Chapter 3

483 43 8
                                    


My usual boring day kapag nakaduty sa library ay naging makulay dahil kay Olivia. I'm so intrigued by her — excited kasi kasama ko sya. Imagine The Rank 2 is here, making jokes and witty remarks to me.

OA na kung OA pero parang ang tagal na naming  magkakilala. Ang gaang lang sa pakiramdam na kausap ko sya — walang ego, walang intimidation.

I feel at home in her presence.

At saka natatameme talaga ako kapag napapatingin ako sa mukha ni Olivia. She looks unreal. Napakaganda eh. Ang perfect ng mukha.

"Nakakangalay din pala." Nakangiting sabi ni Olivia pagkalagay nya ng huling libro sa Journal section. 

"Sa una, oo." Sagot ko habang nakatayo sa likuran nya. "Pero exercise din." 

Olivia chuckle and comb her hair using her candle shaped fingers. "Gaano katagal ka na dito Clover?"

Hearing her saying my name give me butterflies in my stomach. "Since first year."

"Ang tagal na pala." Grabe ang kabog ng dibdib ko ng humarap sakin si Olivia. Her eyes are mesmerizing — almost hypnotizing. "Dito ka lang pala nagtatago." 

I feel my face blushes. "Tahimik kasi dito, walang campaign for The Rank — " And i realized what i just said. "I mean.."

"It's fine." Olivia walks towards me slowly — very sexily like a fox. Napasinghap ako ng hangin dahil halos ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha naming dalawa. "I don't like it too."

Pero naghalo halo na ang lahat sa utak ko dahil sa nangyayari. "Don't like what?"

We are face to face. 

"The noise, the popularity — " Titig na titig si Olivia sa mga mata ko, then down my lips. "I also want peace." At may kinuha si Olivia na libro sa kaliwang shelves kung saan ako nakatayo. "Got the last one." She even show me the book with a smile at binalik sa dapat nitong kalagyan. "We are done."

Meanwhile I'm still stunned of what happened or whatever she did. 

Sinadya nya ba yon or trip nya lang?

I know Olivia is nice, sweet and humble — everyone in Timothy adore her. But still... Hindi ko pa sya ganon kakilala. 

So, i have to be careful with her. 

Bumalik na kami sa reception desk at naupo. Wala naman masyadong student ngayon, busy kasi sila sa pagboto for The Rank. To be sincerely honest never ko pa na try bumoto.  Like for what? 

I'm not here in Timothy for beauty contest.

Kinuha ko ang bag ko. "Ikaw Olivia bakit mo naisip mag duty dito?"

Don't get me wrong, ang daming mas exciting na activities aside from library. 

Sumandal si Olivia sa upuan and sexily cross her legs. "Wala lang, para maiba naman."

Should i believe her? If no, bakit naman sya magsisinungaling?"

"Can i ask a question." It's more like a statement from Olivia. 

Nilabas ko ang chocolate na binigay ni Peeta sakin. "Do you want?" 

But she shake her head. "No, thank you, may allergy ako sa chocolate." 

What? May tao palang may allergies sa chocolate?

Sumubo ako ng isang pirasong chocolate.

"Dating ba kayo ni Peeta?" 

At parang may bumara ang chocolate sa lalamunan ko sa tanong ni Olivia since si Peeta ang nagbigay ng chocolate na kinakain ko nagayon. 

Ubo ako ng ubo kaya uminom ako ng tubig. 

The Rank - Series IIWhere stories live. Discover now