CHAPTER 2

1.1K 19 0
                                        

Chapter 2: His Introduction

NAKANGITI si Wade habang tumitingin siya sa mamahalin na mga singsing. Sa ganda ng mga ito ay halos hindi na siya makapili pa dahil talaga namang magaganda ang mga ito pero kailangan na niyang pumili pa dahil excited siya sa mangyayari mamaya. Isa ito sa mga hinihintay niyang pagkakataon.

“Miss, ano ba ang pinakamaganda rito? Puwede mo ba akong tulungan? Sa sobrang ganda kasi ay nahihirapan akong pumili,” nahihiyang saad niya sa saleslady at ngumiti naman ito sa kanya ng matamis.

“Para po ba ito sa marriage proposal niyo sa girlfriend niyo, Sir?” magalang na tanong nito sa kanya. Tumango naman siya bilang tugon. “Ano’ng klase po bang babae ang girlfriend ninyo, Sir?” muling tanong nito habang tumitingin sa mga singsing na nakahilera na.

“Uhm... She’s a model,” sagot niya dahil iyon lang ang tanging masasabi niya para hindi na rin mahirapan pa ang babae.

Pero mabait naman talaga si Molly Allison, ang long-term girlfriend niya. Maalaga rin ito at maalalahanin, kaya isa iyon sa nagustuhan niya kay Molly. Hindi ito snob at napaka-approachable pa nito.

Highschool pa lamang sila ay kilala na niya ang dalaga hanggang sa naging magkaibigan sila pero nang tumunton sila pareho sa kolehiyo ay saka niya ito niligawan. Sinagot lang siya noong third year college pa lamang sila.

Kaya halos sampung taon na rin ang relasyon nilang dalawa. Ngayon niya lamang naisipan na mag-propose sa girlfriend niya. Hindi naman dahil hindi pa siya handa o nagdadalawang isip lamang siya.

Alam niya kasi na pangarap ni Molly ang maging model at mag-successful din ito, para na rin sa mga magulang nito. Ganoon naman siya, kaya in-enjoy na muna nila ang relasyon nila bilang magkasintahan. Mahal nila ang isa’t isa. Iyon ang alam niya na nararamdaman nila.

Ngayon nga ay alam niyang hindi tatanggihan ng girlfriend niya ang marriage proposal niya. Wala naman siyang nakikita na ibang babae na mamahalin niya at magiging asawa niya kaya kung para sa kanya ay alam niyang si Molly na ang babaeng makakasama niya habangbuhay.

“Heto po, Sir. Tiyak po ako na magugustuhan niya iyan at hindi po magdadalawang isip na tanggihan ang alok ninyong pagpapakasal sa kanya,” sabi nito. Naniniwala na talaga siya na may mabulaklakin na salita ang mga saleslady dahil alam nito kung paano makipag-salestalk sa mga customer nito pero malaking tulong naman ang ginawa nito para sa kanya.

Tiningnan niya ang singsing na may puting diamente, ’sakto lang ang laki nito pero hindi naman masyadong maliit.

“Thank you, Miss,” sabi niya at nagbayad din siya pagkatapos.

Sinuksok niya lamang ang velvet box sa bulsa ng pants niya saka siya lumabas mula sa jewelry shop. Nagtungo siya sa parking space kung saan din naka-park ang Bercedes-benz na kotse niya.

Wade Hansley Esquivias, 30-year-old. Mabait, mapagkumbaba, may mabuting puso at seryoso sa trabaho niya. Isa siyang negosyante na nagmamay-ari ng Esquivias Car Rental na in-import pa nila from abroad. Limited edition ang lahat ng mga kotseng in-import nila at puro mga mayayaman na tao rin, politicians ang dumadayo sa kompanya niya para lamang bumili ng bagong sasakyan.

Hilig niya rin ang kumolekta ng sports car at hindi basta-basta ang presyo ng mga ito dahil aabot pa ng milyon. Dahil sa pagiging mabuting tao niya ay biniyayaan naman siya ng maganda at mabait na girlfriend, iyon na si Molly Allison. Bagamat isang sikreto lang ang kanilang relasyon.

Pero malaki naman ang tiwala niya. Kung aalukin na niya ito ng kasal ay alam niyang sasagutin na siya nito at doon na siya maipakilala na boyfriend nito.

Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya saka siya sumakay. Kinabit ang seatbelt sa kanyang katawan at saka siya nagsimulang nagmaneho.

Kinuha niya ang cellphone niya at ikonekta ito sa speaker niya. Tinawagan niya ang kanyang girlfriend at ilang ring pa bago nito sinagot ang tawag niya.

Love's Unlikely Muse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon