CHAPTER 17

798 13 0
                                    

Chapter 17:  Relationship Official

“I LIKE you so much, Trixie,” namamaos ang boses na sabi sa kanya ni Wade at kapwa nila habol ang sariling hininga.

Hinalikan pa siya nito sa noo pababa sa tungki ng kanyang ilong at saka ito ibinaon ang mukha sa leeg niya na alam niyang may namumuo ng pawis pero balewala iyon.

“G-Gusto rin kita, Wade,” pag-amin niya sa binata at naramdaman niya ang pagngiti nito.

Muli pa siyang hinalikan sa noo saka siya iginiya sa labas ng walk-in closet niya kung saan mas marami ang mga sapatos niya kaysa sa mga damit niya.

“Ipagluto mo na lang ako, Miss. Baka kung ano pa ang magawa natin dito,” sabi nito na ikinangiti niya. Dahil hindi ito nagti-take advantage at alam nito kung kailan sila hihinto.

Maski siya ay parang wala na ring control sa sarili niya. Dahil nakalalasing ang bawat na paghalik nito sa kanya.

Pero nadi-distract lang siya nito dahil hindi siya tinantanan ng mga tingin nito. “Wade, naman. Sabi ko naman sa ’yo na sa living room ka muna. Huwag dito,” mahinang reklamo niya.

Nakatukod kasi isang braso nito sa island table at nangalumbaba. “Wala naman akong ginagawa maliban sa panonood ko sa ’yo, Trixie.”

“Anong wala?! Nadi-distract ako sa ’yo!” nakangusong sigaw niya at napahalakhak na naman ito.

“Please, let me stay here,” pakikiusap nito at marahas na bumuga siya nang hangin sa bibig.

“Wade Hansley Esquivias!” sambit niya sa buong pangalan nito.

“Yes, my Mrs. Trixie Garcia-Esquivias?”

“Wade!” Nagpapadyak lang siya sa sahig dahil sa panunukso nito sa kanya. Natitiyak siyang namumula na naman ang mga pisngi niya dahil ramdam niya ang init nito.

“Sounds good, right baby?” Tinakpan na lamang niya ang mukha niya gamit ang kanyang dalawang palad at bayolenteng nagtaas baba ang kanyang dibdib dahil sa mabilis na pagtibok ng puso niya. Tinawag siya nitong baby. Talaga naman pati bulate niya sa loob ng tiyan niya ay kikiligin din.

“Wade, enough na nga,” mahinang suway niya at naramdaman niya ang pagtayo nito. Mas lalong nagwawala na ang puso niya nang pumuwesto ito sa likuran niya at pumulupot ang isang braso nito. Hinawakan naman ang isang kamay niya na may hawak na sandok.

“Baka hindi na maluluto pa ang chicken soup natin, Trixie,” sabi nito at sabay nilang hinalo ang niluluto niya kaya naman tiningnan na niya ito. Sa huli ay hinayaan na lamang niya ang binata na yakapin siya na panay halik sa sentido niya.

Kahit habang kumakain sila ay nasa kanya pa rin ang buong atensyon nito.  Iniirapan pa nga niya ito at iniikutan ng eyeballs. Tanging mahihinang halakhak lang ang iginaganti nito sa kanya.

“Trixie, did you know?”

“Hmm?” tugon niya habang umiinom siya ng tubig.

“I just experience this strange feeling. This looks like a lot of fun. Molly and I don’t do this often. So I can say... this is the happiest thing in my life. Thank you, Trixie. Thank you for letting me be part of your life.”

“Me too, Wade. Only you made me feel this way. Thank you rin dahil paunti-unti mo akong pinapasok sa puso mo,” sabi niya and since magkatabi lang silang nakaupo ay nagawa siya nitong yakapin. He kissed her temple.

“I’ll take care of you, Trixie...”

“I’ll do the same way, Wade baby,” she teased him at nagawa pa niyang sundutin ang tagiliran nito.

Love's Unlikely Muse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon