Chapter 19MABILIS na nag-impake si Eloisa at hindi pinapansin ang pakiusap ng kanyang mga magulang. Sa sobrang galit na nararamdaman niya ay halos mabagsak niyang inilalagay lahat ng mga damit at damit ng anak sa kanilang maleta. Nakiusap siya kay Cheska na bantayan ang kanyang anak upang maimpake niya ang lahat.
Hindi niya pinapansin ang mga ito at maging ang pagsubok na hawakan ay kanyang inilalayo. Naghihimutok siya sa sobrang sama ng kanyang loob. Hindi siya mapakapaniwala na pinagkaisahan siya ng mga ito at nagawang ilihim sa kanya ang napaka-importanteng bagay.
Gusto niyang matawa sa kanyang sarili, sa iisiping nag-uusap ang mga ito sa kanyang likuran at marahil ay pinagtatawanan siya sapagkat wala siyang alam. Nagmukha siyang tanga sa harap ng mga ito na ipinagpipilitan na si Cole ang ama ni Calyx.
"Eloisa."
Lalo lang niyang naramdaman ang galit nang marinig ang boses ng kuya niya. Puno ng galit at sakit ang kanyang emosyon na bumaling rito. Malalim ang paghinga. "Ang tanga ko siguro sa harap niyo 'no? Katatawa siguro ako, kasi ako na ina ni Calyx hindi alam kung sino ang tunay niyang ama."
"Hindi gano'n!"
"Stay away!" Pinandilatan niya ang kapatid nang sumubok itong humakbang palapit sa kanya. Dinuro niya ito. "I hate you." Hindi na niya pinigilan pa ang bugso ng kanyang damdamin. Ang mga luhang pinakawalan niya sa kanyang mga mata na nagdadala ng kirot sa kanyang puso."All of you for doing this to me. You have no idea how my heart is breaking right now. Kasi sarili kong pamilya itinago sa akin ang totoo."
"Anak, hindi sa gusto naming itago sa'yo. We thought it was for the best."
"And whose idea is it?" Bumaling siya sa kanyang kapatid. "Sayo? Dahil galit ka kay Callum? Pinili mong ilihim sa akin?" Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman dahil sobra ang tiwala na ibinigay niya kay Rio.
"I'm sorry." Nanlulumong sambit ng kanyang kuya.
Marahas siyang umiling. Walang kapatawaran ang ginawa nito sa kanya. She was betrayed by them. Her family. Mga taong akala niya ay magtatanggol sa kanya sa lahat ng bahay.
"I shouldn't have come home." Walang emosyong aniya. "I should've just lived my life with Calyx. Baka hindi pa nadadamay ang anak ko ngayon." Muli ay hindi niya naitago ang sakit sa kanyang emosyon nang maalala ang anak na ngayon ay alam niya na mas naaapektuhan sa nangyari. "My son, Rio! Do you even for once think how he would feel about this? Hindi ko man lang siya naihanda, because YOU chose to be selfish! You all chose to hide this. Hindi sa ganitong paraan ko gusto na malaman niya ang lahat! He was only eight. I trusted all of you!"
"Anak.."
Matalim ang tingin niya sa kanyang ina. "Masaya na kayo? Inuna niyong intindihin ang nararamdaman ni Rio kaysa sa magiging reaksyon ko sa katotohanang ito?"
"It's not like that, Eloisa."
"Ayokong marinig ang lahat ng rason niyo." Pigil niya sa ina at kahit hindi niya gusto na nakikita ang sakit sa mukha nito ay mas pinandigan niya ang nararamdaman niya. "Thanks for these early Christmas gifts. It really blew my mind and broke me to pieces." Dagdag niya saka hinila ang mga maleta pababa. Hindi niya tinanggap ang pagtulong ng kuya niya at marahas na inagaw ang maleta ni Calyx. Kahit hirap na hirap siyang ibaba ang dalawa ay kinaya niya.
Mula sa labas ay naghihintay ang kanyang anak. Hindi nito tinapunan ng tingin ang kanyang mga magulang at kapatid na humawak lamang sa kanya dahilan para lalong manikip ang kanyang dibdib.
He's son trusted them too. He treats them like his family, because they are. Only for him to realized that she was the only one he have, he trusts. They not only broke her, but her son aswell. At mas masakit iyon sa kanya.

YOU ARE READING
A Trace of You [COMPLETED]
Fiction généraleAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...