid na para bang walang taong nakakulong sa loob nito

“m–may masakit poba?” muli kong tanong at naghintay ng ilang minuto bago ito sumagot na parang walang nangyari

I'm in love with Señorito Yazmael ZapanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon