Chapter 21

1.1K 84 12
                                        


Chapter 21

HINAYAAN niya ang mag-ama na magkaroon ng pagkakataong makilala ang isa't isa. Mula sa sala ay nakatanaw siya sa dalawa na nasa balkonahe ni Tanya sa likuran kung saan mas tanaw nila ang bundok. Malawak ang likuran ng bahay ni Tanya kaya naman malaya ang dalawa na maghabulan.

May haplos ng kasiyahan at kirot ng kalungkutan ang kanyang nararamdaman habang pinagmamasdan ang malapad na ngiti ng kanyang anak, ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito. Hindi niya akalaing napakalaking bagay ang pinagkait niya sa kanyang anak dahil lamang sa takot siyang masira ang relasyon niya kina Cole at Lauren.

Nakalimutan niya na mas mahalaga pala ang nararamdaman ng kanyang anak, kaysa sa kung anuman ang problema niya. Masaya siya sa kanyang nakikita. Ang kanyang anak na ngayon ay makakapiling na ang ama.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala na si Callum ang ama ng kanyang anak. Kahit na hindi maipagkakaila ang mukha ng dalawa ay hindi parin niya mairehistro sa kanyang isip. Parang panaginip na hindi niya alam kung magigising ba siya o hindi.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Pukaw ng kapatid niya sa kanya. Sandali lamang niya itong tiningnan bago muling ibinalik sa mag-ama. "Eloisa, please. Kahit pakinggan mo lang ako."

"You lied to me, Rio." Malamig niyang sambit. "Paano mo nagawa sa akin 'yon?"

"I did it because I don't want you to get tangled into this mess."

"I gave birth to his son. Sa tingin mo hindi pa ako kasama sa gulo? Atsaka, kaya lang naman kayo nagkagulo ay dahil may nangyari sa amin." Asik niya. "None of this would have happened if I didn't stupidily jumped into his bed in the first place."

Napabuntong hininga ang kanyang kapatid. "You know how much I care about you, El. I love you. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo kay Cole at kapag nalaman mo na hindi si Cole ang lalaking naka—fuck!" Bakas ang iritasyon sa mukha nito. "I am not sure this is the right conversation we are supposed to have, you know. Para sa akin na kuya mo, masakit malaman na ang pinakaiingatan mong kapatid ay pinagnanasaan ng kaibigan mo. You know how many guys I have to threatened to keep them away from you. How much I want Callum, Aidan an Aleksei to see you as their own sister? Because damn it, Eloisa! Hirap na hirap akong bakuran ka!"

"Did I ask you to? Do you think I can't handle myself?" Tanong niya at tanging makahulugang tingin ang pinukol nito sa kanya dahilan para mapatikhim siya. "Fine! I got drunk and had s—you know what I mean! Pero hindi ibig sabihin no'n na hindi ko kaya ang sarili ko pagdating sa mga lalaki. Ikaw na rin ang nagsabi, si Cole lang ang mahal ko noon kaya nga ni isa walang nakalapit sa akin."

"Except when you're drunk."

Pinandilatan niya ang kapatid dahil sa ibig nitong sabihin. Itinaas naman nito ang kamay bilang pagsuko sa kanya. "Sorry."

"Ang sinasabi ko lang, kung naging totoo ka lang sa akin, edi sana hindi tayo umabot sa ganito." Saad niya. "Hindi sana kung ano anong senaryo ang tumatakbo isip ko. Takot na baka masira ang relasyon naming magkakaibigan. Because, Rio.." Itinuro niya ang dalawa sa labas na hanggang ngayon ay masaya paring naglalaro. Hindi niya napigilan ang kanyang mga luha. "I took that away from my son! Hindi man niya sabihin sa akin, alam ko na gusto niya na makilala ang kanyang ama. Whether I love Callum or not, my son has the right to know the truth. Callum too."

"I am sorry." Nanlulumong sambit ng kanyang kapatid. "I shouldn't let my feelings get the better of me. Kasalanan ko ang lahat. Huwag mo sanang ibaling kay Mama at Papa. Nakinig lang sila sa akin. Dad was relieved when I told them it was not Cole. Kahit papaano, hindi raw magiging komplikado ang lahat. But for me, it still complicated. Because Callum is marrying Cheska at ayokong pagbuntunan kayo ng anak mo ng Congressman at mga Delmundo kapag nalaman nila na may anak si Callum sa'yo."

A Trace of You [COMPLETED]Where stories live. Discover now