CHAPTER 6

168 3 0
                                    

  
                        SOMEONE P.O.V:

           
                                 *****

“matagal pa ba siya?” tanong Ni anzxiuz habang inip na nakaupo Sa may sofa

“malapit na'yun”tugon naman Ni xyrus mula Sa pagkakaupo Sa harap ng lamesa habang humihigop ng mainit na kape

Maya Maya pa ay  lumabas na Sa kwarto Si frainchin habang nagsusuklay ng buhok

“tara na?” pag Aya nito Kay anzxiuz,sumabat naman Dito ang kuya niyang Si xyrus

“sandali Lang bunso... almusal ka muna”

“Oo nga frainchin! Almusal ka muna...hayaan Mo Hindi naman Ako mainipin maghintay sayo eh” sabat naman Dito Ni anzxiuz

“suss..Kaya palan nangangatug na yang tuhod Mo kakahintay kanina” pabulong naman na Sambit Ni xyrus

“ahm...Hindi napo kuya..kakain nalang po kami ni anzxiuz mamaya Sa labas” tugon naman Dito Ni frainchin ng biglang tumayo Sa pagkakaupo Si xyrus saka dumampot ng isang Plastic ng tinapay saka Ito iniabot Kay frainchin

“ito magbaon ka! Pinalamanan ko na‘yan ng mayonnaise...diba paborito mo'yan?” malambing naman na Saad ni xyrus Bago masayang abutin Ito Ni frainchin

“salamat po kuya...sige po Mauna napo kami! Ingat ka diyan huh? ‘wag masyadong magta–trabaho! Ako napo ang bahala Dito mamaya”

Ngumisi Lang ang kapatid Bago tumango Dito “Oo na...sige na dumeretsyo na kayo at Baka Ma–late pa kayo lalo”

Tumango naman Si frainchin Bago humakbang palabas ng pintuan

“FRAINCHIN! MAG IINGAT KAYO HUH? HOY IKAW DIN UNGAS! INGATAN MO KAPATID KO” pahabol pa na sigaw Ni xyrus Bago makalayo layo ng ilang kilometrong hakbang ang dalawa

“ tsk! Ako ba Yung tinutukoy Ng kuya mo?”

“na ano? Na UNGAS ka?” pigil Tawang tugon Dito Ni frainchin

“na ingatan ka?”seryoso namang Sambit Dito Ni anzxiuz

“malamang iingatan Kita! Magkaibigan Tayo eh!” dugtong na Sambit pa nito dahilan para ngumiti ng palihim ang dalaga

                              *****

FRAINCHIN GUAVARA POINT OF VIEW:

tingin Mo? Pagagalitan ba Nila Tayo?”

Huh? Ba't Mo naman ‘yan natanong syempre Oo! Na–late Tayo eh!

“hoy! Frainchin Guavara! Pagagalitan ba Nila Tayo?” pag uulit nito na halos mabingi na'ko Sa sobrang lakas ng Boses nito

“sa tingin Mo?” pataray na tugon ko Dito Bago Ito angatan ng tingin saka inirapan

Kasalukuyan kaming naglalakad Sa may hallway Bago kami umiba ng landas na tutunguhin

Dumeretsyo Ako Sa kanang classroom building habang Si anzxiuz naman Sa kaliwa

Akmang paakyat na'ko Sa hagdan ng biglang sumigaw Si anzxiuz habang tinatawag ang pangalan ko na agad Kong tinapunan ng seryosong tingin

“Frainchin!! Alam mona mamaya huh?”

Tsk! UNGAS! Akala ko pa naman importante na Yung sasabihin

Inirapan ko ulit Ito Bago tumungo saming Mismong classroom at Gaya ng inaasahan pinagalitan Ako Ni MRS. Roses dahil  na–late Ako Sa klase niya Sa unang pagkakataon,halos ipahiya na niya Ako Sa lahat ng mga kaklase ko Kaya nakayukong lumabas nalang Ako Sa loob ng room

I'm in love with Señorito Yazmael ZapanthaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon